TBM 35
Kevin's POV
Mas lalong hindi makapaniwala sina Inay, Itay at Joshua sa kinuwento namin ni Pauma tungkol kay Eumi Yeawhu. Agad naman itong naglakat sa buong lugar sa loob ng limang araw. Oo, limang araw na ang makalipas nang ma-ikuwento ko kay Inay, Itay at Joshua ang nangyari."Inay, move-on na. Tapos na 'yung kuwento. Huwag mo nang i-flashback." pang-aasar ni Pauma habang naglalagay ng pagkain sa itaas ng lamesa.
"Hindi pa 'rin kasi ako maka-get over sa sinabi niyo sa amin. Hindi talaga ako makapaniwala na bakla pala si Eumi." sagot ni Inay habang nagluluto.
Nag kakape lang ako kasama si Itay at nakikinig lang sa pinag-uusapan nila. Si Joshua naman, maagang gumising upang pumunta ng simbahan. Nagpaparipari-an na naman ang bunso ni Pauma.
"Inay, kahit naman ako hindi 'rin makapaniwala sa aking narinig mula sa bibig ng kanyang Itay." banggit ni Pauma.
"Paano ba siya nagkaroon ng buhok, anak?" untag ni Itay kay Pauma.
"Syempre, 'tay. Tumubo 'yung buhok sa ulo niya. Obvious naman po, 'di ba?" natatawang sagot ni Pauma.
"Bib, wig ang iyahang gigamit." sagot naman ni Inay.
"Oo, 'tay. Wig po ang kanyang ginamit." sagot 'rin ni Pauma na kanina'y natatawa at ngayon naman ay naging seryoso.
"O, kumain na kayo." nilagay naman ni Inay ang kanyang nilutong sinigang na baboy sa lamesa.
Nilapag ko naman ang kape ko sa gilid ng aking pinggan at kumuha na 'rin ng kanin at sabaw.
Biglang pumasok sa kusina si Joshua na may suot na pang-pari at hingal ng hingal. "ATE! ATE!" huminga muna siya ng malalim bago ituloy ang sasabihin.
"Bakit, Joshua? Bakit ka ba napapagod? Tumakbo ka lang naman, ah?" pagtatakang untag ni Pauma.
"M-MAY..." hingal pa 'rin siya ng hingal. "MAY S-SINGING CONTEST SA BARYO!"
"Saan mo naman nalaman ang balitang iyan, Joshua?" untag ni Inay.
"Heto po." binigay niya naman ang poster sa kanyang Inay at ipinasa naman ito kay Itay at ipinasa kay Pauma at pinasa sa akin.
Nakasulat naman sa poster ang... 'Search for good voice. Maybe you have a voice!'
Syempre lahat naman tayo ay may boses. "Ako na lang kaya ang sasali?" untag ko.
"Kevin, hindi masyadong maganda ang boses mo kaya 'wag kang assuming na sasabihin ko sa 'yo na sobrang ganda ng boses mo. Inaamin ko, ang pangit talaga ng boses mo kahit n'ong kumanta ka sa akin sa loob ng classroom." sagot ni Pauma.
Lumapit naman sa 'kin si Joshua na hingal na hingal at hawak-hawak pa ang tuhod nito. "Ma-prangka si ate. Ouch..." pang-aasar niya sa akin na pabulong.
"Maganda naman ang boses ni Pauma." sabi ko naman. "Sige, ikaw na lang ang sasali." pagsasang ayon ko.
"Kailan ba iyang sengeng contest na iyan?" untag ni Itay.
Tiningnan ko muna ang poster bago sumagot. "Sa November 30 raw po." sagot ko.
"Limang araw na lang bago ang contest na iyan. Magpapa-register ka muna Pauma. Sasamahan ka naman ng nobyo mo, e." ani Inay.
Humarap naman sa akin si Pauma. "Oo, Pauma. Sasamahan kita." nakangiti kong sinabi.
Ilang oras ang makalipas. Tulad ng dati ay natapos na namin ang gawaing pambahay. Naligo na ako pati na 'rin si Pauma, huwag niyong isipin na sabay kaming naligo, ha? Haha.
Bago kami pumunta sa baryo ay nagpaalam muna kami kay Inay at Itay. Nang makarating naman kami sa baryo ay nakita komg maraming tao ang nagpipilahan upang maka-register sa Singing Contest. Ha! Siguro matatalbugan ni Pauma ang mga ito pag kumanta na si Pauma siguradong mananalo ang girlfriend ko. Este, ang ibig kong sabihin ay fake girlfriend ko.
Nagsitinginan naman ang mga kalahok sa contest sa akin. Parang may kumikislap sa kanilang mga mata dahil lang nakita ako. Ganyang na ba talaga ako ka-famous? Ang ibang mga bakla naman ay naglalaway at nakalabas pa ang mga dila.
"Ang peymus mo dito, ah? Nakuha ng mukha mo ang atensyon ng mga tao?" natatawang banggit ni Pauma.
"Famous 'yun at hindi peymus. At isa pa, sadyang guwapo lang talaga ako kaya nakukuha ko ang atensyon nila." sagot ko.
"Tse. Perpeksyonis ka pa 'rin talaga hanggang ngayon." umirap naman siya sa akin. Napangiti na lang ako ng matipid.
"Ewan ko sa 'yo, Pauma. Kung ako pa sa 'yo, pipila na ako." banggit ko.
Tumingin muna siya sa kanyang kinatatayuan at napansin na hindi pa pala siya nakapila. Saka siya dumiretso sa pila pero naunahan siya kaya kailangan naming maghintay.
(5:30 P.M. In The Evening.)
Sa sobrang haba ng pila, hapon na itong natapos. Sa sobrang dami kasi ang nakapila sa registration booth, kaya sobrang tumagal. Kanina pa kami nakaupo ni Pauma sa bench at naghihintay. Naglalaro na lang ako ng Clash Of Clans habang nag hihintay na matapos ang pila kaya natapos naman ito after a many hours.
Nakita ko namang tumayo na babae sa regtration booth kaya pinigilan namin siya. "Sandali lang po!" pagpipigil ko. Lumingon naman siya sa akin.
"Tapos na ang audition at puno na ang registration book ko." sagot niya.
Hinila ko naman si Pauma ng patayo at lumapit sa babae. "Pwede pa po bang sumali?" untag ni Pauma. Umiling lang ang babae. "Sige na po?" pagmamaka-awa ni Pauma.
"Sige na nga." agad namang pumayag ang babae. "Kumanta ka nga?"
Kinabahan naman si Pauma sa kanyang kakantahing awit. "Pauma, huwag kang kakabahan sa kakantahin mo." sabi ko kay Pauma.
"Kevin, parang hihimatayin ako, e." sagot naman niya.
"Huwag kang mahihimatay. Sayang 'yung boses mo..." concern ko.
"Charot lang. Haha." nag peace sign pa siya sa akin at humarap na sa babae at sinimulang kumanta.
"♪Kailan? Kailan. Kailan ako mapapansin ng aking piling? Kahit anong gawing pansin 'di mo pinapansin...♪"
"Okay lang naman. Maganda naman ang boses mo pero, may maling lyrics ka lang at kailangan mo itong ma-i-memorize para sa pagkanta mo." pagco-comment ng babae kay Puama. Tumango naman si Pauma. "Tatanggapin kita."
"YES! OH MY GOSH! YES!!" tuwang tuwa siya dahil sa tinggap na siya ng babae sa kanyang pagkanta.
Ang dali-dali namang matanggap ni Pauma. Ano bang klaseng kendi ang nakain nito?

BINABASA MO ANG
The Breakup Mission
Teen FictionNagsimula ang lahat nang dahil sa maling pagturo ni Kevin sa isang babaeng hindi kilala upang maniwala ang kanyang fans na may girlfriend na nga siya at hindi na sila magkakagulo sa kanya. His friends found out na peke ang kanilang relasyon at may...