TBM 50 : The Last Chapter
Pauma's POV
Ano bang dapat pwedeng kong gawin? Sabihin ko ba ang sikreto ni Yumi kay Kevin, pero magkakaroon na naman ng malaking gulo at may part two pa 'tong istoryang 'to? O hindi ko na lang sasabihin kay Kevin ang sikreto ni Yumi kahit na hurt-hurt na ako? So anong pipiliin ko?I-comment mo lang!
"Hoy, ano na? Kanina ka pa diyan nakatulala sa bintana? Sabihin mo na ang lahat kay Kevin. Remember, sinaktan ka dati ni Yumi. So which means, may chance ka pa kay Kevin. Matutuloy ang forever mo! Masyadong bitter ka lang sa prologue, e ano?" banggit ni Jona sa akin sa sala.
Tumayo ako mula sa inu-upuang sofa. Sinimulan ko nang dinial ang number ni Kevin. Medyo bumilis ang tibok ni heart dahil sa sobrang kabado. Pakshet kasi 'yang si Yumi, kahit kailan talaga nagsisinungaling ang gagang 'yan. Gasgas na talaga 'tong istoryang 'to as in.
Mukhang sumagot naman ang kabilang linya. "Hello, Pauma?"
"Kevin, m-may kailangan kang malaman."
"Ano naman iyon, Pauma? May aasikasuhin pa kaming meeting mamaya with the owner of this building." anito.
"Si Y-Yumi..." Kinakabahan talaga ako sa sasabihin ko. My gosh, author. Huwag ka na ngang gagawa ng part two, i-guest mo na lang kami sa ibang stories.
"O, anong problema sa bae ko?" untag niya. Hehe. Ang peste mo talaga, Kevin.
"M-May isa siyang s-sikreto tiyak na magugulat ka."
"Ano bang sikreto ni Yumi? Bilisan mo, Pauma. Ten minutes na lang ay magsisimula na ang meeting." pagrereklamo niya.
"H-Hindi ikaw ang a-ama ng anak n-niyo ni Yumi."
"HA? E, SINO?" gulat na sambit nito.
"Si... Ced."
Biglang naputol ang tawag. Siguro ay dahil sa na gulat si Kevin sa narinig mula sa akin.
May part two paba talaga 'tong istoryang two? Sana wala na, baka gagawin na naman akong peste ni author sa part two.
Kevin's POV
Dalawang buwan ako nag stay sa Amerika bago ako dumating sa Pilipinas. Futa. Hindi ako makapaniwala na si Ced ang ama ng bata. Parang may na-aalala ako noon..."Ah! Ah! Ah!" isang ungol ang aking narinig mula sa tambayan ng mga barkada ko--- sa basement.
"Ano? Masarap ba? Isa pa?" boses iyon ni Ced nang marinig ko iyon mula sa labas ng basement sa sobrang lakas ng boses niya.
"Oh my gosh, Ced. Ang gwapo-gwapo mo talaga so please, magpa-ulan ka ng halik sa akin." malanding boses ang narinig ko.
Hindi ko man lang na-isip na si Yumi pala iyon. Nangyari iyon no'ng May, kung kailan ang enrollment. Matagal ko nang nakalimutan iyon dahil sa tagal na 'rin ng panahon.
Bago pa man ako naka-uwi sa Pinas, sinabi ko muna kina Mommy, Daddy at sa kapatid ko na hindi na matutuloy ang kasal next year.
"Mom, Dad, may s-sasabihin po ako sa inyo na sobrang i-importante." kinakabahan ako habang binibigkas ang mga salitang iyon.
"Ano iyon, anak?" untag ni Mom.
Medyo kinakabahan ako sa sasabihin ko dahil bigla na namang mabi-beastmode ang stepdad ko.
"Hindi na po m-matutuloy ang sa susunod na taon." Huminga muna ako ng malalim bago magpatuloy. "Dahil, h-hindi ako ang ama sa anak ni Yumi."
Isang mabigat na masakit na sampal ang naglanding sa pisngi ko, ang skyrocket super slap ni Dad. Futaena.
"THIS IS YOUR FAULT! IT'S ALL YOUR FAULT! YOU MAKE US BELIEVE ON YOUR WORDS FULL OF LIES!" tumaas ang boses ni Dad.
"I DID NOT LIE! YUMI YEAWHU IS THE ONE WHO CHEATS ON ME. SHE IS THE ONE! NAGPAKATANGA AKO NA NANIWALA SA KANYA, DAD!" tumaas na 'rin ang aking boses sa pagkawala ng aking respeto kay Dad.
Kinuha ko naman ang cellphone ko sa aking bulsa at ni-play ko ang sinend sa akin ni Pauma na voice record mula sa boses ni Yumi at sa kaibigan nito. Kaya, hindi makapaniwala si Dad at mukhang gulat na gulat siya. Ito nga ang sapat na tamang ebidensya mula sa boses ni Yumi sa record.
Kaya, mga ilang linggo ang lumipas ay nabawi na namin ang building at binayaran ang may-ari ng eight hundred thousand sa utang at gamit iyon sa ibinigay na pera sa akin ng mga barkada ko. Inayos pa muna ang mga papeles sa bussiness namin bago kami umuwi sa Pilipinas.
At ang lahat ng kagamitan ngayon sa mansyon ay kumpleto na. Ibinalik sa amin ang lahat ng kagamitan sa mansyon.
Isang problema na lang ang dapat kong tapusin... ay ang problema namin ni Yumi at Ced. Pupuntahan ko sila bukas kasama ang mga magulang ko.
~
Tinawagan ko na si Ced and I'm sure na nasa mansyon na siya ng mga Yaewhu. Kumatok naman kami sa pinto ng mansyon nila at ipinagbukas kami ng pinto at deretsong pumasok. Kitang-kita ko si Ced na nakaupo lamang sa sofa kasama si Ric. Kumukulo ang dugo ko nang makita ko si Yumi dahil sa pagsisinungaling niya sa akin.
"Kevin, what's wrong?" untag sa akin si Yumi na katabi lamang si Mayor.
"Huwag mo akong ma-'what's wrong-what's wrong' diyan. Alam ko na ang sikreto niyo ni Ced." seryoso kong sinabi sa kanya.
"Kaya mo ba kami pinatawag rito?" nagtatakang untag ni Ced na narinig ko mula sa sofa.
"Kevin, I'm really sorry. H-Hindi ko sinasadyang magsinungaling sa 'yo, pero sadyang gusto lang kitang makuha. Mahal k-kita, e." Yumakap naman sa akin si Yumi habang umiiyak.
"Hindi na matutuloy ang kasal natin, Yumi. Wala na tayo." simple kong sagot. "Hindi na kita mahal."
Humiwalay naman sa akin sa pagyakap si Yumi.
"Bro, kailangan mong magpakasal kay Yumi. Apelyido mo ang nakasulat sa birth certificate ng bata." Napatayo na lamang si Ced.
Tinulak ko naman siya. "E, GAGO KA PALA, E! IKAW ANG NAMBUNTIS, APELYIDO KO PA ANG IPAPALAGAY MO? ANO 'YUN? KATANGAAN, HA?" galit-galit na turan ko. "Alam niyo, pwede ko kayong ipapakulong, e. Sasampahan ko kayo ng kaso."
"Kevin, p-please huwag! Papalitan na namin ang apelyido ng bata. P-Please, huwag mo na kami ipapakulong." pag-mamakaawa ni Yumi sa akin.
"Hindi ko na kayo ipapakulong basta magsama lang kayong dalawa." sagot ko naman.
"S-Salamat, Kevin." ani Yumi.
"Pero sa isang kundisyon, Yumi." Humarap naman ako kay Yumi.
"Ano?"
"Humingi ka ng tawad sa lahat-lahat ng ginawa mong kasalanan kay Pauma." simple kong sagot.
"So are we done here?" pagsingit ni Mayor.
"Yes, Mayor. Papalitan na ng apelyido ang anak ni Yumi at dapat magpapaksal silang dalawa sa susunod na taon." Pagharap ko kay Mayor.
"Sure. Bibigyan ko ng mabigat na parusa si Yumi pagkatapos nito." nakangiting sinabi ni Mayor.
Ibabalik ko ang forever...
BINABASA MO ANG
The Breakup Mission
Teen FictionNagsimula ang lahat nang dahil sa maling pagturo ni Kevin sa isang babaeng hindi kilala upang maniwala ang kanyang fans na may girlfriend na nga siya at hindi na sila magkakagulo sa kanya. His friends found out na peke ang kanilang relasyon at may...