TBM 18

800 21 3
                                    

TBM 18

Pauma's POV
"Oh, you're here..." Ma-ala Donyang boses na sinabi ng Mommy ni Kevin. Lumapit pa siya sa akin at nakipag-beso. Humarap naman siya sa kay Kevin. "Is she your girlfriend?"

Nakita kong pinagpawisan si Kevin sa sasabihin niya. Parang kinakabahan yata siya at hindi niya alam kung ano ang isasagot miya sa harap ng Mommy niya. "Y-Yes..."

"Oh, darling..." Nakipag-beso ulit sa akin ang Mommy ni Kevin. Humarap naman siya ng maayos sa akin. "By the way, I'm Donya Herita, Kevin's Mom. So, nice to meet you." Ngumiti pa siya sa akin. "Let's go to the pool. Doon ihahanda ang ating dinner."

"Sa ilalim ng pool po? E, hindi naman po tayo nakaka-kain ng maayos 'dun, ah?" Tanong ko.

"My dear, 'wag kang shunga. Hindi tayo kakain sa ilalim ng pool." May halong pang-aasar ang boses ni Donya Herita. "Let's go."

Nagsimula naman kaming maglakad patungo sa kanilang pool. "Kevin, sa pool pala tayo mag di-dinner. Hindi pa naman ako nagdala ng pang-ligo." Bulong ko kay Kevin. Hindi siya sumagot at patuloy lang kaming naglalakad.

"We're here." Sambit ni Donya Herita. "Dear, umupo ka..." Tinuro pa ni Donya Herita ang upuan sa harap ng lamesang mahaba.

Umupi naman kaming dalawa ni Kevin, actually mag katabi kami ni Kevin sa pag-upo.

Nag-simula nang inihanda ang mga pagkain sa lamesa. May buttered chicken akong nakita. Mukhang nalalaway ako sa mga nakikita ko ngayon sa harap ko. Nakita ko naman na kumukuha na ng kanin si Donya Herita pati si Kevin. Sumunod na 'din ako.

"Kevin, 'di ba dapat ikaw ang mag lalagay ng pagkain sa plato nitong girlfriend mo? Be gentleman naman pag may time. Kanina hindi mo pinag-urungan ng upuan 'yan girlfriend mo." Biglang nagsalita si Donya.

"Sorry, Mom." Pinagkunan na ako ng pagkain ni Kevin.

"'Wag na. Ako na lang ang kukuha ng pagkain ko." Hindi ko 'yung tinidor sa kamay niya.

"Ako na nga..." Pagpipilit niya.

"Hindi, e. Mukhang nahihirapan ka sa pag kuha ng pagkain." Ngayon, naghihilaan na kami ng tinidor ni Kevin.

"Hoy, matutusok tayo!" Hilaan lang kami ng hilaan ng tinidor na may tusok na karne ng baboy.

Binitawan ko 'yung tinidor dahil malakas niya itong nahila sa akin. "Fine. Ikaw na." I rolled my eyes.

"Ganyan talaga kami ng Dad mo dati." Napatawa ng konti si Donya. "By the way, kailan ba ang kasal niyo?" Tanong niya habang patuloy sa pagsubo ng pagkain. Ang arte naman kung makasubo.

"Ha? Kasal?" Sabay naming tanong ni Kevin.

"Yes, a wedding." Napatawa ulit ng konti si Donya. "I hope she's the last one."

Last one? May girlfriend na ba dati si Kevin? "Donya Herita, napakabilis naman po ng kasal at hindi naman po kaming pwede ikakasal dahil bata pa po kami." Nagsimula na akong magsalita at kumain. Si Kevin ang naglagay ng mga pagkain sa plato ko. Mapilit, e.

"Please, don't call me 'Donya'. Kasi sobrang pang-rich ang mga pagtatawag niyan. 'Mommy' na lang." Nakingiti pang binanggit sa akin ni Donya este, Mommy.

"E, kayo naman po nagsabi sa akin na kayo si Donya Herita." Sabi ko naman.

"Just call me 'Mommy', okay?"

Tumango ako. "Okay." Saka kosinubo angpagkain sa aking bibig.

"Mom, ba't kasal ba agad ang na sa isipan niyo?" Tanong ni Mevin habang kumakain 'rin.

"Oh dear, nagmamadali yata ako." Napatawa ng konti ulit si Mommy. "After two years, dapat magpapakasal na kayo."

Author, bata pa po ako kaya 'wag na 'wag niyong bibilisan ang pagsulat ng 'Two Years Later.' I know excited kayo dahil mawawalan na ako ng virginity. Please, author. Maawa kayo sa akin.

Nagulat ako nang biglang tumango si Kevin. "Yes, Mom. I promise." Humarap naman sa akin si Kevin. Tumango na lang 'din ako.

"By the way, maybe your father is calling." Sabi ni Mommy kay Kevin. Humarao siya sa isang kasambahay sa na nakatayo lang sa kanyang kanang gilid. "Bring my laptop here."

Sumunod namin si ate kaya pumasok siya sa loob ng mansyon at mga ilang minuto ay lumabas naman siya na may dala-dalang laptop. Nilapag niya naman ito sa lamesa sa gilid ng plato ni Mommy. Binuksan naman ni Mommy ang laptop at may nagsalita.

"Hi, Honey. Where's my future grand dauther-in-law?" Boses lalaki ang tonog ng boses. Hinarao naman sa amin ni Mommy ang laptop.

"Here she is." Nakangiti pang sinabi ni Mommy.

Nakita ko naman ang lalaki sa screen ng laptop. Mukhang nagtataka siya at tinitingnan niya pa ako ng seryoso. Ginalaw-galaw niya pa ang ulo. Mukhang ino-obserbahan yata ako nito. "I think..."

"You think what, Fakyundo?" Nagtataka naman sa sinabi si Mommy.

"I think I like her." Nakangiti niya pang binanggit sa akin.

"Dad, I hope in our wedding you'll coming back..." Sabi ni Kevin sa harap ng screen. Saan ba pumasok 'yang lalaking 'yan at nakapasok sa loob ng laptop?

"I... I hope." Ngumiti siya ng matipid kay Kevin. "Kevin, what's your girlfriend's name?"

"Pauma, Dad. Her name is Pauma." Ngumiti na 'rin si Kevin. Ngitian na lang tayo dito mga koya at ate?

"I hope she's the last one in your life." Sabi naman ni lalake.

"Mommy, is my father ay tawag na us?" Biglang sumulpot ang batang babae sa amin. Tumingin siya sa akin. "Oh my gosh! You're so bagay to my kuya!" May topak ka ba, 'teh? Anong language 'yan?

"Yes, sweetie. He's calling. Nag-uusap na sila ng kuya mo ngayon." Sabi naman ni Mom sa kanya. Tumingin naman siya kay Mom at mabilisang lumapit sa laptop. Bigla naman siyang sumigaw ng malakas, as in 'yung sobrang lakas.

"Can you shut up your mouth? I'm trying to talk to Dad." Irritadong sinabi ni Kevin sa bata.

"Oh there's my daughter!" Tumawa naman ang Daddy ni Kevin. "How are you?"

"I'm fine, Dad." Nakangiti niyang sinabi. "Dad, are they bagay to each other?"

"Yes... Yes." Tumawa siya ng konti. Mukhang hindi ako nagugustuhan ng ama ni Kevin. Iba kasi ang emosyon sa kanyang mukha. "By the way, I'm coming back to the Philippines. Are you all excited?"

Ang ngiti sa labi ni Kevin ay napalitan ng walang ka emo-emosyon. Napunit ito dahil sa sinabi ng kanyang ama.

"Dad, I thought your continuing your business in there?" Sabi ni Kevin na walang emosyon sa kanyang mukha.

"I have to come back. But, my brother in here is continuing our business."

"Okay. I know that you missed us. I understand, Dad." Ngumiti siya ng matipid.

"Okay, bye for now." Tinapos niya ang tawag.

"I think he missed us." Malungkot na sinabi ng kapatid ni Kevin.

I think... he didn't like me...

The Breakup MissionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon