TBM 14
Pauma's POV
Apat na araw ang makalipas. Simula na pala ang trabaho ko ngayon sa pamilyang Yaewhu sa mansyon nila. Letseng mga 'to, hindi ako binigyan ng address nila."Friend kong gaga," Lumapit sa akin si Jona habang kumakain ako sa kusina.
"Hm?"
"Parang sa'yo daw 'tong tawag na 'to." Inabot pa sa akin ni Jona ang Samsung phone niya.
"Hello?" Sagot ko sa kabilang linya.
"Ms. Axes, ngayon na po magsisimula ang inyong trabaho sa mansyon ng mga Yaewhu. Kailangan niyo daw pong pumunta agad 'dun A.S.A.P." Sumagot naman ang kabilang linya.
"Saan ba 'yan lugar na 'yan?"
"Sa St. Boulevard Hindi Ko Alam Street." Banggit niya at saka niya pinutol ang tawag.
Binigay ko na Jona ang kanyang Samsung phone at pinatuloy ko na ang pag subo ng pagkain ko.
"Friend kong gaga, magtatrabaho ka ba diyan sa pamilyang Yaewhu. Mag-ingat ka, ha. Baka ano pang mangyari sa'yo. Kung may... may lalaki man 'dun sabihin mo sa akin kung gwapo ba siya o hindi, ah?" Sambit ni Jona.
"Ang landi mo talaga, friend." Tumayo ako niligpit na ang pinagkainan ko at dumiretso na sa aking kwarto upang magbihis.
"Friend, may sasabihin sana akong importante sa'yo..." Seryosong sinabi sa akin ni Jona habang nagpapaganda ako sa harap ng salamin. Charot. Walang babago sa mukha ko. Haha.
"Ano ba 'yun, kabayo? Male-late na kasi ako, e." Dali-dali akong naglagay ng lipstick sa aking labi.
"E, kasi... Kasi..." Pautol-utol na sinabi sa akin ni bakla.
"Ano ba kasi 'yun?" Naglagay ako ng malalaking earrings sa dalawa kong tenga. Chos. Amo ba ako 'dun o katulong lang?
"Dalhan mo ako ng boyfriend, ha? Wala akong kasama dito sa bahay..."
"Sinayang mo lang ang oras kong makinig sa'yo. E, 'yun lang naman pala ang sasabihin mo sa akin, e." Kinuha ko na 'yun bag ko sa taas ng aking kama. "Bakla, aalis na ako, ha?" Lumabas na ako ng aking kwarto.
Habang naglalakad papuntang St. Boulevard, na pa-isip ako sa sinabi ni bakla. Anong ibig-sabihin ng 'importante' ang sasabihin, 'nun? May problema ba na dapat niyang sasabihin sa akin? Kasi kanina, kinakabahan siya at pinapawisan pa. May problema nga ba?
Jona's POV
Shet. Pinagpawisan ako. Kanina pa ako lakad nang lakad sa loob ng condo ko para maghanap ng lalaki. At isa pa, dapat ko na bang sasabihin kay Pauma ang super duper nakakalokang problema? Kaloka as in!"'Wag na 'wag mo munang sasabihin kay Pauma ang problema. 'Wag na 'wag mo munang sasabihin kay Pauma ang problema." Paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko habang pabalik-balik ang lakad sa sala.
Kinuha ko agad ang aking SAMSUNG PHONE sa aking bulsa. Caps lock para bongga. Sinimulan ko nang i-type ang number ni Ninang Churva, ang nanay ni Pauma.
"Hello, Jones? Napatawag ka yata, ah? Bakit? Nasabi mo na ba kay Pauma ang problema?" Sumagot agad ang kabilang linya. Wow, 24 hours yatang hawak-hawak ni Ninang ang cellphone niya, ah?
Pumwesto muna ako sa mahaba naming sofa sa sala bago tuluyang sagutin ang linya. "Ninang, hindi ko pa nasabi sa kanya, e." Malungkot kong sinabi.
"Ba't hindi mo pa sinabi? Aysus, dapat gi-ingon na nimo sa iya bago pa mudako ang problema." Parang iiyak na si Ninang sa sinasabi niya.
"Ninang, mas lalong lalaki ang problema ni Pauma pag sasabihin ko 'yun sa kanya. May problema po siya ngayon, sobrang laki po ng problema niya. Pwede na po siyang ma-kulong sa problemang 'yun. E, hindi diyan katulad sa inyo na hindi makukulong." Sabi ko.
"Hindi nga makukulong pero mamamatay ang problema namin ngayon dito. Bakit naman ba siya makukulong sa problemang 'yan?"
"Makapangyarihan kasi ang umaapi sa kanya. Ngayon naman po, e. Ginawa na siyang katulong dahil sa siya daw ang nagsimula ng problema."
"Teka, teka. Hindi kita ma-gets may twist ba 'tong story na 'to?"
"Ewan Ninang. Mahirap talagang i-explain sa inyo, e. Hindi kasi ako ang na sa sitwasyon niya."
"O siya, sige. Sana maka-survive siya sa makapangyarihan na 'yun."
"Sana nga, Ninang."
"Geh, bye." Pinutol na ni Ninang ang tawag.
Napasinghal na lang ako dahil sa mga nangyayari ngayon. Kung gaano kabilis ang panahon ganon 'din kabilis ang problema.
"Buysit." Sabay simangot ko. Napaharap ako sa pinto nang may narinig akong doorbell mula sa labas. Is it fafa Kevin? Maka-'fafa' naman, ay!
Excited na akong lumapit sa pinto upang buksan ito. "It's...!" Napahinto ako sa sasabihin ko. "Sino ka?"
"I'm... a... I'ma... Drake." Kumamot pa siya sa likod ng kanyang ulo.
"Anong kailangan mo, e hindi naman kita kilala?"
"Saan sa Pauma?" Deretso siyang pumasok sa loob. "Pauma?!"
"Teka, teka. Ano bang kailangan mo sa kanya?" Pagpapahinto ko sa kanya. In fairness, ha? Ang gwapo niya. Napagat ako sa labi ko at tumingin sa kanya from head to... omaygash, umuumbok si Junior.
"She's my friend..." Napa-angat ang ulo ko sa sinabi niya at agad ko siyang sinuntok!
"Hoy, excuse me. Ako lang ang nag-iisang kaibigan ni Pauma, 'noh?! Kaya 'wag kang mang-agaw ng hindi sa'yo. Atsaka isa pa, ang gwapo mo sana kaso, hindi na kita type beacause of what you say." Sabay sinara ang pinto.
Nakasandal ako sa pinto at humagulgol ng malakas. Iyak lang ako ng iyak dahil sa mga narinig ko sa kanya.
"♪Do you wanna build a snowman...♪" Kumanta ako habang umiiyak. Naging 'Frozen' tuloy 'yun scene.
Bumukas ng bigla 'yun pinto kaya napa-urong ako at dumikit sa pader. Shet. Ang sakit 'nun, ha?
"Saan na ba kasi si Pauma?!" May narinig akong sigaw mula sa likod ng pinto habang nakadikit 'yun pinto sa akin at nakadikit 'din ako sa pader.
"Awrhay.. Angshakhet.." Inalis 'yun pinto na nakadikit sa likod ko.
"Saan na kasi si Pauma?" Tanong ulit ni fafa Drake sa akin.
"It'shnot ofyhour bishnesh..." Nakadikit 'yun labi ko sa pader kaya hindi ako makasalita ng maayos.
"Sasabay lang naman kaming maglakad papuntang school, ah?" Mukhang galit na galit si fafa sa akin.
"Shige, fhine. Sashabihin kho sha'yho khung nashaan shiya."
"Saan ba siya?"
Inalis ko ang sarili ko sa pagdikit ko sa pader at inayos ang aking sarili bago tinuloy ang aking sasabihin. "Sa St. Boulevard Hindi Ko Alam Street."
"What?!"
Bakit ganito maka-react si Fafa Drake?
BINABASA MO ANG
The Breakup Mission
Teen FictionNagsimula ang lahat nang dahil sa maling pagturo ni Kevin sa isang babaeng hindi kilala upang maniwala ang kanyang fans na may girlfriend na nga siya at hindi na sila magkakagulo sa kanya. His friends found out na peke ang kanilang relasyon at may...