TBM 7

1.5K 32 0
                                        

TBM 7

Pauma's POV
Kinuha 'ko na towel na nakasabit sa sampayan at pinalupot ito sa katawan 'ko. Sinuot 'ko na ang damit na pinahiram sa'kin ni Kevin at boxers na pinahiram niya 'din sa'kin. Letse, walang panty na binigay. Kinuha 'ko na ang towel sa katawan 'ko nang matapos akong mag bihis.

Lumabas naman ako ng CR. Nakita 'ko na lang na nakatulog na pala si Kevin sa kama na nakangiti. Pinunaspunas 'ko pa ang buhok 'ko bago lumapit sa kanya. Ang cute niya pala pag nakangiti siya, 'noh? Letse ka, Pauma. Ba't mo siya iniisip? Ang landi mo talaga as in forever.

Tinapik-tapik 'ko si Kevin sa dalawang hita niya. "Kevz, gumising ka na," Pag gigising 'ko sa kanya.

Gumising naman siya. "Grabe, ang sarap ng panaginip 'ko. Nang 'dun ka tapos, sabay tayong naligo-" Napatigil siya sa pagsalita nang makita niya ako. Ano bang pinagsasabi nitong mokong 'to?

"Anong sinasabi mo?" Natatawa 'kong tanong.

"Ah, wala. Tapos ka na palang maligo, ako na naman, ha?" Tumayo siya saka kumuha ng damit, shorts at towel sa closet niya. Tapos, dumeretso na siya sa CR.

Umupo na lang ako sa kama niya habang pinupunasan 'ko ang buhok 'ko gamit ang towel. Tapos, pinulupot ko ang towel sa buhok 'ko at hinihintay ko naman itong matuyo.

*BZZZT!*

Nag vibrate yata 'yun phone 'ko. Tumayo ako at kinuha 'ko 'yun bag 'ko na nasa taas ng lamesa niya at kinuha ang phone at sinagot ang tawag.

"Hello po?" Sagot 'ko sa kabilang linya.

"O, anak. Kamusta ka na diyan sa Pilipinas? May pasalubong ako para sa'yo pero hindi 'ko maibibigay sa'yo sa personal. Inaasikaso pa kasi ng Agency ang papeles 'ko pauwi 'diyan," Ang nanay 'ko ang tumawag sa'kin na galing sa Korea na nagtatrabaho 'dun.

"Hello, nay. Kamusta na kayo 'diyan? Sana po na umuwi na kayo dito sa Pilipinas, dahil nami-miss 'ko na po kayo, e." Parang-iiyak na ako sa sinabi 'ko. Kita mo, ngayon 'ko lang nakausap si Nanay for the past ten years. Akala 'ko nga, e na patay na siya. Hindi pa pala. Pinaliwanag sa'kin ng friend 'kong beki kung bakit hindi pa umuuwi 'yun Nanay 'ko, pero mas lalo pa akong nainis sa kanya dahil ang sinabi niya ay...

"Humahanap pa ng lalaki ang Nanay mo sa Korea, friend 'kong gaga. 'Wag kang iiyak dahil pagdating niya dito, share-share na kami ng lalaki gusto mo i-share 'ko pa ang future husband 'ko sa'yo?" Pag-papaliwanag niya sa akin. That moment na tuloy-tuloy na sana ang agos ng luha mo pero biglang nasira ang pakiramdam na 'yun. Imbis na hurt ka na, maiinis ka na lang dahil sa mga kalokohan niya.

"Nak, buhay ka pa ba? Kanina pa ako explain ng explain dito kung bakit na sa Korea pa ako pero hindi ka nakikinig," Bulabog sa'kin ni Nanay. Ang ganda na nga ng naiisip 'ko tapos sisirain lang. Sayang effort ni author.

"Ay, Nay. May i-rerequest na lang ako na pasalubong mo sa'kin," Sabi 'ko sa kabilang linya.

"Ano iyon, nak?"

"Picture mo..." Hindi 'ko na pala namalayan na umiiyak na pala ako. Pupunasan 'ko na sana ang luha 'ko nang biglang may nagsalita sa likod 'ko.

"Sinong kausap mo, Pauma?" Tonong tanong ni Kevin.

"Nak, sino 'yan kausap mo diyan?" Tanong 'din ni Nanay sa kabilang linya. Pwede bang isa-isa muna?

"Nay, si bakla po kausap 'ko," Pagpapalusot 'ko.

"Ay, pwede 'ko ba siyang makausap?" Request ni Nanay.

"Sa susunod na lang po kasi may pupuntahan siyang party," Palusot 'ko ulit. Hindi kasi alam ni Nanay ni pinatira muna ako ni Kevin dito sa condo niya pansamantala kasi tinulungan niya ako kanina. Hirap explain, e.

"Nay, inaasahan 'ko ang pasalubong niyo, ha?" Maiyak-iyak 'kong sinabi.

"Geh, anak. Promise. Bye muna, ha? Tinatawag na ako ng amo 'ko dito," Sabay patay ni nanay ng tawag.

Lumingon naman ako sa likod 'ko at nakitang may towel pa si Kevin sa bewang niya, parang ginawa niyang palda ang towel 'yun ganon? Omaygash! Topless siya! Six pack abs.

O_O

"Ano tutok mo?" Tanong niya sa'kin. Umayos naman ako sa pagtayo.

"Umm... Wala-wala. Saan nga ba ako matutulog?" Pag-iiba 'ko ng topic.

"Sa baba ka, ako naman sa kama. Teka nga pala, ano 'yun?"

"Ang ano?"

"Sino 'yun katawag mo kanina?"

"Si Nanay, bakit?"

"Ba't may sinabi kang bakla?"

"Nag papalusot ako. Pag nalaman niya kasi na may kasama akong lalaki, siguro tatakas 'yun sa amo niya para puntahan ka niya,"

"Ah... Kaya pala,"

Sinimula niya nang sinuot ang damit niya. "Talikod ka," Pag-utos niya sa'kin.

Tumalikod naman ako at pumikit. Siguro maghuhuabad siya tapos, sushotin niya ang kanyang brief pati shorts.

"Tapos na, pwede ka nang humarap," Banggit niya. Humarap naman ako.

"Gutom na ako," Sabay himas 'ko sa tiyan papunta sa kanyang kama.

"Lalabas tayo," Seryoso niyang sinabi.

"Bakit? Saan tayo pupunta?" Tanong 'ko naman.

"Sa retaurant, kakain tayo," Sabi niya.

"Ganito lang ang outfit 'ko?" Sabi turo 'ko sa damit na pinahiram niya sa'kin.

"Hindi naman gaano ka-sosyal na restaurant,"

"Sanay ka na ba na mag outfit ng ganyan sa retaurant?" Tanong 'ko ulit.

"Oo naman," Kinuha niya ang kanyang pitaka at binuksan ang pinto. "Lumabas ka na, ladies first," Sabi niya.

Tumayo naman ako at lumabas, sumunod naman siya sa'kin.

"Saan ba ang restaurant na 'yan?" Tanong 'ko ulit.

"Sa baba lang," Simple niyang sinabi.

Pababa naman kami ngayon sa hagdan at nakita 'ko ang restaurant sa baba.

"P-Parang hotel 'din pala 'to?" Pagtanong 'ko ulit.

"Oo," Sagot niya.

Humanap naman kami ng mauupuan at umupo 'rin. Tapos, may isang waiter ang nag bigay sa amin ng dalawang list ng pagkain.

"S-Sa akin, ano lang corn-beef," Sabi 'ko.

"Yes, Ma'am. What's your order, Sir?" Sabi ng waiter.

"Ramen lang akin," Sabi ni Kevin. Umalis naman 'yun waiter dala-dala ang binigay niya sa'ming dalawang list ng mga pagkain.

"Alam mo, Pauma. Kaya 'ko lahat bayaran kung anong gusto mo basta maniwala lang ang mga fans 'ko na girlfriend kita," Panimulang banggit ni Kevin sa'kin. "Payag ka ba?" Seryoso niyang tanong.

"Oo. Payag ako," Nakayuko 'kong sinabi. Sa totoo lang kinikilig ako.

"Kung maging tayo man..."

Tumingin ako sa kanya ng biglaan.

"Promise, hinding-hindi kita lolokohin..." Kinikilig ako habang sinasabi niya iyon.

Sana hindi na ako magising kung panaginip man ito...

The Breakup MissionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon