TBM 33

608 13 0
                                    

TBM 33

Pauma's POV
Kinakabahan na ako kung anong pwedeng mangyari sa amin ni Kevin. Alam niyo naman na hindi magpapatalo si Yumi sa gulo. Gusto niya ay manalo sa laro.

"Kevin!" lumapit ako kaagad kay Kevin at niyakap.

"O, bakit?"

Humiwalay ako sa pagyakap ko sa kanya. "Si Yumi, hinahanap na tayo. Sumugod siya sa condo ni bakla."

"Paano niya naman tayo mahahanap? E, hindi niya nga alam na nang dito tayo sa Davao."

"Paano kung m-mahahanap niya tayo?"

"Pauma, huwag kang mag-alala. Hindi niya tayo mahahanap. Trust me, okay?"

Tumango ako sa sinabi ni Kevin. Shet. Kinikilig ako sa mga sinasabi niya sa akin. Kevin, why so... so... c-cute?

"I trust me, I mean you. You. I trust you." nakangiti kong sinabi kay Kevin.

~

Dalawang araw ang makalipas. Hindi nga kami nahanap ni Yumi, tama nga ang sinabi ni Kevin.

Habang wala siya sa Maynila. Tinitiis niya ang hirap dito sa amin. Tumutulong siya kay Inay at Itay sa pag-igib ng tubig sa balde para sa aming pagliligo araw-araw, pangunguha ng isda sa ilog at isa pa, natuto siyang magtanim ng palay na tinatrabahuan ni Itay.

"Pauma!" natutuwang tinawag ako ni Kevin habang nagtatanim siya.

"O, bakit?"

"Tulungan mo akong magtanim dito!" sabay tawa niya ng matipid.

Lumapit naman ako sa kanya mula sa aming bahay. Bumaba ako sa putikan at biglang lumubog aking paa kaya agad akong natumba. "AY!"

"Pauma!" agad namang lumapit sa akin si Kevin upang tulungan akong makahaon. Inabot niya naman ang kanyang kanay sa akin at agad ko siya hinila pababa. "HOY!" sigaw niya. Na puno naman ng mga putik ang damit ni Kevin.

Tumawa lang ako habang nakahiga si Kevin sa putikan. Nabitiwan niya tuloy ang palay na kanyang itatanim sana. "Iyan kasi, nagpapaniwala ka sa akin. Haha." todo tawa ako.

Humaon naman siya kaming dalawa at nakatayo na lang sa putikan. "Naku, sobrang putik na 'yung damit ko." agad namang hinubad ni Kevin ang kanyang damit.

Nakita ko na naman siyang topless ulit. Pangatlo ko na 'tong nakikita. Umbok na umbok ang anim na pandesal at ang kanyang batu-batong katawan. Umiling naman ako at nakagising sa pagtutok ko sa mga muscles ni Kevin. "Kevin, papalitan na natin 'yang damit mo." banggit ko.

"'Wag na. Okay lang naman sa akin kahit wala akong saplot sa itaas na bahagi ng katawan ko, e." sagot niya. Agad niya naman akong tinulak kaya nakahiga tuloy ako sa ako sa putikan. "Ikaw talaga napaka-concern mo sa akin!" at sinimulan niya na akong kilitiin sa aking tagiliran.

"Ano ba, Kevin? Nakikiliti ako. Haha!" natatawa kong sinabi. Jusko, parang rape lang.

Kiniliti niya naman ako sa aking leeg gamit ang kanyang kamay. "Parang hindi ka nga nakikiliti, e."

"Nakikiliti nga ako, e. Haha!" todo pa 'rin ang kakaiya ko sa kakatawa. Hanggang sa natumba siya sa harap ko! Muntikan niya na akong mahalikan dahil nakapatong siya sa akin. Naku, magiging lawlaw na yata 'tong boobs ko sa bigat ng muscles niya. Nagtitigan lang kami ni Kevin at hindi kami kumikibo.

"EHEM!"

Napatingin naman kami ni Kevin si gilid at nakita ang babaeng nakatayo sa tuyo na lupa na walang putik. Kaya napatayo kami ni Kevin at humarap sa kanya.

"Having fun?" napataas pa ang isa niyang kilay.

"Eumi Yeawhu?" pagtataka kong tanong.

"Yes. It's me." sagot niya ng matipid.

"Ba't umitim ka?"

"Umitim ako?" pagtataka niyang tanong na hindi niya inaakala. Tumingin-tingin pa siya sa kanyang braso at hinawak-hawakan pa ang sariking mukha.

"JOKE!" agad namin sitang tinapunan ni Kevin ng putik kaya tumatawa kami habang tinatapunan siya ng mga putik.

"HOW DARE YOU... G-GIRL! HUMANDA KA SA AKIN... B-BOY!" sigaw niya sa amin kaya agad naman kaming tumakbo upang matakasan siya.

Kevin's POV
Pinunasan ko ang aking sarili gamit ang tuwalya pagkatapos kong maligo. Sinuot ko na ang aking damit saka lumabas ng kwarto.

Nakita ko naman si Itay na nag kakape sa kusina. "'Tay, kilala niyo po ba si Eumi Yeawhu?" untag ko kay Itay.

Oo nga pala, Itay at Inay na ang tawag ko sa Tatay ni Pauma at Nanay nito, kunwari mag-asawa kami ni Pauma. Hehe.

"Oo. Kilalang-kilala ko iyan si Eumi Yeawhu, sila ang may-ari sa pinagsasakahan natin kanina. Hindi naman sila gaanong kayaman pero, may pinagkikita naman silang pera..." sagot ni Itay.

"E, Itay. Ba't ganun po ang ugali 'nun? Malandi?"

"May mga sabi-sabi kasi diyan ang mga tao rito sa aming lugar na isang malanding kirita ang babae na 'yan simula n'ong ginahasa siya ng boyfriend niya sa ilog ng mga gabing iyon. Sarap na sarap daw siya habang ginagawa iyon ng kanyang nobyo. Isang lalaking mangangahoy ang nakakita sa kanilang dalawa at agad siyang nagsumbong sa Tatay ng dalaga. At ilang araw ang makalipas, nabalitaan naming buntis ito at nilaglag ang sanggol kung saan siya ni-rape ng kanyang nobyo." paliwanag ni Itay.

"Bakit niya naman po nilaglag ang sanggol?" lumapit ako kay Itay at umupo sa tabi niya. May nakita naman akong mansanas at agad ko itong kinuha para may makakain ako habang nagki-kwentuhan kay Itay.

"Hindi ko alam kung ano ang rason kung bakit niya ito nilaglag." sagot ni Itay.

Nakita ko namang pumasok si Inay sa loob ng bahay dala-dala ang butong na may straw pa sa loob nito. "Ako, alam ko ang rason." umupo naman siya sa harap namin.

"Ano po ba iyon, Inay?"

"Kaya niya ito nilaglag dahil ayaw niyang magkaroon ng anak. Paano kasi, e ang landi ng babaeng iyon. Kahit kanino lang nakikipagtalik." paliwanag ni Inay.

Pumasok naman si Joshua sa loob ng bahay na nakasuot ng damit ng pari at mukhang kagagaling lang ito sa simbahan. "Patawarin po sana siya ng Diyos na maykapal. Aalisin sana ang kanyang masamang ugali." kinuha niya pa ang tinapay na nasa itaas ng lamesa at inangat pa ito bago pumasok ng kanyang kwarto.

"Ano ba ang pinag-uusapan niyo?" tanong ni Pauma na kakalabas pa lang ng banyo at nakabihis na ito.

"Si Eumi Yeawhu, 'yung malanding babae na kahit sino lang boyfriend." sagot ni Inay.

"Ah, ba't ngayon ko lang po siya nakita rito?" tanong ni Pauma. Lumapit naman siya kay Inay at tumabi sa kanya.

"Kasi, noong pag-alis mo rito sa lugar natin saka siya lumipat dito sa ating lugar dahil dito na namumuhay ang kanyang pamilya at nagmula pa raw siya sa Surigao." sagot ni Itay.

"Na cu-curious kasi akong malaman kung ano ang buhay ni Eumi." banggit ni Pauma.

"Hindi na namin alam ang buhay ni Eumi, Pauma. Pasensyana at iyon lang ang alam namin." ani Inay.

Ano ba talaga ang buhay ni Eumi?

The Breakup MissionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon