TBM 40

616 10 0
                                    

TBM 40

Pauma's POV
Hindi ko pa alam ang sagot sa tanong ni Jona. E, hindi ko pa kasi sinagot si Kevin, e. Hindi naman siya umakyat ng ligaw sa 'kin. Nahulog yata sa hagdan kaya ayan, wala pa siyang natatanggap na sagot mula sa akin.

"Sorry, friend. Hindi ko pa alam ang sagot, e." nakangisi kong banggit kay Jona.

Nawala naman ang reaksyon ng kanyang mukha sa sinabi ko. "Ang tagal niyo ng nagsama, hanggang ngayon peke pa 'rin ang relasyon niyo? E, wala naman kayo sa harap ng mga fans niya, ah?"

"Ewan ko ba sa kanya." matipid kong sagot.

May kumatok naman sa pinto kaya tumayo si bakla upang buksan ito sa sala. "Ay, anong ginagawa niyo?" tunog na pagkagulat ni Jona.

"Bakla, sino 'yan?" sigaw ko mula sa kusina.

Nakita ko naman na may pumasok na dalawang lalaki na naka-tuxedo at inawat ako.

"Saan niyo ako dadalhin?" gulat na untag ko. "Hoy! Bitawan niyo ako!"

Inawat nila ako hanggang sa labas ng condo. Wala man lang ginawa si bakla kung 'di ay tumatalon sa gulat at sinisigaw ang pangalan ko, mukhang napa-praning yata.

Pinasok naman ako ng dalawang naka-tuxedo na lalaki sa loob ng isang limousine. "Saan niyo ba ako dadalhin?" untag ko. Hindi sila sumagot.

May isang screen naman ang bumungad sa harap ko at ang nakikita ko ay mukha ni Yumi. "Hi, Pauma. Siguro naman na nakikita mo itong video na 'to at naririnig mo. Alam kong nakuha ka na nila... ulit. But this time, they wear shades and tuxedo at mukhang gwapo sila..."

"Ang landi mo talaga." bulong ko.

"Kaya kita pinakuha sa kanila dahil magsisilbi ka sa 'kin. Pasensya na kung pinakawalan kita kanina, ha? Ang shunga ko talaga..."

"Mabuti inamin mo..." bulong ko ulit.

"This video is recorded kaya hindi kita maririnig sa mga pambabara mo sa 'kin..."

"My gosh. Paano niya nalaman?" bulong ko sa sarili ko.

"Keila, please turn it off." nakita kong pag-uutos ni Yumi sa kaibigan.

"Anong button?"

"That red button." tinuro niya pa ang camera.

"Screen 'yan, shunga."

"Hahampasin kita diyan, e." Inangat pa ni Yumi ang palad nito sa kaibigan.

"Fine, sorry."

"Bilisan mo, Keila. Uutusan ko na 'yung mga bodyguards ko. Dali!"

"Fine, ito na." humarap naman ang kaibigan nito sa harap camera at mukhang napindot niya ang zoom, kaya nakatutok ang camera sa butas ng kanyang ilong.

"Ano ka ba, Keila. Hindi 'yan!" sigaw ni Yumi.

Natatawa ako sa mga kapalpakan na video ang nakuha nilang dalawa. Tawang-tawa ako. Haha!

Umalis naman si Keila sa camera at kitang-kita ko si Yumi na nangungulangot.

Kaya, natawa ulit ako ng malakas sa loob ng limousine. "Haha! Ang shunga 'rin pala ni Yumi na kumuha ng camera! Haha!" Napansin ko namang hindi tumatawa ang dalawang lalaking katabi ko. "Join naman kayong tumawa. Binabasag niyo trip ko, e." banggit ko. Wala pa 'ring response.

Pinindot naman ng isa kong katabi ang off button ng screen kaya biglang namatay ang pinapanood ko.

"Binabasag mo talaga ang trip ko, ano?" Nakatitig ako ng masama sa katabi kong pinatay ang maliit na screen.

"Ayaw ko kasing mapahiya ang boss namin." sagot nito.

Parang alam ko kung kaninong boses 'to. "Teka, ikaw ba 'yung tumusok ng puwet ko? I just heard your voice."

"Ano bang pinagsasabi mo?"

"Oo, ikaw nga!"

"Hindi ako 'yun."

"Alam mo, sayang ang kagwapuhan mo, e manyak lang."

"Hindi po ako, manyak."

"Humanda ka talaga sa 'kin mamaya. Puputulin ko ang dalawang kamay mo't paa mo. Ipapasok ko ito sa bunganga mo na may lamang patay na daga. Tatanggalin ko ang dalawang panga mo upang magkasya ang dalawang binti mo't kamay mo. Pupunitin ko ang tiyan mo't tatanggalin ang intestine mo at itatali ito sa palibot ng leeg mo." seryoso kong sinabi sa kanya. "Pero, huwag kang mag-alala ilalagay ko sa pwet mo ang hiniwa kong tiyan na may abs mo. Safe 'yun 'dun." nakangiti kong sinabi sa kanya.

"Geez. I know that you don't want to do it becuase you don't want to go in jail, right?"

"Sampung beses na akong nakulong kaya sampung beses na ako pumatay ng tao."

"I don't believe in you."

Siniko ko naman ang isa ko pang katabi. "Magsalita ka naman diyan. Tulungan mo naman ako dito upang matalo siya." pagbubulong ko sa kanya pero sayang effort ko, no responce. Punyeta ka.

"Basta, hindi ako ang tumusok ng pwet mo kanina." anito.

Humarap ako sa kanya. "Shut up." Napa-irap na lang ako dahil sa walang masabi. Basta, humanda siya sa 'kin mamaya, puputulin ko ang dalawang kamay niya't paa nito. Ipapasok ko ito sa bunganga niya na may lamang patay na daga. Tatanggalin ko ang dalawang panga niya upang magkasya... charot lang. Haha.

Napahinto na lang limousine sa harap ng isang gate ng isang mansyon. Ito na nga ang mansyon ng mga Yaewhu- na mimiss ko ang word na 'yan, 'Mansyon Ng Mga Yaewhu.' Siguradong magkikita na naman kami ni Manang Jijay nito at bibigyan ako ng mga love advice.

Bumukas na ang malaking gate nito ng kusa. Remote control ba 'to? Computerize ba 'to? Ano nga ba ang tawag nito? Basta, gate!

Pumasok na ang limousine sa loob ng garage. Actually, sa pagkaka-alam ko dito sa mansyon, fifty ang garage nila rito. Binilang ko, e.

Binuksan na ng isa kong katabi na kausap ko lang kanina ang isang pinto at lumabas. Bago pa ako lumabas, siniko ko ulit ang isa ko pang katabi.

"Psst. Hindi ka pa ba bababa?" untag ko. Hindi pa 'rin siya sumagot.

"Pre, hindi ka ba susunod sa'min?" untag 'rin ng isa kong katabi kanina lamang. Pero, hindi pa 'rin sumagot ang kasama.

Kinuha ko ng biglaan ang shades at nakita kong tulog siya. Mukha siyang cute, pero mas cute pa 'rin si Kevin para sa 'kin. Hindi naman ako malandi, ano.

Kaya pala hindi siya sumasagot dahil tulog siya. Punyeta ka. Ang cute mo pa naman at kamukha mo pa naman si Myungsoo pagtulog. Tse.

"Tara na nga." banggit ng isa kong kausap kanina kaya lumabas ako.

For your information po, kung sino ang pipiliin ko sa dalawang cute na 'to na nilalandi ni Yumi ay wala po dahil ang puso ko ay na kay Kevin lang po. Nang dito na siya sa puso ko, nakakandado na po 'to at ayaw kong buksan muli at landiin ang ibang lalaki. Yuck, hindi kaya ako malandi na katulad sa mukhang kuko na Yumi. Matalim lang baba 'nun, kaya kung yuyuko 'yun, deretso siyang mamamatay. Sana nga matuluyan.

Pumasok naman ako sa loob ng mansyon nang makarating ako sa harap nito. Hindi na sumunod ang kausap ko lang kanina na kamukha ni Kim Bum sa 'kin dahil may tumawag sa kanya kanina lang.

Umupo naman ako sa sofa at hinihintay si Yumi. May naririnig na akong yapak mula sa hagdan.

Kinakabahan ako. Punyeta.

The Breakup MissionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon