TBM 23

673 17 0
                                    

TBM 23

Pauma's POV
"Pauma, lilinisin mo ang banyo mamaya. Napupuno na kasi ng ipis,e." Utos sa akin ni Manang Jijay.

Tumango na lang ako at pinatuloy ang pagwawalis sa kwarto ni Mayor. Dahil sa may trabaho ngayon si Mayor at hindi na kayang asikasuhin ang kanyang kwarto dahil sa katamaran ay ako na lang naglilinis dito habang wala siya.

"Salamat, ha?" Lumabas na si Manang ng kwarto.

Habang naglilinis ako sa loob ng kwarto may nabundol ako na ikahulog ito. Hindi ko alam kung ano. Kaya napalingon ako sa aking likuran. Isang album na may lamang pictures na kumalat sa sahig.

Dali-dali ko naman itong pinulot at baka may mawawala dito pag hinayaan ko lang nakakalat. Pero, nagulat ako nang may tumambad sa nakita ko habang isa-isa kong pinasok ang picture sa album.

Napaluha ako sa aking nakita. Hindi ako makapaniwala dahil nang dito lang pala siya. Nang dito lang pala siya sa tabi ko. Sinisermunan niya lang pala ako, pero hindi niya alam na nang dito lang ako.

PINARUSAHAN niya lang pala ako. Wala ba akong kwenta sa buhay niya? Hindi niya na ba ako mahal? Nabanggit ko na nga sa kanya ang apelyido ko ba't hindi niya pa ako nakikilala?

"What are you doing here?" Nagulat na lang ako at napalingon sa aking likuran.

"Yumi? Yumi..." Tumayo ako mula sa aking pwesto kanina at niyakap si Yumi. Isa-isa nang pumapatak ang aking luha.

Nang bigla akong tinulak ni Yumi. "Don't touch me! Huwag na huwag mo akong hahawakan dahil nadidirian ako sa 'yo!" Sumbat ni Yumi sa akin.

"Pero, Yumi. Ikaw 'yung-"

"Don't you ever call me 'Yumi', ilang beses ko nang sinasabi sa 'yo na tatawagin mo akong 'Senyorita Yumi.'"

"Yumi..." Tumutulo na ang mga luha ko dahil hindi ako makapaniwala sa nalaman ko.

"HALIKA NGA DITO!" Hinawakan ni Yumi ang aking buhok na pasabunot at dineretso sa banyo.

"Yumi, maawa ka sa akin..." Pag-mamakaawa ko kay Yumi na may dalang iyak na galing sa aking mata.

"Nakikita mo ba 'yan?" tinuro niya pa ang toilet bowl sa harap ko habang pinapaluhod niya ako.

"Yumi, please lang. Nag-mamakaawa ako sa 'yo. Wala naman akong ginawang masama sa 'yo, e."

"Sa akin, wala. Pero kay Daddy, meron. Pinapakelam mo ang kanyang mga gamit dito sa kanyang kwarto. Ano, may balak ka, 'no?"

Mas lalo niyang hinigpitan ang pag hawak ng aking buhok. Parang aalis na yata ang mga buhok ko sa aking ulo. "Yumi, maling-mali ang iyong iniisip. Wala akong balak na masama. Hindi naman ako mukhang pera para nakawin ang mahahalagang bagay ng iyong ama..." Humagulgol na ako.

"SINUNGALING KA!"

Sinawsaw na ni Yumi ang aking mukha sa toilet bowl. Hindi pa siya sang-ayon sa kanyang ginawa. Binuhusan niya pa ito ng liquid toilet bowl cleaner habang nakasawsaw pa 'rin ako sa toilet.

Inangat niya na ang ulo ko mula sa pagsawsaw sa toilet bowl. "Ito ang paghihiganti ko sa 'yo simula nang ipinakilala ka ni Kevin sa harap ng kanyang pamilya at inalok ka sa pagkasal niyong dalawa. Akala mo hindi ko alam ang lahat? Nagkakamali ka!" Nanggigil na hinigpitan lalo ni Yumi ang buhok ko. Basang-basa na 'yung mukha ko sa kakasawsaw sa toilet.

"Yumi, tama na. Please..." Iyak pa 'rin ako ng iyak. Hindi ko na kaya ang pinanggagawa sa akin ni Yumi. Kailangan ko nang maka-alis sa mansyong ito.

~

"WHAT?" Gulat na sinabi ni Mayor nang sinabi ko ang buong nangyari sa pag-aaway namin ni Yumi kanina. Kakadating pa lang ni Mayor dito galing sa trabaho. "Talagang ginawa mo iyon sa kanya, Yumi?"

"Dad, ano bang nakain mo? 'Di ba dapat proud na proud ka sa akin dahil ginawa ko 'yun sa kanya?" Natatawa pang binanggit ni Yumi sa harap ng kanyang ama.

"Alam mo, Yumi. Sobra-sobra na ang ginagawa nating pananakit kay Pauma. Hindi pa ba sapat iyon sa 'yo? Nakahiganti ka na. Ano pa ba?" Banggit muli ni Mayor.

"Hindi pa ako tapos, Dad. Nagsisimula pa lamang ako." Biglang napatakbo si Yumi at agad pumasok sa banyo. Napaharap siya sa lababo at sumuka. Naririnig namin mula sa labas ang tunog ng kanyang pagsusuka.

"Yumi, ano bang nakain mo?" Nagtatakang tanong ng kanyang ama, habang nakatingin sa bukas na banyo.

"Nasobrahan po yata siya kanina sa pagkain ng lugaw. Marami po yatang nakain niya kanina." Sambit ko naman.

"Take your time, my dear." Sigaw ulit ni Mayor sa labas ng banyo. Parang wala ng bukas ang pagsusuka ni Yumi sa loob ng banyo.

Tapos na yata ang pag-uusap namin ni Mayor. . "A-Aalis na po ako..." binanggit ko kay Mayor.

"You should leave. Hindi kita kayang pababayaan na saktan ka muli ng aking anak." Nakangiti niyang sinabi sa akin.

Habang naglalakad palabas ng kwarto ni Mayor. Umiiyak ako. Hindi ko alam kung bakit ganoon niya ako kamahal. Mabuti pa si Mayor, concern sa akin.

Pumasok na ako sa aking kwarto at nag-impake. Pinasok ko na ang lahat ng gamit ko sa maleta ko. Nang matapos ko nang ipasok ang lahat, lumabas na ako ng kwarto ko at bumaba na. Lumabas na 'rin ako ng mansyon.

"Hinding-hindi ko makakalimutan ang memories ko dito sa mansyong 'to." Sabi ko sa sarili ko, habang papalakad sa gate.

"Pauma, may nakalimutan ka yata!" Sigaw ni Manang na todo-todo habol sa akin. Hingal ng hingal siya bago niya pinatuloy ang sasabihin niya sa akin. Napahinto ako sa paglakad at humarap sa kanya.

"Ano po iyon, Manang?" tanong ko sa kanya.

"Hindi mo pa nalilinisan 'yumg banyo na pina-utos ko sa 'yo kanina." Tila hinahabol niya ang kanyang hininga dahil sa pagod sa kakatakbo.

"Manang, seryoso po ba kayo?"

"Joke lang." Simple niyang sinabi habang hinahabol niya pa 'rin ang kanyang hininga.

"Manang, ano po ba talaga ang sasabihin niyo sa akin bago ako makalabas dito?"

"'Wag mo akong kakalimutan, ha?" May dinukot siya sa kanyang bulsa. "O ayan, itatago mo 'yan. 'Wag na 'wag mong iwawala, para matatak mo ako sa isip mo. Marami tayong kasiyahang pinagdaanan tuwing wala si Yumi." Tutulo na yata ang luha ni Manang.

"Salamat, Manang..." Niyakap ko siya bilang pasasalamat ko sa kanya. "Hinding-hindi kita makakalimutan, Manang. Ito na yata ang huli nating pagkikita..."

Ma-mimiss ko talaga ang ginagawa ko dito sa mansyon na 'to. Maraming good and bad memories ang na sa loob ng isip ko.

Wala na sigurong hinto ang pagkikwento ko nito kay kabayo mamaya. Siguro sisigaw 'yun at mapupunit talaga ang bunganga 'nun sa sobrang ka OA-han.

"Paalam, Pauma..." Bumitaw na kami sa pagyakap ni Manang at deretso na akong naglakad patungo sa gate.

Paalam 'din, Manang...

The Breakup MissionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon