TBM 10

1.3K 34 0
                                    

TBM 10

Pauma's POV
Nagkakaguluhan na. Gusto 'kong makita kung sino ang na sa taas ng stage pero ang daming estudyanteng babae ang nagkakaguluhan at nagtitilian.

Di ba, lunch time ngayon? Super late na talaga ako.

"Ladies, kalma lang," Narinig 'ko ang boses na 'yun, si Kevin.

Tinignan 'ko ulit ang poster na binigay sa akin ni Sandra. Binasa 'ko ang nakasulat. May fiance na pala si Kevin? Ba't ngayon 'ko lang nalaman. Letse. Ba't affected ka, Pauma? Temporary girlfriend ka lang naman niya, ah?

Agad akong umalis papuntang classroom dahil sa inis. Tangina, nakaka-bad mood ang nabasa 'kong poster ngayon. Omagash, heto na naman ako, na aapektuhan. Relax, Pauma. Fake GF ka lang niya.

"Pauma!" Narinig ko ang sigaw ni Drake. Sa tingin ko hinahabol niya ako.

Binilisan ko ang paglakad hanggang sa makarating ako sa classroom. Pinuwesto ko naman ang sling bag ko sa upuan ko.

"Pauma, wala ka bang sapatos?" Nagulat ako sa tanong ni Drake. Napansin niya pala na wala akong sapatos, medyas lang ang suot ko ngayon.

"Ang dami-daming pwede pansinin sa akin, ba't sapatos pa ang napansin mo?" Sabay irap ko.

Natawa lang siya. Nakita kong hinubad niya ang kanyang kanang sapatos at inabot niya naman ito sa akin.

"Ano 'to?" Natatakang tanong ko.

"Toothbrush, Pauma. Toothbrush 'yan," Pamilosopo niya. "Geh na, kunin mo na."

"Ayaw 'ko, baka wala kang sapatos mamaya. Baka, tutuksuin ka ng mga classmates mo," Pag-alala ko.

"Sige na, tanggapin mo na." Pamimilit niya. Umiling lang ako. "Uulan mamaya, babaha mamaya sa ground ng buong BF University,"

"Ayaw ko pa 'rin, 'no. Ano ako, uto-uto na uulan mamaya. Kaya ko nama ang sarili ko." Pagmamayabang ko.

"Sige, ha. Siguradong okay ka lang ba na wala kang isang sapatos?"

"Oo, okay lang ako." Sabi ko. Sinuot niya na ang kanyang sapatos at umalis na.

"Bye," Nagpaalam siya.

Ba't ang dami-dami kong problema ngayon? Una, ang sapatos ko. Pangalawa, ang pagiging fake GF ko kay Kevin. Pangatlo, 'yun poster na kumalat sa buong University. 'Yun poster? Ay oo nga pala, 'yun poster. Humanda ka sa'kin Yumi. Kakalbuhin kita pag nakita kitang impakta ka. Letse. Wait, wala naman ako pakialam sa issue na ginagawa niya ngayon. Ay hindi pala alam ng buong University na binabayaran lang pala ako ni Kevin na maging GF niya para mapaniwala ang fans niya.

Lumapit ako sa upuan ko at umupo. Iniisip ang problema ko kay Yumi. Ba't ba affected ako? Bakit may tumatalon sa dibdib ko? Is it my heart na na-iinlove na? Or kinakabahan lang talaga? Char may rhymes.

Kevin's POV
"Ladies, kalma lang," Sigaw ko sa mga nagtitiliang malalalanding mga estudyante. Akala naman nila kung sa kanila talaga itong sapatos na 'to. Kaya ko lang naman 'to ginawa ang program para mahnap lang si Pauma.

"Kevin, hindi sumakto ang sapatos na 'to sa panget na 'to," Sabay turo ni Ced sa panget na babae na nakapila.

"Hoy, excuse me? I'm not panget like you." Sabi niya kay Ced. Humarap naman siya sa'kin "Kevin, please marry me. Gusto ko ibuhos sa'yo ang virginity mo. Please..." Pagmamakaawa niya.

"Landi mo. Umalis ka na nga," Pagtataboy ko sa kanya. Umalis naman siya at ibang customer ko naman ang nagpasukat.

Pinasok niya ang kanyang paa sa sapatos. Sumakto nga! Pero hindi naman siya ang hinahanap ko.

"Wahhhhhh!!! Ay! Sumakto!! Kevin, marry me!!!" Todo sigaw niya. Sinayang niya lang ang kanyang effort sa ka-sisigaw niya. "Omaygad! Sumakto talagaaa!!"

"Tumahimik ka na nga, hindi naman ikaw ang hinahanap ko." Sabi ko. Inirapan niya lang ako at umalis.

"Ipatuloy niyo lang ang pagsukat ng paa nila. Make sure na mahanap niyo si Pauma," Utos ko kanila Ced at Ric.

"Okay. Paano kung hindi siya sumali dito?" Tanong ni Ced. Kahit kailan talaga pinang-uunahan ako ng utak nito, e.

"Basta. Hanapin niyo lang," Bumaba na ako ng stage.

Habang naglakad-lakad sa ground ng University. Naiisip ko ang mga problema. Matagal ko pa matatanggap ang isang milyon. Hindi pa nga naging kami Pauma. Kamusta na kaya si Mommy sa mansyon? Kamusta na kaya ang feelingera kong kapatid? Naghihirap na ba sila? Kamusta ang business nila? Kung pwede lang sana na kunin agad ang isang milyon sa mga barkada ko pero ang problema, may misyon pa ako na dapat tapusin. Patanga-tanga kasi ang babae 'yun. Akala niya siguro, pagkatapos ng pag-iibigan namin hindi kami maghihiwalay. Ang tanga niya. Ano kaya ang magiging reaksyon ng mga fans ko pag naghiwalay na kami? Pero, hindi pa kami. Dapat kailangan ko siyang ligawan para sa isang milyon.

Na-aalala ko pa talaga ang sinabi sa akin ni Daddy noong bata pa ako.

"Ang mga babae ay parang Barbie na pwede mong paglaruan tapos itapon mo pag nagsawa ka na. Pero tandaan mo, Kevin. Ang mga lalaki, hindi naglalaro ng Barbie." Sabi niya sa akin noong sinama niya ako sa America. Naranasan niya 'din daw na paglaruan ang mga babae noon sa bar. Pag na-hohorny siya, dinadala niya ang mga babae na galing sa bar sa kama. Nakabuntis nga siya noon, e. Tumakas siya sa gulong iyon at humanap siya ng bagong babae. Kinuwento ni Mommy at Daddy ang kanilang love story noong bata pa ako. Pero ngayon, ang love story nila ay hindi na pinatuloy, namatay noon ang totoo kong Daddy since I was small. Hindi makatulog si Mommy tuwing gabi kasi umaasa daw siya na dadalawin daw siya ni Daddy. Two years bago humanap ng iba si Mommy. Nakahanap siya ng kanyang partner noong nanirahan kami sa America. So, stepfather ko ang nagtatayo ng business at pinatuloy ang trabaho nito sa America. Pero, nalugi sila at ipapatuloy pa ang business na 'yun sa loob ng five months.

"Walangya ka, Yumi! Bakit mo 'to pinopost sa buong University?" Narinig ko ang sigaw na 'yun, si Pauma.

Tumakbo ako papunta sa classroom nila Pauma. Nagkakaguluhan ang mga estudyante sa pinto ng kanilang classroom.

"Di ba, girlfriend 'yan ni Kevin tapos, fiance niya 'yun isa? Nag-away sila, awkward..." Narinig kong bulungan ng mga estudyante malapit sa pinto.

Pumasok naman ako sa loob ng kanilang classroom at nakikita kong nagsasabunutan sila.

"Ba't mo 'to ginagawa?!" Sigaw ni Yumi. Second battle na nila 'to.

Paano na 'to?

The Breakup MissionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon