TBM 11

1.2K 29 0
                                        

TBM 11

Pauma's POV
Kitang-kita dito sa building na 'to ang stage. Hindi ko masyado maclear ang aking paningin sa mukha ni Kevin. May kausap siyang babae o bakla, ewan. Kitang-kita ko na bumaba si Kevin sa stage at palakad-lakad siya sa ground ng University.

"Oh my gosh, Keila. Look at this, a jerk who's watching the stupid program," Narinig ko ang boses na iyon, si Ms. Yeywo este, Ms. Yaewhu.

Napalingon ako sa sinabi niya. "Excuse me lang, ha? Hindi stupid ang program na tinitignan ko ngayon." Madiin kong sinabi sa kanya.

Napatawa siya. "Not stupid? Oh my gosh, Ms. Axes. Kung hindi stupid, bakit ginagawa ni Kevin ito? Why? Mahanap ka lang? Ang tanga-tanga niya pala, 'noh? My fiance na nga siya dito, hinahanap ka pa." Sabay irap niya. "Siguro, nagsawa na siya sa'yo... o sa'kin kaya naghahanap ng bagong jowa,"

"Epal ka 'din kasi sa lovelife namin, 'wag ka nang makialam." Kinuha ko 'yun poster sa bulsa ko na binigay sa akin ni Sandra kanina. "Ano 'to?" Iniba ko 'yun usapan.

"Oh, it's true. Fiance niya ako pero... pero humanap siya ng jowa." Sabay iyak niya ng plastik.

"Stop being plastic, Yumi. Nag-iinarte ka lang diyan," Sabay irap ko.

"Well it's true! Maniwala ka sa'kin, fiance ko siya since birth!" Sumigaw na siya. Letse ka. Bubuhasan kita diyan ng kumukulong mantika, e.

"Ba't mo 'to ginagawa?!" Napasigaw ako. Mukhang nakikita kong nagsilapitan ang mga estudyante.

Nauna akong sumampal sa kanya at mukhang nagulat siya sa ginawa ko. Sinampal niya naman 'din ako at sinabunutan na. Wala akong pakialam kung malalagot ako nito sa gago niyang tatay. Siya ang nauna, e. Pero, ako pa 'rin ang didiinin ng tatay nito. Tangina.

"Tama na!" Inawat ako ni Kevin. Hindi ako magpapaawat ngayon, gusto kong patayin ang babaeng 'yan. Kaya tinapakan ko ang kanang paa ni Kevin gamit ang kanang paa ko 'rin. Ay naka-medyas pala ako. Nakakahiya naman.

Humanap ako ng paraan para makaganti kay Yumi, 'yun ay ang sinipa ko siya sa kanyang ano gamit ang kanang paa ko kaya napatumba siya.

"Walang kang karapatanpara gawin iyon sa akin, Ms. Axes!" Tumayo siya at sinuntok niya ako sa kaliwa kong pisngi gamit ang kanyang kanang kamao. Hinawakan ko ang aking ilong, dumudugo ito.

Tinapakan ko na talaga si Kevin sa kanyang kaliwang paa gamit ang kaliwang paa ko 'rin kung saan may suot akong sapatos. Binitawan niya ako.

Hinila ko naman agad ang buhok ni Yumi pababa. Nagulat siya. Sinampal ko na 'din siya at sinipa pa ang kanyang dalawang binti. Napatumba siya. Tumakbo ako agad na umiiyak.

"Pauma!" Sa tingin ko hinahabol ako ni Kevin habang tumatakbo ako pababa ng hagdan. Letse ka, Yumi. Ang sakit na ng ilong ko dahil sa suntok mo.

"Pauma, stop running!" Sumigaw na si Kevin. Napatigil ako sa pagtakbo ko. Hindi ko na mai-kilos ang aking mga paa, nakatayo lang ako sa gitna ng ground ng University. Umiiyak na pala ako, habang hawak ko ang aking kaliwang pisngi dahil sa sakit.

Bigla may dalawang braso ang nakapalibot sa akin, niyakap na pala ako ni Kevin.

"Bakit mo ginawa iyon sa akin?" Napatanong ako ng seryoso.

"Pauma, kaya ko lang naman ginawa ang program na 'yun dahil gusto kitang hanapin, gusto kitang makita ulit." Sabi niya ng seryoso.

Humarap ako sa kanya at nabitawan niya nman ang pagyakap niya sa'kin at agad ko siyang sinampal sa kaliwa niyang pisngi. "Hindi mo ba alam na may girlfriend ka dito? Hindi mo ba na-isip na nagtataka na ang mga fans mo ngayon kung bakit naghahanap ka ng bagong jowa? Dahil ang nasa-isip nila na hiwalay na tayo?"

"Pauma, hindi pa tayo, di ba?" Bumulong siya sa akin. Napatingin ako sa aming palibot.

Katahimikan.

Humarap ako sa kanya. "Kahit na, Kevin." Tumingin ako sa kanya ng seryoso. Tumalikod ako sa kanya at lumayo na. Umiiyak ako habang naglalakad sa kanya ng patalikod.

Kevin's POV
"Tangina. Ako na nga ang nag ligtas kay Pauma, siya pa ang nagalit." Pag-kikuwento ko kanila Ced at Ric sa basement. Katatapos lang ng program dahil sa nangyari sa amin ni Pauma. Habang lumalayo nga siya kanina, e nag simula naman ang pagbubulong ng mga fans ko.

"Pre, mali at tama ang ginawa mo." Ani Ric habang nakakatutok sa iPhone 5s niya. Letse, hindi pa pala siya tapos sa pagbabasa ng istorya ni owwSIC.

"Paano sumabay ang mali at tama sa ginawa ko?" Napatanong ako habang umuupo kami sa lumang sofa sa basement.

"Hindi mo ba gets?" Tanong ni Ced. Umiling ako.

"Tama 'yun ginawa mo na hanapin si Pauma pero mali ang ginawa mo kasi..." Umubo muna si Ric bago pinatuloy ang sasabihin. "Kasi naghanap ka ng jowa, e. May girlfriend ka na nga na peke maghahanap ka pa. So, anong magiging reaksyon ng mga fans mo niyan?"

"Bro, bakit naman siya magkaka-ganun?"

"Baka iba na ang nararamdaman niya sa'yo," Biglang sumagot si Ced. "Pero, Kevin. Masisira na ang pangalan mo nito sa buong University. They don't know the story, e. Baka pati readers natin sa Wattpad, nalilito na."

"Malinaw naman ang explation, ah? Hinahanap kolang naman si Pauma."

"Aalis na ngaako dito, nalilito na nga ako sa inyo, e." Napatingin kami sa isa't isa. Hindi namin kung sino ang nagsasalita.

"Ano 'yun?" Napatanong si Ric at tumigil sa pagtutok ng kanyang iPhone 5s.

"Bahay ba 'to ni Kuya?" Tanong ko.

"Mga pre, iba na ang nararamdaman ko." Ani Ced. Nanlaki naman ang dalawa kong mata.

"Ano ba kayo. Dito ako tumatambay pag may problema ako." Muli siyang nagsalita. Napatingin kami sa mga karton. May lalaking nakaupo 'ron. Tumayo siya at lumapit sa akin. "Alam mo, Kevin. May solusyon sa problema mo."

"Ano naman po ba ang solusyon sa problema ko? At sino po kayo?" Tanong ko sa kanya.

"Alam kong hindi mo ako kilala."

"Malamang." 'Yun na lang ang na sabi ko.

"E, anopo ba ang solusyon sa problema ni Kevin?" Tanong ni Ced sa kanya.

"Kausapin mo siya at humingi ka ng tawad sa kanya..." Sabi niya.

Ang tanong, mapatawad niya kaya ako?

The Breakup MissionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon