TBM 12

1.3K 25 1
                                        

TBM 12

Pauma's POV
"Friend kong gaga, nang diyan ka lang pala sa labas." Banggit ni Jona. "Kanina ka pa ba diyan?"

"Syempre kanina pa. Katok ako ng katok sa pinto hindi mo binubuksan, e." Pag-mumura ko sa kanya. "Alam mo, Jona. Bad trip ako ngayon kaya 'wag mo akong guluhin."

"E, hindi naman kita ginulo, ah?"

"Tumabi ka na nga." Deretso na akong pumasok sa room namin. Agad kong nilapag ang bag ko sa sofa at umupo. Masama pa ang tingin ko sa habang nakaharap ako sa TV.

Bakit iba na ba ang nararamdaman ko kay Kevin? Two days palang naman, ah? Nagmamadali agad ang puso ko. Si Kevin naman kasi, e. Bakit ginawa niya pa ang program na 'yun, e may syota naman siya dito. I don't understand him. Maybe, hinahanap niya lang ako. Paano niya naman ba nalaman ang classroom ko? Lahat na lang alam niya. Ewan ko ba diyan kay Kevin, ang dami niyang alam.

Hanggang ngayon nakatulala pa 'rin ako sa TV. Malalim ang iniisip ko. Puro galit ang na sa isip ko. Ano kaya ang gagawin ko pag nag patawad sa akin si Kevin.

"Friend dapat ikaw ang mag patawad sa kanya. Mas lalo kang mahihirapan niyan pag hindi mo ginawa iyon." Napatigil ako sa pagtulala ko sa TV at humarap kay Jona. Aba. Nabasa yata ni bakla ang isip ko.

"E, kung ako magpatawad. Papatawarin niya kaya ako pag ginawa ko 'yun?"

"Dipende kung gusto niya. Ikaw naman kasi may kasalanan friend, e kung bakit ka pa nag seselos. May nararamdaman ka ba sa boy na 'yan?" Gaga 'to ah? Nakakabasa ng isip.

"Tse. Asikasuhin mo ang lovelife mo, 'wag sa akin baka ma-agaw mo pa ang future husband ko." Tumayo na ako at pumasok sa aking kwarto. "Gagang 'to. Nabasa ang isip ko." Sabay sara ng aking pintuan.

"Narinig ko 'yun, friend kong gaga..." Sigaw ni bakla sa salas. Mind reader na nga, malakas pa ang pandinig.

Napahiga na lang ako sa aking kama. Pagod na ako, gusto ko nang matulog. Nakakapagod talaga ang nangyayari ngayon. Nagsimula lang ang lahat dahil sa na-aksidente akong napili ni Kevin para mapaniwala lang ang mga fans niya. Nalaman na 'din ni Yumi at 'yun gago niyang tatay na may relasyon kami ni Kevin kahit hindi 'yun totoo. Next na pala magsisimula ang aking trabaho sa mansyon nila Yumi, mukha silang mayaman, e.

'Yun pumunta si Kevin sa city offices. Bakit siya kilala ni Mayor? Magkakilala na ba sila Yumi at Kevin? Bakit bumisita siya kay Mayor? Ang hirap talaga ma-solve ang problems ko.

Kinabukasan.

Tahimik ang mga estudyante sa buong University. Actually, hindi kami nagkita ni Drake ngayong unaga at hindi 'rin kami sumabay papuntang school. Kakapasok ko pa lang ng gate kanina, nilapitan ako agad ni Sandra.

Habang naglalakad kami ngayon sa hallway papunta sa loob ng classroom. Ni estudyante walang nakatitig sa akin.

(PLAY THINKING OUT LOUD BY ED SHEERAN IN THIS PART)

Hanggang sa nagsimula na silang kumanta. Tumingin ako kay kuya na nakaupo lang sa bench na nakayuko at kumanta. Napatingin 'din ako kay ate na nakasandal sa kanyang locker room at nakatutok libro habang kumakanta. Tumingin 'din ako kay Sandra na sumabay 'din sa kanta. Narinig ko 'din sa likod ko na may kumakanta 'rin kaya, lumingon ako kung sino 'yun. May kumantang apat na lalaki. Hanggang sa humarap ako at may dumaang banda sa harap namin, banda ng mga Calvax na sikat na sikat dito sa BF University. Ano 'to? High School Musical? E, college na kami, ah?

"Anong nangyari sa inyo?" Tanong ko sa mga estudyanteng nakikanta na 'rin. Walang nakinig sa akin kaya binilisan ko ang paglakad ko para malampasan ko sila.

Nang makarating ako sa loob ng room, naririnig ko pa 'rin sila na kumakanta. Sinarado ko ang pinto ng classroom at naiwan si Sandra sa labas. Lumingon naman ako sa likod ko at nakita ko ang lahat ng kaklase ko ay kumakanta 'rin. Pero si Yumi, nakita ko siya na nakaupo lang sa kanyang pwesto at nakasimangot. Habang ang mga kaklase ko naman, todo kanta lang. Naku, parang zombie apocalyps lang, ako ang hinahabol.

"'♪Cause honey your soul could never grow old, it's evergreen...♪"

Pinikit ko ang dalawang mata ko.Jusko, Lord. Anong nakain ng mga kaklse ko ngayon? Parang nababaliw na yata sila. Help me. Ano po ba ang gagawin ko? Give me a sign.

Binuksan ko naman ang dalawang mata ko. Wala pa 'rin sign ang pinakita sa akin ni Lord. No sign. Patuloy ko pa rin naririnig ang tunog ng banda sa labas ng aming classroom at kanta ng mga estudyante sa loob at sa labas ng classroom.

"♪People fall in love in mysterious ways. And maybe it's all part of a plan. Well I'll just keep on making the same mistakes. Hoping that you'll understand...♪"

Parang connected ang kinakanta nila sa amin ni Kevin. Sa totoo lang, ang ganda ng mga boses ng nga estudyante dito. Mayabag man o magaganda, ang sarap pag haluin.

"Kinilig ka, 'noh?" Biglang bumulaga sa harap ko si Kevin na nakangiti. That smile, nakakawala ng problema at takot.

Kumanta naman siya. Sumabay siya sa mga estudyanteng kumakanta 'rin."♪That baby now. Take me into your loving arms. Kiss me under the light of the thousand stars. Place your head on my beating heart, I'm thinking out loud. And maybe, we found love right where we are...♪"

Patuloy pa 'ring tumutunog ang musika sa labas at sa loob ng classroom. Nakangiti lang ang mga kaklase ko sa akin. Habang si Kevin naman ay dahan-dahang lumuhod sa harap ko.

"Sorry sa lahat ng nagawa kong masama sa'yo, g-girlfriend..." Paumanhin niya sa akin. Inabot niya naman ang nag-iisang pulang rosas sa akin at dahan-dahan ko itong kinuha. I blushed, 'nung sinabi niyang 'girlfriend', kinilig ako 'dun. Nang makuha ko ang nag-iisang pulang rosas, nagulat na lang ako ng biglang kumanta ulit ang mga kaklase ko at nakabukas na ang pinto.

"♪So baby now. Take me into your loving arms. Kiss me under the light of a thousand stars. Oh darling, place your head on my beating heart. I'm thinking out loud. That maybe, we found love right where we are. And baby, we found love right where we are. And we found love right where we are...♪"

Nang matapos na silang kumanta, tumayo sa harap ko si Kevin at agad akong niyakap! Nagulat ako sa ginawa niya sa akin.

"Sorry 'din sa nagawa kong masama sa'yo, b-boyfriend..." Paumanhin ko 'din kay Kevin habang nakayakap pa kami.

Is this the end of the story?

The Breakup MissionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon