TBM 48

583 12 0
                                        

TBM 48

Kevin's POV
Shit. Kanina pa ako naghihintay dito sa loob ng airport. Hanggang ngayon wala pa 'rin sina Ric at Ced. Niloloko lang ba nila ako sa sinasabi nilang isang milyon? Nakaka-buwisit naman 'to, o.

Mamayang 11:30 AM ang flight namin papuntang Amerika. Aakyat na sana ako sa escalator kasama si Mom, Dad at ang aking kapatid pero...

"Dude," Biglang may humawak sa balikat ko at nakita ko naman si Ric at ang katabi nito ay si Ced.

"Ano ba kayo? Ba't ang tagal niyo?" na-iinis kong sinabi.

"Ito na pala 'yung isang milyon na pinag-usapan natin." Ibinigay naman sa akin ni Ced ang breifcase at kinuha ko naman ito.

"Isang milyon ba 'to?" untag ko.

"The deal is the deal. Oo. Isang milyon 'yan." nakangiting banggit ni Ric.

"And also, nang dito nga pala si Yumi." ani Ced.

Lumapit naman sa akin si Yumi at niyakap ako. "Gosh. Bakit ka pa ba aalis Kevin? Kung saka pa tayo nagka-ayos, e do'n ka pa mawawala." mangiyak-iyak ang boses ni Yumi sa kanyang sinabi.

"Yumi, kailangan kong umalis dahil, para ito sa 'yo..." nakangiti kong sinabi habang yakap si Yumi. "At sa anak natin."

Humiwalay naman kami sa pagyayakapan at humarap ng maayos sa akin si Yumi. "Babalik ka agad, ha?" anito.

"Oo." Napansin ko naman si Pauma sa entrance ng airport na nakatitig sa amin at mukhang nagulat sa nakita.

Shet. Bumalik na naman ang kirot sa aking puso. Parang, napapansin mo lang sa tabi ang nabasag na nakaraan at muli itong nakita. Futa. Ba't gano'n mga heart breakers? Paki-explain nga? Tandaan, hindi lahat ng lalaki ay madaling nakakalimutan ang ginawang mali sa isang babae.

"Pauma!" tinawag ko naman ang pangalan ni Pauma pero lumakad siya palabas ng exit...

Kasama si Drake.

Akmang hahabulin ko na sana si Pauma pero hinawakan naman bigla ni Ced ang braso ko at may binulong.

"Kalimutan mo na siya, Kevin. 'Di ba, iyon ang sinabi namin sa gagawin mong plano? Ang kalimutan si Pauma?" bulong nito sa akin.

Hinila ko naman ang sarili kong braso at binalewala na lang si Ced sa kanyang sinabi.

Lumabas naman ako ng airport at nakita kong umiiyak si Pauma sa hagdan. Alam kong si Pauma iyon dahil sa suot niyang damit.

"Pauma." Pinatong ko naman ang aking kanang kamay sa kanyang kanang balikat.

Iyak pa 'rin siya ng iyak. Alam komg nasasaktan na siya sa ginawa ko noon...

Ang sirain ang kanyang tiwala at ang kanyang damdamin...

Humarap naman sa akin si Pauma habang umiiyak. "Ang s-sakit ng ginawa mo s-sa 'kin noon." basag ang kanyang boses dahil sa kanyang pag-iyak.

"Pauma, I'm r-really sorry. Ginawa ko lang naman iyon dahil sa pustahan. Pasensya na dahil na sira ko ang puso mo." mukhang basag na 'din ang aking boses.

"Ba't ako pa ang na pili mo? Ba't ako pa ang minahal mo at niloko mo? Pwede naman 'yang si Yumi, ah? Ba't ako pa?"

"Pauma, na aksidente kitang napili at hindi ko iyon sinasadya dahil naguguluhan ako sa mga takapaghanga ko. Wala sa isip ko ang piliin ka."

"At wala 'rin sa isip ko ang minahal ka at pinagkatiwalaan, Kevin." Humalona yata ang sipon at luha niya.

"Mahal mo pala ako noon pa? Noong nagsama tayo sa Davao?"

"Oo, Kevin. Ang na sa isip ko lang no'n ay ang fake relationship na sinabi mo. Hindi mo 'rin pala ako na inform na totoohanan na pala. Tangina ka." pinilit tumawa ni Pauma kahit nahihirapan na siya sa kanyang pag-iyak.

"I love you, Pauma. Pakshet ka anytime and anywere."

Pinunasan naman ni Pauma ang kanyang mga luha. "Grabe ka, ha? Sige na nga, pakshet ka anytime and anywere."

Niyakap ko naman si Pauma ng matagalan. Ganito pala 'yung feeling na hindi mo pa nayayakap ang minahal mong iniwan mo, 'no? Nakakawala ng problema.

"At oo nga pala. May anak na nga pala kami ni Yumi. Isang malusog na sanggol na lalaki at ang pangalan ay... Clark." bulong ko kay Pauma. Tinulak niya naman ako na sanhi ng pagkahiwalay namin sa pagyakap.

"E, 'di congrats! Ang sweet-sweet na nga natin dito tapos sisira-in mo lang. Tse." sigaw niya.

"Flight number 123 please go to the waiting area and wait for the airplane for 20 Minutes to land. At isa pa, pakisabi na 'din sa lalaking kinakausap ang babae sa labas na... 'I love you' galing sa akin. Ahihihi! Ktnx."

Ganyan na ba talaga ako ka-gwapo? Pati 'yung babaeng nag-aannounce sa speaker nilalandi na ako?

"Sige, Pauma. Aalis na ako, ha? Siguro ito na 'yung huli nating pagkikita." nakangiti kong banggit kay Pauma na ikinabasag ng puso ko. Humarap naman ako kay Drake. "Huwag na huwag mong sasaktan si Pauma, ha? Kung 'di malalagot ka sa 'kin." pagbabanta ko kay Drake.

Dahan-dahan naman akong pumasok sa loob ng airport at hindi ko mapigilang lumuha. Nang makapasok, lumapit ako kina Mom, Dad at ang aking ingleserang wala sa ayos na kapatid. Niyakap ko sila saka humarap kina Yumi, Ced at Ric.

"Peace, bros." nakangiti kong banggit sa dalawa kong barkada saka niyakap ng panandali-an. Tumingin naman ako kay Yumi at binanggit ang salitang... "I love you, Yumi."

Pagkatapos ay pumatong na kami sa elevator at dinala kami pataas ng pamilya ko. Pumunta naman kami sa waiting area at naghintay sa eroplano. Pagkalipas ng ten minutes ay nag landing na nga ang eroplano at hinintay ang mga pasaherong nakasakay na lumabas. Ilang minuto pa ay lumabas na nga at sinimulan nang linisin ang eroplano.

~

"Kuya, maganda ba ang America?" untag sa akin ng maliit kong kapatid na katabi ko lang.

"Malay ko ba. E, hindi ko pa nga nalibot ang buong Amerika, e."

"Oh, gano'n ba?"

"Bakit? Ano bang in-expect mo? May ferris wheel pag lumabas ka na ng airport ng Amerika?"

Umiling naman siya. "No. I just thought if I go labas from the airport, I will saw my face."

"Ah, akala mo gano'n? Hanggang pangarap ka lang." sagot ko.

"Kuya, naman, e. You're simula na to be masungit." Nag-pout pa siya at mukhang nagtampo na.

"Hindi. Joke lang naman. Binibiro lang kita."

"Tell me something about Amerika, Kuya, ha?"

"Sige, ki-kwentuhan kita." nakangiti kong banggit.

Sana maayos ko na agad ang problema ko.

The Breakup MissionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon