TBM 4
Pauma's POV
"Agasma?" Banggit ng guro. Nag tatanong pa siya kung sino 'yun present bago mag simula ang klase. Ano bang tawag nito, class presentation? Class recitation? Ano nga ba ang tawag?"Present!"
"Axelesilelesi... ano ba 'to?" Mukhang nahihirapan ang guro namin sa pag pronounce ng apelyido ko, ah. Kailangan 'kong gumawa ng paraan.
"Axelesesciselis po!" Pagtutulong 'ko sa pronunciation ni prof.
"Ano? Axesileslisxis?" Tanong niya sa akin. Tinitignan na naman ako ng mga kaklase 'ko. Nakakahiya naman.
Umupo lang ako sa kahihiyan. Actually mahirap talaga babanggitin ang apelyido 'ko. Sa mga readers na nagbabasa ng stories 'ko please, Axes na lang for short para sa apelyido 'ko. Axes? Oo tama nga, Axes na lang for short. "Axes na lang po, Prof. Medyo... medyo mahirap ibanggit," Sabi 'ko kay Prof.
"Okay," Nagsimula na naman siyang bumanggit ng apelyido.
Binuksan 'ko ang sling bag 'ko para kunin ang make-up 'ko. Medyo pumangit ako ngayon. Pero teka, ba't nakabukas na agad ang bag 'ko? Naku, baka may mawala na gamit sa loob.
Binuhos 'ko ang laman sa loob ng bag 'ko sa table. Hinanap 'ko ang gamit 'ko, pero hindi ito kompleto dahil nawawala ang kailangan 'kong make-up. Gumawa ako ng paraan, gumapang ako pabalik sa una 'kong inuupuan 'ko kanina. Bumabanggit pa naman ng apelyido si Prof kaya hindi niya ako mapapansin. Ang hirap palang gumapang.
Hanggang sa nakarating na ako sa una 'kong inuupuan 'ko kanina. Nakita 'ko naman ang impaktang nag paalis sa akin sa trono 'ko. Deretso lang ang tingin niya sa harap at hindi siya yumuyuko. Nang aalingasaw ang baho ng... you know na, hindi ba siya nag pa-panty? Tinakpan 'ko na lang ilong 'ko.
"Ay, letse malapit niya na akong masipa..." Pagbubulong 'ko sa sarili 'ko. Malapit niya na akong masipa. Letseng impakta ka. Ambaho na nga ng ano mo tas gaganito ka pa. Open na open pa 'yan palda mo.
"Psst... Huy..." Tawag 'ko sa kanya. Tumingin naman siya pababa at lumaki ang kanyang dalawang mata at sumisigaw pa siya dahil sa gulat.
"Ahhhhh!!! Ahhhhhh!!!" Pagsisigaw niya at dali-dali pa siyang umakyat sa upuan niya at talon pa ng talon.
Dali-dali akong gumapang pabalik sa ikalawang inuupuan 'ko. Ang hirap makabalik, ang sikip kasi sa ilalim ng upuan na ginapangan 'ko,e.
Patuloy pa 'rin siya sa kasisigaw hanggang sa napansin siya ng buong klase. "What are you doing, Ms. Yaewhu?" Tanong ni Prof sa kanya.
"Screaming po. Obvious ba?" Pag pipilosopo niya. Pilosopo pala 'tong batang 'to. "I mean, may nakita po ako kaninang daga sa ilalim ng chair 'ko," Paliwanag niya. Excuse me, gumapang ba ako sa ilalim ng upuan niya? At saka bastos 'to, ah, tinawag akong daga.
"Okay, it's just a rat. Don't be an over acting person who is afraid of ra-" Naputol ang sinabi ni Ma'am Prof nang makakita ng isang ipis na nag pa-fashion show sa desk niya habang may sinusulat siya.
"Ipis! Omaygad! Ipiis! Tawagin niyo ang anti-insect company! 'Yun baygon company dahil may ipis sa desk ko!" Todo lang siya sa pag sigaw. 'Yan kasi, e. Naki-trip kay Ms. Yeywo at tinawag pa akong daga kaya ayan. Kababago niya lang sina na 'Don't be an over acting person' pero si Prof, grabe ang sigaw.
"Ma'am, ipis lang 'yan," Pag papatigil 'ko sa pagsigaw ni Prof. Tumigil naman siya at kumalma. "Breath in..." Pagpakalma 'ko sa kanya. "Breath out..." Binuga niya naman ang kanyang hininga. Ayan tuloy, umalingasaw sa buong classroom habang nakatayo ako. May mga estudyante pang nagrereklamo dahil sa baho ng hininga ni Prof.
"Class..." Hinahabol ni Prof ang kanyang hininga bago ipinatuloy ang sasabihin. "Take your recess already..." Hinahabol niya pa 'rin ang kanyang hininga. "'Wag niyo nang hintayin pa ang bell..." Hanggang sa nahimatay siya. Nagsilabasan naman ang mga kaklase 'ko at nagkasiyahan pa. Mukhang ako na lang ang natitira dito.
"Hey!" May tumawag yata sa'kin, nanggaling yata sa likod 'ko. Lumingon naman ako sa aking likuran.
"Bakit?" Sarkastiko 'kong tanong.
"Anong ginagawa mo kanina sa ilalim ng upuan 'ko?" Tanong niya. Aba malay 'ko. "Naninilip ka ba? Tomboy ka, 'noh?" Dagdag pa niya.
"Hindi ako tomboy, 'noh. Hinahanap 'ko lang 'yun make-up 'ko," Umalis na ako sa harap niya at binangga 'ko pa siya sa left shoulder niya saka pinatuloy ang lakad.
"Hoy! Kinakausap pa kita, 'wag mo akong tatalikuran," Banggit niya. Palabas na ako ng classroom at hinahabol niya na ako ngayon. "Don't ignore me, bitch!" Sigaw niya.
Ay, letse. Hindi ako makalakad ng mabilis dahil sa na wala ang isa 'kong sapatos. Dapat hindi ako mag pahalata sa ulol na babae na 'to. Mahirap pa naman mag laba sa maduming medyas, dahil nga sa walang pera joy dish washer pac ang gamit namin sa condo with my friend 'kong Jona. Ay, mayaman pala si friend, ako lang pala ang mahirap. Hindi niya kasi ako nililibre pagdating sa mga shampoos or whatever.
"Hoy!" Sigaw pa 'rin niya. Lumingon na lang ako sa aking likuran dahil sa nakaka-inis niyang boses.
"Ano na naman ba?" Banggit 'ko.
Lumapit siya sa akin ng konti at mukhang tinignan niya ako mula ulo hanggang paa at nagulat sa nakita. "Oh my gosh. Pati sapatos wala kang pambili?" Natatawa niyang sinabi.
Hindi ako magpapatalo. "Oh? Pati pa naman ugali, hindi mo pa makuha ng mabuti?" Pambanat 'ko. Letse ka. Boom!
"Excuse me? Mabait ako, 'no," Pagmamayabang niya.
"Patunayan mo nga?" Pagde-dare 'ko.
Tumingin-tingin pa siya sa paligid niya bago niya akong... sinampal!
"Aray! Bakit mo ginawa 'yon?!" Napasigaw ako sa ginawa niya.
"Halika ka dito, papatunayan 'ko talaga sa'yo na mabait ako!" Sigaw niya. Hinila niya ang buhok 'ko pababa ng hagdan! Marami ng estudyante ang nagsilapitan sa amin. Letse kayo, hindi niyo pa tutulungan. -_-
"Araay! Bwisit ka!" Pagsisigaw 'ko. Ngayon sabunutan na naman. "Ano ba! Tigilan mo nga ako! Ba't mo ako sinasaktan?!" Sigaw 'ko. Ako na naman ang nang bawi. Sinabunutan 'ko na naman siya at hinila pa ang kanyang buhok at mahaba niyang bangs!
"Aray 'ko ang sakit!" Siya naman ang sumigaw. Hinila niya na naman ang buhok 'ko. Pero hindi ako nagpatalo, sinampal 'ko na siya ng deretso!
"How dare you!" Sigaw niya dahil sa sakit na sampal na ginawa 'ko sa kanya. Hinawakan niya pa ang kaliwa niyang pisngi kung saan banda 'ko siya sinampal.
Sasabunutan 'ko pa sana siya nang may isang lalaki na pumigil sa'kin. "Tama na!" Sigaw niya. Inawatan niya pa ako. Humarap ako sa kanya. "Tama na..." Dagdag niya pa. Si Kevin ang umawat sa akin, paawat na lang ako tutal, gwapo naman si fafa Kevz 'ko, e. Maka-fafa, ha, wagas. Hehe.
Medyo nag blush ako. Kinikilig yata ako.Wait, nakakahiya. Binitiwan niya ako. May nakita naman akong lalaking lumapit sa akin, si Drake. "Ba't mo ginawa 'yun?" Tanong niya agad sa akin. Omaygad, ito ba ang nakikita 'ko sa mga pelikula 2 in 1? Mukhang na-iinggit si Ms. Yeywo sa akin. Hihi.
"Siya ang nang una, e," Sagot 'ko kay Drake.
"Galing mo 'dun, ha?" Napaharap ako sa proud na sinabi ni Kevz.
"Ako pa, hindi mag papatalo..." Ngiting-ngiti 'ko pang binanggit.
Mukhang napanganga si Ms. Yeywo.
BINABASA MO ANG
The Breakup Mission
Roman pour AdolescentsNagsimula ang lahat nang dahil sa maling pagturo ni Kevin sa isang babaeng hindi kilala upang maniwala ang kanyang fans na may girlfriend na nga siya at hindi na sila magkakagulo sa kanya. His friends found out na peke ang kanilang relasyon at may...