TBM 19
Pauma's POV
Umuwi ako ng alas-diyes ng gabi sa mansyon ng mga Yaewhu. Pagpasok ko sa loob ng mansyon, nakapatay ang ilaw. Dahan-dahan akong lumakad upang makarating lang sa aking kwarto kung saan matatagpuan ito sa second floor ng mansyon.Nang biglang nagka-ilaw ang sala. Nagulat ako. "Saan ka galing?" Narinig ko ang boses na 'yun.
Tumingin ako sa sofa at nakita si Yumi na nakaupo lang na may hinahawakang alak sa kanyang kamay. "Y-Yumi..." Pautol-utol kong sinabi.
"Don't tell me na..." Ininom niya 'yung alak bago itinuloy ang sasabihin. "Na nakipagtalik ka sa lalaking iyon!" Sabay tawa niya.
"Lasing ka ba, Yumi? At kung ano-ano pa 'yang sinasabi mo diyan." Nagtataka akong nagtanong sa kanya. "Sana kinuha ko na lang 'yung pawis ni kabayo at pina-inom sa'yo."
"'Wag mong ibahin ang usapan... ang usapan, Pauma..." Uminom ulit siya ng alak bago ituloy ang sasabihin. "Nakipagtalik ka, 'no? Congrats." Nakangisi niyang sinabi.
"Ewan ko ba sa'yo, Yumi. Lasing ka na nga." Sabay kamot ko sa ulo ko.
"'Wag mo akong... pake-alaman. Aminin mo na kasi. Atsaka, alam mo ba... na..." Uminom ulit siya ng alak. "Na... Kanina pa ako naghihintay sa'yo sa ge... gate! Nakita ko kayo kanina ni Kevin sa... sa kalsada na tumatakbo. Ano? Magtatanan ba kayo?" Lumapit sa akin si Yumi ng seryoso. "O magpapakasal na kayo?" Nakangisi niyang sinabi at tumawa na parang lasing. Actually, lasing na talaga siya.
"Yumi..." Malambot kong sinabi sa kanya. "Yumi, tama na. Lasing ka na yata, o."
"Tse! Tumahimik... ka. Hindi ako lasing." Uminom na naman siya ulit ng alak. "Atsaka, hindi ako papayag na... mapa-sa'yo ang future fiance ko!" Bigla siyang humawak sa balikat ko at sumuka sa aking dibdib.
"Yumi, what did you do?!" Gulat na sinabi ko sa kanya.
"Sumuka... obvious ba? Haha." Tumingin siya sa akin na nakangisi. "Mukha ka kasing inidoro, e." Tumawa na naman siya.
"Ikaw nga 'yung tae, e." Pang-aasar ko sa kanya. Napalitan naman ang kanyang emosyon sa kanyang mukha.
"How dare you!" Naging seryoso ang tinig ng kanyang boses. Tinuro niya pa ako. "Hindi ako... tae!"
"Yumi, please. Matulog ka na. Lasing ka na kasi, e." Pag-mamakawa ko sa kanya.
"Mang-aagaw ka ng fiance! Putangina mo!" Hinawakan niya ang braso ko ng mahigpit.
"Yumi, bitawan mo nga ako! Ano ba!" Hinili-hila ko ang aking braso. Pero, pumilit pa 'rin siya sa paghigpit na paghawak nito.
"Hindi!" Nang gigigil siya sa akin, parang gusto niya akong patayin. "Halika dito!" Binitawan niya 'yung alak at nabasag naman ito. Hinila niya ako pa-akyat ng hagdan.
"Yumi, bitiwan mo nga ako. Sayang 'yung alak, o!" Pagpipigil ko sa kanya. Mukhang hindi siya nakinig.
"Isa ka lang hampaslupa!" Binuksan niya ang aking kwarto at tinulak niya ako sa loob. Sinarado niya naman ang pinto. May naririnig akong tunog ng susi.
Agad naman akong napatayo at sinipa-sipa ang pinto. "Yumi, pakawalan mo ako dito!"
"Hindi ako makakapayag na magiging sa'yo ang fiance ko!" Sigaw ni Yumi sa labas ng aking pintuan.
Kinatok-katok ko ng malakas ang pinto ng kwarto ko. "YUMI, PAKAWALAN MO NA AKO DITO! AYAW KO MAKULONG DITO SA KWARTO!"
"Hindi ako makakapayag! Wala kang kwentang babae! Bwisit ka lang sa buhay ko!!" Sumigaw naman si Yumi.
Wala na akong magawa kundi ay umiyak na lang sa aking kwarto at pinigil ko ang pagsipa at katok sa pinto. Umupo ako sa sahig at humagulgol. "Walangya ka, Yumi!" Kinuha ko sa taas ng kama ang isang unan at tinapon ito. "Walangya ka, Yumi! Walangya ka! Walang hiya ka! Walang... hiya ka." Hanggang sa unti-unti nang pumipikit ang aking dalawang mata.
Kevin's POV
Hihiga na sana ako sa aking kama sa loob ng kwarto ko nang biglang tumunog ang iPhone 5s ko. Kinuha ko naman ito sa taas ng aking lamesa at tiningnan kung sino ang tumawag, si Yumi lang pala."Hello, Yumi?" Sinagot ko 'yung tawag.
"Kevin, pwede ka bang pumunta sa bahay ko. Pwede ba tayong mag-usap?" Sumagot ng maayos si Yumi. Ang tono ng kanyang boses ay parang may konting pagkalasing, ah?
"Sige, sige. Dadating ako ngayon diyan." Ngumiti ako ng matipid.
"Salamat... Kevin." Binaba niya na 'yung tawag.
Agad naman akong nagbihis at dumeretso sa kotse ko. Hindi ko sinabihan 'yung driver ni Mom na ihahatid ako sa mansyon ng mga Yaewhu. Actually, dito muna ako nakitulog sa mansyon namin. Na mi-miss ko lang kasi sina Mommy at daldalita kong kapatid.
Ilang minuto ang makalipas ay nakarating 'din ako sa mansyon ng mga Yaewhu. Wala namang tao dahil gumagabi na kaya dumiretso na akong pumasok sa loob ng mansyon.
"You're here." Nakangiting banggit ni Yumi sa akin.
"So, anong pag-uusapan natin dito?" Tanong ko sa kanya. Umakyat naman siya sa hagdan kaya sinundan ko siya.
"Sorry kung na disturbo kita sa pagtulog mo, ha?" Sabi ni Yumi.
"It's okay. Hindi pa nga ako makatulog, e." Sabi ko.
Pumasok naman si Yumi sa kanyang kwarto kaya napahinto ako sa pagsunod ko sa kanya. Lumingon siya sa akin. "Bakit?" Tanong niya.
"Ah, e. Hindi kasi... hindi kasi ako..." Pautol-utol kong sinabi.
Lumapit naman siya sa akin at nilagay niya ang dalawa niyang kamay sa dalawang balikat ko. "It's okay..." Dahan-dahan niyang nilapit ang kanyang mukha sa mukha ko. Akmang hahalikan niya sana ako pero pinigilan ko siya.
"Wait. May pag-uusapan ba talaga tayo?" Binitawan niya ang paglagay ng kanyang dalawang kamay sa balikat ko.
Pumasok naman siya sa loob ng kanyang kwarto. Nakita kong may juice siyang kinuha sa lamesa at lumapit sa akin upang ibigay naman niya ito sa akin. "Drink this first. I think you're thirsty."
Ininom ko naman 'yung juice ng dahan-dahan. Ang sarap ng timpla ng juice. "Finally, it's my time to shine." Nakangiti niyang sinabi.
Agad naman akong nakaramdam ng pagkahilo at paglabo ng aking paningin. Parang wala ako sa aking sarili. Hanggang sa may naramdaman ako sa aking labi. Umayos ang pananaw ko pero wala ako sa aking sarili. Anong meron sa juice na binigay sa akin ni Yumi?
Nakita ko si Yumi na nakangiti sa harap ko. Agad ko siyang hinalik-halikan sa kanyang leeg na parang wala ako sa aking sarili. Binuhat ko siya habang hinahalikan ko siya at pinatong ko siya sa kanyang kama. Sinarado ko ka-agad ang pinto. Bumalik naman ako sa kanya at dahan-dahan niyang tinanggal ang aking butones sa aking damit. Habang patuloy pa 'rin siya sa paghalik sa akin.
"I will never forget this moment..." Nakangiti niyang sinabi sa akin ang mga salitang iyon.
Ano bang nangyayari sa akin? Ano bang meron sa juice na iyon?
BINABASA MO ANG
The Breakup Mission
Teen FictionNagsimula ang lahat nang dahil sa maling pagturo ni Kevin sa isang babaeng hindi kilala upang maniwala ang kanyang fans na may girlfriend na nga siya at hindi na sila magkakagulo sa kanya. His friends found out na peke ang kanilang relasyon at may...