TBM 41

552 11 1
                                    

TBM 41

Pauma's POV
Nakita kong bumaba si Manang Jijay na may dala-dalang basket ng mga damit, maglalaba yata, akala ko naman si Yumi.

"Pag itong basket, nahulog sa dalawang paa ko siguradong masakit 'to. Parang puso mo lang na nahulog na sa puso ko pero ang ending sinaktan mo ako. Sad 'no?" Patungo sa kusina si Manang habang kinakausap ang sarili. Hindi niya yata ako nakita na nakaupo lang sofa dito sa sala. Focus kasi sa trabaho, e.

"WHAT? MALING VIDEO ANG PINAKITA NIYO? MGA TANGINA PALA KAYO, E!"

Naririnig ko ang mga sigawan mula sa garahe. Hindi na ako magtataka dahil si Yumi ang sumisigaw. Kaya pala hindi sumunod sa akin kanina si gwapo este, si cute dahil tinawag siya ng isang demonyita.

"MGA PESTE KAYO! BA'T HINDI NIYO AGAD SINABI NA MALI ANG IBINIGAY KONG VIDEO? SUMAGOT KAYO!"

Napa-irap na lang. Ganyan kasi si Yumi, e. Konting pagkakamali lang biglang magagalit. Gusto perfect siya.

"SUMASAGOT PA KAYO, HA? KAILAN BA ITINURO NG MGA MAGULANG NIYO ANG SUMASABAT?"

Siguro nakagising na ang isa pang bodyguard na natutulog lang kanina dahil sa sigaw ni Yumi.

"UMALIS NA NGA KAYO! MGA PUNYETA!"

Narinig ko na lang na bumukas agad ang pinto ng sala, kaya tumingin ako sa may pinto at nakita si Yumi na papalakad papunta sa akin. Nakatayo lang siya pagdating sa harap ko at nakataas pa ang kilay. Umirap na lang ako.

"Bakit mo ba ako pinakidnap ulit dito? Alam mo bang may ginagawa pa ako?" Sarkastiko kong sinabi.

"Actually, magiging maid ka ulit dito. Kulang pa kasi ginawa ko ang pagsawsaw ko sa 'yo sa loob toilet. Dapat, mas lalo kang maghirap dito sa loob ng mansyon."

"Putang ina, Yumi." napasigaw ako kaya tumayo ako sa harap niya. "Hindi pa ba sapat sa 'yo ang pagpapahirap mo sa akin noon? Pinahiya mo ako? You even copy our projects kaya nakuha mo ang high grades dahil sa effort ko." Punyeta, nag taglish tuloy ako. "Ano pa ba ang kulang, Yumi? Ang patayin mo ako? Well, do it. I'm not letting you to stop what you do to me. Even when make storms, well do it. Handa akong matamaan ng lightning dahil 'yun ang best wish mo—"

"Yes, Pauma. Gusto kong mamatay ka dahil sa pag-agaw mo sa akin ng fiance ko."

"HINDI MO SIYA FIANCE, YUMI! ANO BA?" Sumigaw ulit ako. "Mahal ka ba ng taong mahal mo? Hindi 'di ba? Ang gusto mo lang kasi ay mahalin ka niya at mapa-ibig mo siya. Well, guess what? Mas mahal ako ng taong mahal mo na minamanhid ang puso niya para sa 'yo at ginigising ito para akin. Hindi siya para sa 'yo, Yumi. Siguro nga ay may sira na 'yang utak mo kaya every two years ay may nilalandi kang iba. Is it right naman, 'di ba?"

"Don't you dare talk to me like that, Pauma! Hindi mo ako kilala. Hindi mo alam kung paano ako nasasaktan para sa minamahal ko na bibalewala ko."

"I don't care kung paano ka nasaktan dahil ang alam ko ay iniisip mo lang ang sarili mo. You don't care kung paano 'rin kami nasasaktan dahil nga, iniisip mo lang ang sarili mo." Huminga muna ako ng malalim bago itutuloy ang sasabihin. "Yumi, hindi mo ba alam na... magkapatid tayo?"

Nagulat naman si Yumi sa aking sinabi.

~

Kevin's POV
Isang oras lang naman ang byahe mula sa Davao hanggang Manila kaya tinawagan ko sina Mom at Dad kanina no'ng sa Davao pa ako at ipasundo ako sa Davao na gamit ang sariling helicopter. In-explain ko kay Dad kung bakit kami nagtanan ni Pauma, pero hindi niya tanggap. Ayaw niya kay Pauma.

"I don't like that girl. You have to marry Yumi not that Pauma. She's poor. She has no money to make our business continue." paliwanag ni Dad.

"Pero mahal ko siya, Dad. Hindi ko kayang pakasalan ang hindi ko naman minahal. Ba't hindi niyo po ba ako na iinintindihan?" sagot ko.

"Magsasarado ang business natin, Kevin. Kaya pupunta tayo sa America upang ayusin ang mga papeles doon. Ikaw ang pipirma dahil iyon ang batas ng may-ari ng building. Nag renta lang tayo, Kevin. Pinapaalis na nila tayo dahil hindi na natin nababayaran ang renta ng building." malungkot na sinabi ni Mom. "Pinaliwanag ito sa akin ng Dad mo."

"I have to go now." Lumabas naman ng bahay si Dad mula sa sala.

Dahan-dahan namang lumapit sa akin si Mom. "Pero kahit na, Kevin. Bahala na ang magsara ang negosyo natin sa America, ipaglaban mo pa 'rin ang relasyon niyo ni Pauma."

Tumango lang ako. "Salamat sa 'yo, Mom. Ikaw lang ang nagpapakatatag sa akin."

"Dahil ganyan 'din ang nangyari sa akin noon, Kevin. Magkaibigan ang stepdad mo at ang ama ni Yumi, pinatay nila ang totoo mong ama kaya ang negosyo natin dati ay nalugi na 'rin. Kinausap ako ni Mama noon na magpakasal na lang kay Fakyundo, ang stepdad mo na minahal ako upang magpatayo ng bagong company. Pero nalaman ko na lang ang lahat nang ikinwento sa akin ng ama ko."

"Pero, Mom. Hahayaan ko na lang ba ang anak namin ni Yumi?"

Wala akong sagot na natanggap mula kay Mom. Alam ko naman ang na sa isip niya, e. Hindi niya pa alam ang sagot. Basta, ipaglaban pa 'rin namin ni Pauma ang relasyon namin.

"It's okay, Mom. I know that you don't know the answer." sabi ko.

"Please, Kevin. Huwag na huwag mong itutuloy ang kasal niyo ni Yumi, kahit na lugi na ang negosyo natin." Iyon na lang ang sinabi ni Mom.

May kumatok naman sa pinto namin kaya binuksan ko agad iyon at bigla namang pumasok ang dalawang lalaki at binuhat palabas ang mahaba naming sofa.

"What is the meaning of this?" pagtatakang untag ni Mom.

Tumingin naman kami sa labas at nakita ang isang matabang lalaki at mukhang chinese ito. "Put them inside already."

Napatabon naman si Mom ng bibig. "Oh my gosh." nagulat niyang sinabi.

"Bakit, Mom? Ano ba 'yun?"

"S-siya..." Tinuro-turo niya pa ang lalaking mataba.

"Bakit, Mom? Ano pong siya?"

"S-siya 'yung may-ari ng building ng business natin." Lumbas naman si Mom at nilapitan ang lalaki. "Sir Tsinuahe, please give us one more chance."

"No more chances. I always giving chances." sagot naman niya.

Habang pinapalabas naman ng dalawang lalaki ang mga kagamitan sa loob ng sala.

"Please, give us more chances." pag-mamakaawa ni Mom.

"You are not paying the rent of that building. So I go here in the Philippines and taking off your things."

Punyeta kang chinese ka. Paano ka ba naka-abot sa America? Nagdadala ka lang ng malas sa buhay namin. Inagaw niyo na nga ang isang isla dito sa Manila, kinuha niyo pa gamit namin.

The Breakup MissionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon