TBM 45
Pauma's POV
Lunch break na, kaya hinanap ko si Kevin sa classroom nila. Pero walang Kevin ang nakita ko. Dahil ilang oras kong hinanap si Kevin, na iihi tuloy ako. Wait, baka ni-reregla ako. Kanina pa kasi kumakati ang ano ko, e. Pag ni-reregla ba, kumakati ang ano? Nakalimutan ko na kasi 'yung feeling na ni-reregla, e. Sige push ko lang 'tong pagreregla ko kunwari.Papasok na ako ng banyo kahit wala na akong dalang napkin. Pero may nakita akong hindi ko pwedeng makita. Guess what?
Nakikipag halikan si Kevin kay Yumi...
Biglang kumirot ang dalawang dibdib ko. I mean ang dibdib ko, dahil sa aking nakita. Hindi ako makapaniwala na ginawa niya iyon sa harap ko. Tama nga ang sinabi ni Itay at Inay sa 'kin, niloloko lang ako ni Kevin nang sinabi niya iyon sa magulang ko. Ba't hindi nagalit sa kanya si Inay at Itay? Gusto lang ba nila makuha ang virginity ko?
Nakita naman ako ni Kevin at napatigil siya sa paghalik kay Yumi na mukhang kuko at baboy na mataba. Ba't sarap na sarap siya? Hindi ba siya diring-diri?
"Pauma..." Lumapit naman siya sa akin at agad ko siyang...
SINAMPAL!
"Totoo nga. Totoo nga ang sinabi sa akin ni Inay at Itay. Pustahan lang pala ang lahat? Ba't hindi mo agad ako na inform? Ayaw mo bang masaktan ako? Ba't ngayon kaya mo?" giit ko sa kanya. "I het to tell you that I don't love you anymore."
"Oo, Pauma. Pustahan lang ang lahat ng magsimulang malaman ng mga barkada ko na peke lang pala ang relasyon natin sa isa't-isa. Pag mag hihiwalay na 'raw tayo, bibigyan nila ako ng isang milyon!" sagot niya naman.
"Ba't ako pa kasi ang pinili mo? Ba't niloko mo ako? Nakaka-putang ina naman, o. Ba't nagkakagusto ka pa sa baboy na mukhang kukong 'to? Ano bang nakita mo sa kanya? Fats ba? Sige, bibigyan kita pag ililibre mo ako sa supermarket." mangiyak-iyak kong sinabi sa kanya.
"Excuse me? Hindi ako mataba at masyado ka lang nahuhuli sa mga balita. Buntis po ako ng ka-relasyon mong niloloko ka dahil isa kang malaking tanga!" ani Yumi.
"Mas tanga ka keysa sa akin! Lolokohin ka 'din niya!" sabi ko naman na humarap kay Yumi.
"Hindi fats ang kailangan ko kay, Yumi. Mahal ko siya, Pauma. Mahal niya 'rin ako at lahat na sinabi kong 'I Love You' sa 'yo, binabawi ko na ito." nakangiting sabi ni Kevin.
Humarap naman ako sa kanya. "PAKYU KA! PAKSHET KA! ISA KANG MALAKING PUNYETA NA PUMASOK SA BUHAY KO, KEVIN!" sigaw ko naman sa kanya.
Ang sakit-sakit pala pag may mahal siyang iba. Alam niyo ba ang feeling na 'yun? Try niyo kaya i-untog ang ulo niyo sa pader? Sakit 'di ba?
"Murahin mo pa ako, Pauma. Kahit ano pang sasabihin mo, hinding-hindi mo na ako makukuha." simple niyang sinabi.
Dahan-dahan namang pumatak ang mga luha ko sa sinabi niya. Niloloko niya nga talaga ako.
"And also, thank you pala dahil naniwala naman ang nga fans ko na girlfriend kita kahit hindi totoo. Makukuha ko na talaga ang isang milyon na pinag-usapan namin ng barkada ko." tumawa siya ng konti.
"Excuse me nga. Na iihi na ako, e. Kakahanap sa 'yo kanina." Umalis naman ako sa harap nila at binangga pa ang left shoulder ni Kevin.
Pumasok naman ako sa isang room na sa loob ng banyo at umihi. Parang hindi ako na iihi ngayon. Bwisit na ihi 'to, walang pakisama.
I can't believe na ginawa iyon sa 'kin ni Kevin. Sinaktan niya ako tagos to my pempem, I mean heart. Ang sakit po, pramis. Kaya ako po talaga sa inyo, maghiwalay na po talaga kayo baka mahuli mo pa 'yang nobyo niyong nakikipag-halikan sa isang babaeng mukhang kuko at baboy. Teka, buntis si Yumi? Omaygash, hindi ko masyado narinig kanina because I bite my nails while trying to cry. Charot lang. Narinig ko naman talaga kanina, e.
So gano'n pala 'yun. Pustahan lang pala nang nalaman ng nga barkada niya na peke ang relasyon namin. Nakaka-inerns ka author, ba't ako pa ang naging bida sa istorya dito? Pwede naman 'yang GF mong mukhang mani.
(Kevs: Sinali-sali mo pa ang GF ko, e wala naman akong GF, e. Hindi kaya ako isang lalaking manloloko sa mundong 'to.)
(Pauma: Hm? Sure ka? My love triangle ka pang nalalaman diyan. Hmm...)
(Kevs: Ipatuloy mo na 'yang pinagsasabi mo.)
(Pauma: Fine po.)
Lumabas naman ako ng CR na hindi man lang umihi, umutot na lang. Nakita ko naman na nakikipag-halikan pa 'rin si Kevin kay Yumi. Sarap na sarap pa 'rin siya, parang pinagseselos niya lang ako. Parang pinagmukha niya lang akong tanga. Ang sakit po.
Nakatitig na lang ako ng masama sa kanila habang papalabas ng banyo. "Tse. Nakakasira kayo sa mata." iyon lang ang tangi kong sinabi. Bumulong naman ako ng mahina nang makalabas ako ng banyo. "Walang forever."
Naglakad lang ako ng mag-isa sa hallway. Tatanggapin ko na lang ito kahit masakit basta masaya lang siya sa ginagawa niya. Binuhos ko na ang lahat ng iyak ko habang naglalakad sa hallway. Hall of attraction lang ako kaya maraming estudyante ang tumitingin sa akin.
"WALANG FOREVER!!" sigaw ko habang naglalakad.
"MERON!" sagot naman ng lahat.
"WALA NGA, E. PUNYETA!" sigaw ko naman.
Walang happy ending na mangyayari sa istorya kong 'to. Walang true love ang nangyari sa nakaraan. Peke lang ang lahat. Peke lang ang mga pinagsasabi ni Kevin sa akin. Is this what they called true love?
Hindi ako na inform...
Kasali pa ba ang makipag-plastikan sa buhay? Ba't kasali pa 'yun? Kailangan ba talagang isasali 'yun sa buhay ko? Ang sarap-sarap sabihin kay Kevin na...
"Balita ko bawal na ang mga plastik sa Pinas? So, saan ka lilipat?"
(PLAY HAPPY BREAKUP BY: DONNALYN BARTOLOME IN THIS PART)
Nakita ko namang lumapit sa akin si Drake. "Ba't ka umiiyak?" untag nito sa akin.
"B-Broken hearted." Tumingala ako upang hindi na tumulo ang luha ko.
"So pag broken hearted, iiyak na ba?"
"So a-anong gagawin ko pag broken hearted ako? Tatawa?" Tumawa naman ako ng konti kahit pinipilit kong tapusin ang aking pag-iyak.
"Did you mean na niloloko ka lang ni Kevin?" untag niya ulit sa akin.
"Sino pa ba ang ex-faked-boyfriend ko? 'Di ba si K-Kevin lang? Niloloko niya lang ako. May relasyon pala silang dalawa ni Y-Yumi. Pinagmukha niya lang akong t-tanga." sagot ko.
"Ang love kasi ay parang plastic bottle. Maayos pa sa una pero pag um-epal ang apoy, siguradong masisira na sa huli." hugot nito.
"So, kina-gwapo mo 'yan?" masungit kong sinabi.
"♪Kaya okay lang 'yan, smile ka naman diyan. Huwag umiyak, 'di pa katapusan. Ngayon ko lang 'to sasabihin sa 'yo.♪"
"Ay, broken hearted lang. Akala mo talaga kung nireregla." asar nito.
Nireregla talaga ako, pero kunwari lang. Pero parang feel na feel ko, e.
BINABASA MO ANG
The Breakup Mission
Teen FictionNagsimula ang lahat nang dahil sa maling pagturo ni Kevin sa isang babaeng hindi kilala upang maniwala ang kanyang fans na may girlfriend na nga siya at hindi na sila magkakagulo sa kanya. His friends found out na peke ang kanilang relasyon at may...