TBM 21
Pauma's POV
"Miss, saan po ba ang room ni Mr. Lee?" Tanong ko sa nurse na nakaupo lang information desk ng ospital.
"'Room 390' po ang kanyang kwarto." Sagot niya naman habang may sinusulat sa record book.
"Miss, kwarto po ang tinatanong ko sa inyo. Hindi number." Banggit ko naman sa kanya. Ang tanga naman kasi nitong babaeng 'to.
"Miss, 'wag kang shunga. 'Yun ang number ng kwarto ng pasyente. Alangan namang ituturo ko pa sa'yo 'yung daan ng patungo 'dun sa room niya? Hindi ko pwede iiwan ang informatiom desk." Paliwanag niya.
"Miss, 'wag din po kayomg shunga. Kaya nga tinawag ang information desk ito dahil kung may itatanong sa'yo 'yung tao, ituturo mo." Sabi ko naman sa kanya.
"Pauma, tara na." Narinig kong sinabi ni Yumi na nasa likod ko at naghihintay.
Agad naman akong tumango. Tumakbo kami ni Yumi sa hagdan dahil 'Out Of Stock' daw 'yung elevator. Ay, 'Out Of Order' pala. Hehe.
"Yumi, bilisan mo namang tumakbo." Sabi ko kay Yumi habang mahinang tumatakbo sa hagdan. Huminto ako sa pagtakbo ko para sunduin siya sa baba.
"Sobrang sikip kasi ng palda ko at maiksi, e." Pag-iinarte niya.
"Sabi ko na kasi sa'yo na hindi Motel ang pupuntahan natin, e." Reklamo ko. Parang gusto ko na siyang ihagis sa third floor dahil sa pag-iinarte niyang hindi siya makakatakbo.
Ilang minuto ang paglalakad namin, dahil sa pag-iinarte ni Yumi. Ay nakarating na 'rin kami sa third floor na humihingal sa pagod.
"Ang sakit ng tuhod ko." Umarte na naman si Yumi. Sumama pa kasi ospital.
Umupo muna kami ng sandali sa upuang bakante sa gilid ng hallway sa third floor ng ospital. Hingal kami ng hingal ni Yumi sa pagod. Tumingin ako sa gilid ko at nagulat dahil sa nakita! Katabi lang pala ng inuupuan namin ni Yumi ang kwarto ni Kevin.
"Yumi, nang dito na pala tayo sa pupuntahan natin..." Banggit ko kay Yumi.
Agad naman siyang tumingin sa gilid at nagulat 'din sa nakita. Tumayo siya at pumasok sa kwarto ni Kevin, sumunod na 'rin ako sa kanya.
Nakita ko si Kevin na nakahiga sa kanyang kama at may pinasok sa ilong niya na may hose, oxygen yata or cabon dioxide. Tse, ewan!
"Kevin..." Hindi makapaniwalang banggit ni Yumi. "Kevin?" Nagsimula na siyang umiyak. "Kevin, ano bang nangyari sa'yo? Mamatay ka na ba? Kevin, patawarin mo ako sa lahat ng kasalanang ginawa ko sa'yo. Please, Kevin. Gumising ka na... Gumising ka na!" Humagulgol na si Yumi. As if naman, kung patay na si Kevin.
Nagsimula na 'ding tumulo ang mga luha ko at pumatak ito sa sahig at damit ko. Nakatayo lang ako sa pinto dahil sa hindi makapaniwalang nakita sa harap ko ngayon.
Napa-urong na lang ako dahil may dumaang doktor sa harap ko at pumasok sa loob ng kwarto ni Kevin para i-dextrose ito. Nagsimula nang sumulat ang doktor sa kanyang record book.
Humarap si Yumi sa doktor. "Doc, gagaling ba siya?" Tanong ni Yumi kay doktora. Tumango na lang ang doktor. "Thank you, Doc." Mayngiti sa labi ang binigay ni Yumi sa doktor.
"Teka, sino ba sa inyo ang girlfriend niya?" Tinuro niya kaming dalawa ni Yumi.
"Ako po. / It's me." Sabay naming sinabi ni Yumi. Aba't nakikisali sa relasyon, ah?
"Girlfriend niya ako. / Fiance niya ako." Sabay ulit naming sinabi ni Yumi.
"Yumi, pwede ba? Pati pa naman sa harap ng doktor nag paplastikan ka?" Humarap ako kay Yumi na may dalang sama ng tingin.
"So, girlfriend ka niya?" Tinuro ako ng doktor.
"Yes. / No." Sabay ulit naming sinabi ni Yumi.
"Yumi!" Sinamaan ko siya ng tingin at napayuko na lang siya.
"Sige. Alam na nito ng parents niya?" Tanong ulit ng doktor sa amin ni Yumi.
"Yes, alam namin." Pumasok agad si... Mom na kasama ang bunsong kapatid ni Kevin at ang kanyang... Daddy? "We know. Napanood namin sa balita." Deretsong sinabi ni Mommy at lumapit kay Kevin.
"Okay. He's fine right now. Kanina, matindi amg impact ng kanyang kotse kaya mukhang nabundol ang kanyang ulo sa manibela at nabasag ang mga salamin na tumapon sa kanyang mukha. But now he's fine. Excuse me." Lumabas na 'yung doktor na kasamang nurse.
Humarap sa akin ang Daddy ni Kevin. "Oh, there's my son's girlfriend!" Nakangiti pang binanggit ni Mr. Lee sa akin. Ba't 'yung huli naming pag-uusap, mukhang disappointed siya? Ngayon, tuwang-tuwang na. Ano kaya ang susunod?
"Bumalik po kayo sa Pinas?" Nagtataka kong tanong.
"Yes. I'm back!" Natutuwa pa niyang sinabi. Nakaka-intindi naman pala 'to ng tagalog, pinapahirapan pa ako.
"Nang dito ang ama ni Kevin dahil sa wedding ninyo after two years. Hindi na 'raw siya makapag-hintay pa!" Masayang-masaya pang sinabi ni Mom sabay clap ng three times.
"Hehe. Ako nga 'rin po. Hindi makalag-hintay. Wala na akong virginity." Banggit ko naman.
"Excuse." Sumingit si Yumi at lumabas. Bakit? Affectex ba siya 'nung may sinabi akong 'mawawalan na ako ng virginity?' Anyare?
Mukhang nagtaka sina Mommy kaya sinundan ko sa labas si Yumi. "Yumi. Yumi, mag-usap tayo. Yumi!" Pag-pipigil ko sa paglakad ni Yumi. Huminto siya sa paglakad at humarap sa akin na umiiyak. "Yumi, ano bang nangyayari sa'yo?"
"Oo, Pauma! Aaminin ko na! Selos ako sa relasyon niyo ni Kevin! Nagseselos ako dahil na sa iyo na ang lahat!" Humagulgol si Yumi. Ano, humagulgol na lang tayo dito?
"Yumi, hindi ko naman inagaw ang pamilya mo at ang bestfriend mo, ah?"
"Oo alam ko 'yun, Pauma! Pero ang hindi mo alam ay ang inagaw mo ang pamilya ni Kevin sa akin! Hindi mo alam kung paano masaktan ng ganito. Hindi mo alam na nadudurog na 'yung puso ko dahilsa sakit na nararamdaman ko..." Tinuro-turo niya pa ang kanyang dibdib.
"Bakit, Yumi. May sakit ka ba?"
"Tangina, Pauma! 'Wag kang tanga! Ilang beses na kitang pinahirapan at binuhusan ng juice pero mas powerful ka kay sa sa'kin! Ilang beses kitang minura! Ako ang una sa puso ni Kevin at hindi ikaw! Ba't ikaw ang tinuro ng puso niya? Ba't ikaw ang mas kilaa ng mga fans niya?!"
"Yumi, kilala ka 'din ng mga kaaway mo. Lalo na ako..." Nagsimula nang pumatak ng isa-isa ang aking luha. "Hindi lang ikaw ang nakakaramdam ng sakit at galit sa puso, Yumi. Hindi lang ikaw. Pati na 'rin ako. Nahihirapan na ako sa ugali mo dahil sobrang mapaghigante ka na..."
"Hindi, Pauma! Mas mahigante ka!" Bumaba na siya ng hagdan at iniwan niya akong umiiyak.
Naramdaman kong may yumakap sa akin. "It's all right, dear..." Malambing na boses ni Momang ang narinig ko.
Yumi, pwede bang tumigil ka na?
BINABASA MO ANG
The Breakup Mission
Fiksyen RemajaNagsimula ang lahat nang dahil sa maling pagturo ni Kevin sa isang babaeng hindi kilala upang maniwala ang kanyang fans na may girlfriend na nga siya at hindi na sila magkakagulo sa kanya. His friends found out na peke ang kanilang relasyon at may...
