TBM 24

697 19 0
                                        

TBM 24

Kevin's POV
Kumatok ako sa pinto sa mansyon ng mga Yaewhu. Gusto ko sanang bisitahin si Pauma na nagtatrabaho pala sa mansyon ni Yumi. Ba't hindi pa kasi sinabi ni Pauma ang totoo? Kaya pala dikit siya ng dikit kay Yumi kasi siya ang personal assistant nito.

Bumukas na ang pinto at nakita ko ang mayordoma nina Yumi na nagtatrabaho dito sa mansyon habang wala pa si Auntie Veronne na nasa Davao pa nagtatrabaho sa business niya 'dun. "Hello, sir. What brings you here?" nakangiting bati sa akin ni Manang.

"Si Pauma? Where's Pauma?" seryoso kong tanong.

"Don't you know? Hindi ka ba na-inform ng kabit mo? Este, ni Yumi?"

"Bakit? Saan ba si Pauma?"

"Ayun, umuwi na. Ayaw na ni Mayor makita pang masaktan ulit si Pauma."

"E, 'di ba si Mayor ang gumawa ng punishment na 'yun?"

"E, hindi niya naman alam kung bakit sinasaktan ni Yumi si Pauma."

"Saan si Yumi? Kailangan ko siyang makausap."

"Kanina si Pauma ang hinahanap, e ngayon naman si Yumi. Hay naku." pagrereklamo ni Manang habang papalakad ng palayo sa akin upang tawagin niya si Yumi.

Pumasok na lang ako ng kusa sa loob ng mansyon at umupo sa sofa ng sala.

"Where is he?" naririnig ko ang mga yapak ni Yumi pababa ng hagdan. Nakita ko naman na tinuro ako ni Manang at dumiretso na siya patungo sa kusina. "Bakit ka napapunta dito?" nagtatakang tanong ni Yumi habang papalapit sa 'kin.

"Saan si Pauma? Sinaktan mo ba siya kaya siya umalis?" dire-diretso kong tanong.

"What? Me? Pinaalis? No. Si Dad mismo ang nagpalayas sa Pauma na 'yun. Sinasaktan niya kasi ako, e." sagot niya naman.

"Alam kong nag sisinungaling ka, Yumi. I don't believe you." naningkit ang dalawa kong mga mata.

"Kahit kailan, Kevin. Hindi kita niloko."

"Tangina, Yumi." napatayo ako dahil sa galit. "Ba't ka pa nag sisinungaling sa 'kin? Aminin mo, nagseselos ka ba sa relasyon namin ni Pauma?" seryoso kong tanong sa kanya.

"Same question. Different answer." huminga muna siya ng malalim bago itutuloy ang kanyang sasabihin. "No. I'm not jealous. Hindi ako malandi sa isang lalaki na tinitilian ng mga babae." simple niyang sinabi.

"Anong ibig mong sabihin?" nagtataka kong untag.

"Si Pauma 'rin ang nag tanong sa 'kin ng ganyan. Well, it's not true that I'm jealous. Ba't naman ako magseselos sa isang katulad mo?"

"Ibig ba sabihin ng different answer mo ay kabaliktaran sa sinagot mo sa 'kin?"

"Oh come on. Ano bang pinakain sa 'yo ni Pauma at ba't naging tanga ka?"

"Ibig sabihin ba 'nun ay nag seselos ka sa relasyon namin ni Pauma? 'Yun ba ang sinagot mo kay Pauma nung tinanong ka niya?" nalilito kong banggit.

"Such an idiot. Ano pa ba ang sinabi ko? Well, I admit it. Totoong nag seselos ako sa relasyon niyo."

"Pinalilito mo lang ba talaga ako? Nakaka-bwisit ka na, ha." seryoso kong sinabi. "Kung ganoon lang naman pala. Kahit kailan, hinding-hindi ako mahuhulog sa bitag mo."

"Useless heart. Sayang lang ang effort mo sa pagmamahal sa babaeng iyon."

"Useless brain. Hindi mo kami ma-uutakan." pang-aasar ko sa kanya.

"Na utakan na kita noon pa. Gusto mo ng proweba?" umakyat muna siya sa kanyang kwarto at bumaba na may dala-dalang pregnancy test.

"Ano na naman bang ibig-sabihin mo nito?" pagtataka kong tanong.

"Tanga ka ba? Sadyang nahawa ka na talaga sa Pauma na 'yun?" binigay niya pa sa 'kin ang pregnancy test. "Buntis ako, Kevin at ikaw ang ama ng anak ko." seryoso niyang sinabi.

Napatulala na lang ako sa kawalan dahil sa hindi ko mapaniwalang narinig mula sa boses ni Yumi.

"Buntis ako, five months na. Tinatago ko lang ito sa mga tao. Nagkukunwari lang ako sa mga tao na... mataba ako. Hindi nila nahahalata na buntis na pala ako."

"WHAT?"

Napatigil ako sa pagkatulala dahil sa aking narinig mula sa hagdan. Napatingin ako sa hagdan kung nasan nang 'dun si Mayor.

"Buntis ka, Yumi?" hindi siya makapaniwala sa narinig 'din mula kay Yumi. "Sino ang ama? Sino ang ama?!"

Humarap lang sa 'kin si Yumi na umiiyak. Tumutulo ang kanyang mga luha. Kahit ako ay hindi ako makapaniwala na ako ang ama sa dinadalang tao ni Yumi.

"Ikaw ba, Kevin? Ikaw ba ang ama sa dinadalang tao ng anak ko?" untag sa 'kin ni Mayor. "SUMAGOT KANG GAGO KA!"

Dahan-dahan akong tumango. "Opo. Ako po ang ama sa anak ni Yumi. May nangyari po sa 'min noon." sabay patak ng isang luha ko.

"HAYOP KA! IPAPAKULONG KITANG GAGO KA!" dali-dali namang lumapit sa akin si Mayor at sinuntok sa aking mukha.

Napahawak naman ako sa aking pisngi kung saang parte niya ako sinuntok. Sumakit ang pisngi ko. Namamaga yata ito dahil sa suntok na galing kay Mayor.

"PANAGUTAN MO ANG ANAK KO, HA? KUNG HINDI, SASAMPAHAN KITA NG SEXUAL HARASSMENT!" galit na galit sa akin si Mayor. Parang gusto niya na akong patayin. Mabuti na lang ay inawat ni Yumi ang kanyang ama. "TANGINA KANG GAGO KA! ANG DAMI-DAMING BABAE DIYAN, NABUNTIS MO PA ANG ANAK KO!"

"Sir, I want to explain."

"I DON'T NEED SOME EXPLANATIONS-!"

"DAD!" napapigil si Mayor sa kanyang pagsisigaw sa akin dahil kay Yumi. Napaharap naman kaming dalawa sa kanya. "Mag papakasal kami ni Kevin after two years. Dapat niya lang panagutan ang anak ko."

Humarap naman sa 'kin si Mayor. "Dapat lang kayo mag pakasal after two years." naningkit na ang kanyang dalawang mata.

"But, now. Let's keep it a secret." dagdag naman ni Yumi.

~

"Dapat ko po bang sabihin ang sikreto namin ni Yumi kay Pauma, Manang?" nalilito kong untag kay Manang. Kay Manang kasi ako humihingi ng advice, siya lang kasi ang tumutulong sa 'kin sa mga problema dati tuwing pumuounta ako sa mansyon nina Yumi.

"Naku, dapat mo na talagang sabihin habang maaga pa. Habang may oras at panahon pa." sagot sa akin ni Manang habang nagluluto.

Kanina pa ako palibot-libot sa paglalakad sa loob ng kusina. Hindi ko alam kung ano ba ang gagawin ko sa pinasukan kong problema.

"Paano kung magagalit siya sa akin?" untag ko na naman.

"Oo. Talagang magagalit siya sa 'yo. Sino ba ang hindi magagalit sa isang tao na minahal mo na may kalaguyo sa ibang babae?"

"Manang, sasabihin ko ba talaga sa kanya?"

Humarap sa akin si Manang at tumango na nakangiti. "Oo. 'Wag kang matakot na sasabihin mo ito sa kanya. Basta ako, wala na akong pakelam sa relasyon niyo baka madamay pa ako sa problema. Kung ako pa sa 'yo, sabihin mo na agad sa kanya." at pinagpatuloy na ni Manang ang kanyang pagluluto. "Kung papasok ka sa problema, dapat mo na itong ayusin habang maaga pa."

Ano bang solusyon sa problema ko?

The Breakup MissionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon