TBM 25

741 16 0
                                    

TBM 25

Kevin's POV
Kinuwento ko kanila Ced at Ric ang buong nangyari sa pagmumura at pag-aamin ni Yumi sa akin.

"Talaga, pre? First time mo ba? Anong feeling?" pang-aasar sa akin ni Ced.

"Ced, seryoso ako sa problemang 'to. 'Wag ka nga mang-asar. Baka gusto mong suntukin kita hanggang sa dumugo ang ilong mo at pumutok ang labi mo? Gusto mo?" pagbabanta ko siya.

"Sorry na nga." sabay kamot niya sa kanyang ulo.

"Pre, paano mo naman nabuntis si Yumi?" untag ni Ric.

Pinatong naman ni Ced ang kanyang kamay sa balikat ni Ric. "Syempre, ano pa ba? E, 'di nag se-"

Tinutok ko agad ang kamao ko kay Ced. "Subukan mong ituloy. Baka, tatama 'tong kamao ko sa mukha mong fragile." pagbabanta ko sa kanya.

"Joke lang naman 'yun, pre." sabay peace sign niya sa harap ko.

"Kailangan mong sabihin ang totoo kay Pauma." banggit ni Ric sa 'kin.

Humarap naman ako sa kanya. "Pero, pre. Baka, magagalit si Pauma sa 'kin." sabi ko.

"May tao talagang hindi tanggap ang problema sa ginawa ng kanyang ka-relasyon." ani Ric. "Kaya, tiisin mo ang sakit hanggang sa mawala ito."

"Ano kaya, pre. Kung magtatanan kayo ni Pauma?" plano ni Ced.

"Bakit ko naman gagawin iyon?" untag ko.

Humarap naman si Ric kay Ced. "Ced, ang pagtatanan ay hindi na iyan uso ngayon."

"E, 'di tayo ang magpapa-uso." sabay ngiti ni Ced.

Kinuha naman ni Ric ang unan sa sofa at hinampas-hampas ito kay Ced. "Ewan ko ba sa 'yo kung bakit ka namimilosopo." tumigil siya sa paghampas ng unan.

"Nakukuha mo lang kasi ang mga uso ngayon dahil sa mga tsismis." sabay tawa ni Ced.

Hinampas naman siya ulit ni Ric. "Tigil-tigilan mo na nga ang pang-aasar mo sa akin."

"Tigilan niyo na nga iyan. Parang mga isip bata kayo." natatawa kong sinabi. Nagsi-tigil naman sila sa kanilang pag-aaway na parang mga isip bata kung umaway.

"Wait lang five minutes." sabay nilang sinabi.

Tumayo na lang ako at lumabas ng mansyon nina Ric. Bahala sila mag-away 'dun. Pumasok na ako sa loob ng aking kotse at pinaandar ang makina nito. Nagsimula nang tumakbo ang kotse ko sa kalsada.

Tama ba ang desisyon ko na itatanan ko si Pauma? Parang may mali kasi, e. Mali ang ginagawa kong itatanan ko si Pauma at pag ginawa ko iyon siguradong may isa pang malaking problema ang mapapasukan ko na naman.

"Ano kaya, pre. Kung magtatanan kayo ni Pauma?"

Hinding-hindi ko pa 'rin nakakalimutan ang sinabi ni Ced sa 'kin. Itatanan ko ba talaga si Pauma? Parang nalilito na ako kung ano ba ang magiging desisyon ko.

Nang makarating ako sa mansyon. Pinasok ko ang kotse ko sa garahe at bumaba na. Pumasok na ako sa loob ng mala-kastilyo naming bahay.

Paakyat na sana ako sa hagdan nang biglang nagsalita si Mom sa harap ko. "May nangyari daw sa inyong dalawa ni Yumi?" seryoso niyang tanong.

"Mom, inaayos ko pa po 'yung problema. Kaya please, hayaan niyo po akong ayusin iyon." sagot ko.

Nakita kong bumaba naman si Dad. "You can fix your problem by marrying Yumi." sabi niya.

"But Dad, I have a girlfriend. How am I suppose to tell her the truth that I have to marry someone she knows?" tanong ko kay Dad.

Napasapo na lang siya ng kanyang kamay sa kanyang noo. "You should tell her, then after that you will marry Yumi."

"Tinawagan kami ng tatay 'nun at ang sinabi ay dapat mong pakasalan si Yumi." ani Mom.

"I don't like your girlfriend. She's poor and she's not rich. You should marry Yumi because that girl is rich." banggit ni Dad.

"Pera lang ba ang habol mo sa girlfriend ko? Kaya pala maraming kang ex dahil pera lang habol niyo!" napatagalog na lang ako sa harap ng Dad. "Pasensya na kung nataasan kita ng boses. Proquet na mahirap lang ang girlfriend ko ayaw mo na agad? Atleast naman ay may ugali siyang mabuti at matulungin. Hindi katulad sa mapapakasalan ko na hindi ko minahal at may ugaling asong ulol at demonyong baliw!"

"Stop it, Kevin. I'm sorry, okay? I'm sorry. But this is it. This is what just happened. You got her pregnant." naglakad si Dad paakyat ng hagdan.

Lumapit naman sa akin si Mom at niyakap. "Pasensya na talaga, Kevin. Wala na talaga tayong magawa. Kailangan mo na talagang pakasalan si Yumi. Hindi nabibili sa pera ang problema." naghiwalay na siya sa kanyang pagyakap at sumunod na 'rin kay Dad.

Pauma's POV
Umuwi ako sa condo after twelve hours. Naglakad na lang kasi ako dahil sa wala akong masasakyang taxi. Letseng mga taxi drivers dito sa Maynila, mga choosy sa mga pasahero. Mismo, gusto nilang magpapa-dagdag ng fifty pesos? Haler. Mas malaki pa kaya ang Davao keysa sa Maynila. Mga taxi drivers na 'to, iniisip ang Amerika. Akala mo naman kung gaano kalaki ang Manila.

"Pauma?" kumatok si kabayo sa pintuan ng aking kwarto. "May, bisita ka."

Tumayo naman ako sa kama at binuksan ang pinto. Si Drake lang pala na may dala-dalang chocolates at flowers. "Ano 'to?" sabay turo ko sa dinadala niya.

"Gusto lang sana kita-"

"Naku, friend itong kaibigan mo inaagawan ako ng pwesto sa buhay mo." pagsisingit ni Jona.

Binalewala lang namin ni Drake si Jona at ipinatuloy ang sasabihin ni Drake. "Gusto lang sana kitang-"

"Friend, pag naging kaibigan mo iyan. Iiyak talaga ako ng super duper hanggang sa mababaha ang buong condo ng luha." singit ulit ni kabayo.

Binalewala ulit namin si Jona. Huminga muna ng malalim si Drake bago itutuloy ang sasabihin. "Gusto lang sana kitang bi-"

Napatigil sa sasabihin si Drake nang biglang humagulgol si Jona. "May gosh, Pauma! May bago ka na ngang kaibigan! Uwaaa! Sige na, Pauma. Sa kanya ka na sumama. Magpakasaya kayo! Be free!"

"Isaksak ko na talaga ang chocolates na ito sa bunganga mong bakla. Napatigil si kabayo sa pag iyak. "Gusto ko lang naman sanang bisitahin si Pauma, e. Pumunta ako kanina sa mansyon, wala daw siya. Kaya na-isipan kong nakauwi na siya dito sa kanyang condo. Baklang, 'to. Ang dali mong magselos kaya wala ka palang boyfriend." pagmumura sa kanya ni Drake.

"Ouch. Ang sakit 'nun, ha? 'Yung term mong 'ang dali kong magselos kaya wala akong boyfriend.' Ang sakit 'nun, tagos to the bones." banggit ni bakla.

"Umalis ka na nga bakla. Private talking, okay?" banggit ko sa kanya.

"Maygash, wrong grammar." pang-aasar ni bakla saka umalis.

Bumalik naman ako sa pagharap ko kay Drake. "I'm okay, Drake." nakangiti kong banggit kay Drake. Pinapasok ko na siya sa aking kwarto at nag-usap kami. 'Wag kayong dirtyminds mga koya at ate, wala kaming gagawing kababalaghan.

"Ang daming nagbago sa 'yo, Pauma, ah? Pumayat labi mo, lumiit ang butas ng ilong mo, nawalan ka na ng pimples at naging straight pa ang buhok mo." ani Drake.

"Bakit? Mataba ba ang labi ko dati?" hinawakan ko pa ang aking labi. "Malaki ba dati ang butas ng ilong ko?" pinasok ko pa ang dalawa kong daliri sa butas ng ilong ko. "May pimples ba ako dati?" hinawak-hawakan ko pa ang aking dalawang pisngi. "Hindi ba maayos ang buhok ko dati? Sa bagay, joy dish washer pack naman ang ginagamit kong shampoo noon." hinawak-hawakan ko pa ang aking buhok.

Tumawa lang si Drake sa mga pinagsasabi ko pati sa mga actions ko. "Joy dish washer pack ang shampoong ginagamit mo dati?" natatawa niyang sinabi. "Kaya pala 'nung nakikipagsabunot ka kay Yumi, medyo nasisira ng konti ang buhok mo. Ano kaya kung sa susunod lalagyan mo na kaya ng gel ang buong buhok mo, parang magiging statwa lang siya pag nakipagsabunot ka ulit kay Yumi. Haha."

"Hindi gumagalaw. Mawawalan ng wave ang buhok ko. Punyeta ka, ginagawa mokong tanga." nawalan tuloy ako ng emosyon dahil sa pang-aaaar sa akin ni Drake.

Kamusta na kaya si Kevin?

The Breakup MissionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon