Special Chapter
Ten Years Before...
Habang naglalaro kami ng mga classmates ko sa garden, bigla na lang ako tinulak ng isang lalaking hindi ko kilala kaya natumba ako. Tuwing nakikita ko ang mukha nito, parang sasabog na ang ulo ko dahil galit na galit ako sa kanya.
Tumawa siya habang tinuturo ako. "Pauma, lampa! Pauma, lampa!"
Inirapan ko na lamg siya. "Kevin, shunga! Kevin, shunga!"
"Hoy, hindi kaya ako shunga katulad mong panget ka! Ang panget mo naman at lampa pa! Dapat ka nang itapon sa basura!"
Wala na lang akong nagawa kung 'di ay umiyak na lang. "Isusumbong kita sa principal! Bakla! Bakla! Bakla!" Tumayo naman ako saka tumakbo palayo sa kanya.
Hindi man lang ako hinabol ng mga kalaro ko. Hinayaan lang ako nilang tumakbo na umiiyak.
Kinabukasan naman. Habang kumakain ako no'ng lunch time, bigla na lang ako nakaramdam ng tubig na bumuhos sa ulo ko. Nakarinig na lang ako ng malakas na halakhak sa aking likod at humarap sa kanila.
"Mga walang hiya!" sigaw ko sa kanila pati na 'rin sa lider nilang si Kevin.
"Iiyak na 'yan! Iiyak na 'yan!" pang-aasar nila sa akin.
Tumayo naman ako at kinuha ko ang lunch box ko na may lamang kanin at ulam at itinapon iyon sa kanila. Tumakbo naman ako ng papalayo sa kanila para hindi nila ako mahabol.
Ilang oras ang makalipas ay nagsimula na ang subjects namin sa hapon. Na-iihi na ako kaya itinaas ko ang aking kamay upang maagaw ko ang atensuon ng guro.
"Teacher, may I go to the CR?" Pinayagan naman ako ng guro kaya lumabas ako ng classroom at tumungo sa sa CR.
Hindi ko alam sa mga oras na iyon ay sinusundan pala ako nina Kevin and his friends. Kaya laking gulat ko nang may nakita ang paa sa ibaba ng pinto ng cubicle kaya sumigaw ako ng sobrang lakas.
"AAAAAHHHHH! MULTO!" Sinuot ko agad ang panty ko at ang shorts ko saka binuksan ang pinto ng cubicle kaya nakita kong natamaan si Kevin at natumba.
"Aray... Ang ulo ko..." Hinawakan niya naman ang sa bang noo niya at hinimas-himas.
Lumuhod naman ako sa harap niya. "Naku, Kevin. Sorry. Hindi ko sinasadya. Dadalhin na lang kita sa clinic." sabi ko na may paalala voice pa.
Kaya ayun, dinala namin siya sa clinic at ginamon ang ulo niyang matigas. Paano naman kasi, may balak pa akong takutin ng baliw na 'to.
"Inumin mo 'yan. Paracetamol." binigay ko naman sa kanya ang gamot na kinuha ko lang kanina sa jar na walang paalam sa nurse.
Kinuha naman ito ni Kevin at binigyan ko siya ng tubig at ininom ito. Kahit kailan talaga, uto-uto 'tong si Kevin. Walang alam sa gamot. Charot lang. Tinapon niya kaya ang gamot sa akin.
"Baliw ka ba? Ano ako? May sakit?" sigaw niya.
"E, 'di ito ang inumin mo." Binigay ko naman sa kanya ang Ethyl Alcohol.
Binagsak niya naman ito sa sahig. "E, wala ka palang alam sa mga gamot, e."
"Excuse me, marami kaya akong alam na gamot. Katulad ng paracetamol, bio flu, lagundi, at phenylephrine."
"Spell mo nga ang phenylephrine?"
"Joke lang. Bio flu lang ang alam ko na gamot." sagot ko.
~
Ten Years Later...
"Kahit kailan talaga, Pauma. Ang shunga mo noon." sabi sa akin ni Kevin sabay kurot sa pisngi ko.
"Ikaw 'din." kinurot ko 'rin ang pisngi niya.
"Mommy, may kalaro po ako do'n sa duyan. Tinutulak-tulak niya po ako kaya masaya po kaming dalawa." nakangiting banggit ng anak kong si Triston habang naka-upo kami sa isang tela dahil nagpi-picnic kami sa park at lumapit siya sa akin.
"Talaga? Asan ba siya? Gusto ko siyang makita." ngumiti 'rin ako.
"Nang do'n po siya, o." Tinuro niya naman ang batang babae na nakaupo sa isang duyan.
Lumapit naman ako sa babaeng tinuro niya. "Hello, what's your name, little girl?"
"My name is Maria and I'm a good girl." ngumiti siya sa akin ng creepy.
Tangina. Ano 'to? Maria Leonora Theresa? Horror lang? Ano bang pumasok sa utak ni Author?
Bigla namang lumapit ang lalaki sa bata, anak niya ito yata. "Keira, kanina pa kita hinahanap. Sa'n ka ba nagpunta, nag-alala tuloy kami sa 'yo ng Mommy mo." sabi niya sa bata.
"I'm sorry, Daddy." Niyakap niya naman ang ama niya.
Humarap naman sa akin ang ama ng bata. "Pauma?"
"Drake?" nagtatakang untag ko.
"Kamusta ka na, Pauma?"
"Okay lang naman ako. May anak ka na pala?"
"Oo. Heto nga pala ang asawa ko, si Sandra." Pinakilala niya naman sa akin si Sandra--- ang bestfriend ko dati.
"SANDRA!" Natutuwa ako nang makita ko siya at agad ko siyang niyakap.
"I miss you, friend." sabi ko.
"I miss you too..." Humiwalay naan siya sa pagyakap niya sa akin. "So kamusta na kayong dalawa ni Kevin?"
"Heto, masaya ako na nasa piling ko siya. May anak na kami at kasal na kami." sagot ko.
Lumapit naman sa akin si Kevin. "O, Drake." Nakipag-hand shake pa siya kay Drake.
"Okay lang ako. Congrats pala, p're dahil kasal na pala kayo ni Pauma." sagot 'din ni Drake kay Kevin.
Tinitigan lang ako ng anak ni Drake ng masama. Hindi ko alam kung bakit. Nakakakilabot.
Peste kang bata ka? Ano, may balak ka sa akin?
BINABASA MO ANG
The Breakup Mission
Novela JuvenilNagsimula ang lahat nang dahil sa maling pagturo ni Kevin sa isang babaeng hindi kilala upang maniwala ang kanyang fans na may girlfriend na nga siya at hindi na sila magkakagulo sa kanya. His friends found out na peke ang kanilang relasyon at may...
