TBM 27

629 16 0
                                        

TBM 27

Pauma's POV
Bagong gising pa lang ni Jona ay dumiretso na siyang kumain. Ngayon ay tahimik lang kaming kumakain at walang imikan sa dining table. Hindi makatingin sa 'kin si Jona. Kain lang siya ng kain pero dahan-dahan niya itong ginagawa.

Nabasag na lang ang katahimikan nang may sinabi si kabayo. "Best, may sasabihin sana ako sa 'yo," kinakabahan siya, alam ko iyon dahil pinagpawisan siya.

"Ano naman ba ang sasabihin mo, best?" tanong ko naman.

"Si Ninang..." mukhang hindi niya kayang sabihin sa akin kung ano ang nangyayari.

"Bakit? Tumawag ba siya sa 'yo? Anong sinabi niya?" natutuwa kong tanong.

"P-Pauma, kasi... Dapat dati ko na itong sinabi sa 'yo, e. H-hindi ko lang alam kung paano k-ko sasabihin sa 'yo..." tumigil siya sa pagkain niya at humarap sa akin. Pinatong niya naman ang kanyang isang kamay sa balikat ko. "'Wag kang mabibigla, ha? Naku, ewan ko ba kung paano ko ito sasabihin..." sabay kamot niya sa kanyang ulo.

Napagtaka ako kung anong nangyayari. "Bakit, friend? Umuwi na ba si Nanay sa Mindanao?"

Napalunok siya ng laway. "Oo, friend. Kaya lang siya umuwi dahil inatake sa puso ang tatay mo. Limang buwan na." dire-diretso na ang sinabi ni Jona.

Agad naman ako napatayo at pumasok sa loob ng kwarto ko. "Jona, ba't ngayon mo lang ito sinabi sa akin?" galit na sinabi ko.

Sumunod namansa akin si Jona. "Friend, sorry talaga. Hindi ko kasi alam kung paano ko sasabihin sa 'yo lalo na't may problema ka pa sa pagtatrabaho mo sa mansyon ng demonyo. Sorry, friend."

"Kung sinabi mo na agad sa akin." humarap ako sa kanya na umiiyak. "Kung sinabi mo na agad sa akin noon pa na inatake sa puso ang itay. Jona, mas lalong dumagdag ang problema ko ngayon. Kung hinayaan mo na lang ang problema ko na magtatrabaho sa mansyon? Sana sinabi mo sa akin noon pa. Sana sinabi mo sa akin na inatake ang itay. Alam mo bang nagtataka na ako sa kilos mo nang umuwi ako dito?"

"Pauma, 'wag na tayong magsisihan pa. May pera ako dito upang makauwi sa Davao. Baka gusto mong samahan pa kita?"

"'Yan na nga sabi ko sa isip ko, e. Salig ka lang kay datu kamo." diniin ko pa ang pagturo ko sa kanya. "Pasalamat ka dahil mayaman kayo!" o ayan, traslate ko na upang hindi kayo mahirapan mag search pa sa google.

"Friend, sorry. I'm sorry..." lumuhod si Jona sa harap ko. "Pasensya na sa nagawa kong kasalanan sa 'yo, friend. Sana mapatawad mo ako..." nagsimula na 'rin umiyak si Jona.

"Buhay ng ama ko ang nililihim mo sa akin. Hindi muna kita mapapatawad." at iniwan ko siya sa sahig ng aking kwarto na umiiyak.

Akmang bubuksan ko na sana ang pinto nang biglang may kumatok. "Pauma? Pwede ba tayong mag-usap?" si Kevin lang pala ang kumatok sa pinto ng aming condo. Pinapasok ko naman siya at pinaupo sa sofa. "Ano ba 'yung tunog na iyon? Parang kinatay na kabayo?" mukhang narinig ni Kevin ang hiyaw ni Jona sa aking kwarto. "At saka, umiiyak ka ba?"

Pinunasan ko naman ang aking mga luha. "No. May pumasok lang n-na maliit na particles ng atom." saka ko naman inayos ang sarili ko sa pagupo ng sofa bago kami mag usap ni Kevin. "Ehem. So, what brings you there? I mean, here?"

"Pauma, magtatanan tayo." simpleng sinabi ni Kevin.

"Magtatanan pala tayo? Okay." pa-simple akong tumayo. At inayos ko naman ang pagharap ko kay Kevin. "WHAT?!" gulat na sinabi ko. "Seryoso ka ba diyan sa sinasabi mo, Kevin? Paano na ang pag-aaral natin?"

"Yes, I'm seryous, Pauma. Hayaan mo na ang pag-aaral natin."

"Pero, bakit mo naman na-isipang magtanan tayo?"

"To get away from Yaewhu's family. Inayos ni Mr. Yaewhu, ang ating mayor, na ipapakasal ako kay Yumi after two years. Ayaw kong mangyari iyon sa akin lalo na't mawawala na ako sa tabi mo."

"Bakit ka naman ba ipapakasal sa karibal kong demonyo?"

"I don't know the answer." seryoso niyang sinabi.

"Friend, I'm really sorry sa mga nagawa ko sa 'yong mali..." lumabas si Jona sa aking kwarto na umiiyak at humihiyaw.

Napatingin kami sa kanya. "Anong nangyari sa 'yo, Jona?" tanong ni Kevin.

Napalitan naman ang emosyon ni Jona ng tuwa. "Omaygash, friend. Kilala pala ako ni fafa Kevz." tumalon-talon pa siya.

"Hoy, hindi pa ako tapos sa 'yo, ah? Baka gusto mong gawin kitang tapa?" pagbabanta ko sa kanya. Pumasok naman siya ulit sa aking kwarto. "Gagang, baklang 'to. Nakiki-epal." bulong ko sa sarili ko.

Humarap naman sa 'kin si Kevin. "Pauma, kailangan na nating umalis bago pa sumugod ang mayor sa condo mo." banggit ni Kevin.

"Kailangan na nga talaga nating umalis. Na sa harap pa naman ang condo namin sa city offices." kinamot ko pa ang aking ulo. "Pero, saan ba tayo magtatanan?"

"Hindi ko pa nga alam, e kung saan tayo pupunta." sagot ni Kevin.

Nag-isip ako kung saang lugar kami pupunta. Ano kaya kung sa Boracay? Pwede naman kaming magpunta sa Baguio. Pupunta kaya kami ng Korea, upang makita ako ang magagandang puno 'dun. "What if kung sa Davao tayo pupunta? Okay lang naman sa akin dahil bibisitahin ko si Itay." banggit ko kay Kevin.

"Basta, huwag na huwag mong sasabihin sa kanila na nagtanan tayo pati na 'rin sa hinahayaan natin ang ating pag-aaral." ani Kevin. "Mag impake ka na. Dalhin mo na ang I.D.'s mo at ang maleta mo."

Agad naman akong tumakbo patungo sa aking kwarto. "O? Saan ka pupunta?" untag ni kabayo.

"Mag-iimpake na ako. Kailangan naming magtanan ni Kevin bago pa siya sugurin ni Mayor." sagot ko, habang kinukuha ang mga gamit ko sa aking closet at pinapasok ito sa aking maleta.

"Ba't naman nasali si Mayor sa usapan?"

"Tama na nga ang tanong, bakla. Kaya kami magtatanan ng future boyfriend ko dahil ipalakasal siya kay Yumi."

"E, ang tagal pa naman ng kasal, ah? Paano ako dito?"

"Kapag na rehistro na na-ikakasal si Kevin ay kukunin na nila si Kevin at hindi ipapalabas ng mansyon ng mga Yaewhu." patuloy pa 'rin ako sa pagligpit ko ng mga gamit. "Ikaw na ang bahala dito, bakla. Tutal may money powers ka naman kaya kayang-kaya mo talunin ang mga Yaewhu, sobra na sila."

"Sige, best. Basta mapapatawad mo lang ako."

Nang matapos akong magligpit ay agad akong lumabas ng kwarto ko. "Tara na?" nakangiti kong binanggit kay Kevin.

"Pauma, dinala mo na ang I.D. mo?" natatarantang tanong ni Kevin habang papalapit sa akin.

"Oo. Bakit ka kinakabahan?" nagtataka kong tanong.

"Kinakabahan ako dahil susugod dito sa condo mo ang Daddy ni Yumi na kakalabas lang ng mansyon." agad niya namang binitbit ang bag ko palabas ng room. Agad naman siyang tumakbo sa hagdan kaya napatakbo na 'rin ako.

"Sino ba ang nagsabi sa 'yo?" dali-dali kong tanong.

"Si Mom, tinawagan niya ako kanina." sagot ni Kevin habang papalabas na ng condo.

Agad naman kaming pumasok sa loob ng kotse niya at nilapag ang maleta ko sa upuan malapit sa driver's seat. Pinaandar niya naman ang kanyang kotse.

"Kailangan na talaga nating umalis bago pa tayo ma-aabutan ni Mayor." at pinatakbo niya na ang kanyang kotse.

Oh noes...

The Breakup MissionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon