TBM 13

944 29 0
                                        

TBM 13

Kevin's POV
"Parang unti-unti mo na siyang minamahal, ha?" Pang-aasar sa akin ni Ced. Nang dito kami ngayon sa tambayan namin sa basement. Nakaupo kami sa sofa habang nag-uusap kaming tatlo. Mabuti na lang, wala 'yun paki-alamerong lalaki na 'yun. Pero thanks to him, ha? Natulungan niya ako.

"Mukhang nagmamadali 'yan puso, ah? Gusto mo agad pa-ibigin si Pauma," Banggit 'rin ni Ric.

Sa totoo lang, na pag planuhan namin 'to ng mga barkada ko.

"Nagmamadali talaga ang aking puso, syempre hindi ko talaga makakalimutan ang isang milyon na ibibigay niyo sa akin. Bakit niyo ba 'to ginagawa sa akin?" Sabi ko.

"Wala kaming trip ni Ric, e. At isa pa, gusto ka lang namin tulungan sa problema niyo ngayon ng parents mo," Explanation ni Ced.

Mukhang gumagana na talaga ang planong 'to. Hindi na kami maghihirap si Mom at Dad pagdating ng panahon. Pero, madali naman mauubos ang isang milyon pag ginastos mo ito sa isang buwan di ba?

"Maraming salamat sa pag tulong niyo sa akin, ha?" Banggit ko sa dalawa kong barkada.

"Ayus lang 'yun, Bro." Banggit ni Ced. Si Ric, nilabas na naman ang iPhone 5s at sinimulang mag basa ng story ni owwSIC sa Wattpad. Hanggang ngayon, hindi pa 'rin pala tapos bumasa ng istoryang 'tong mokong 'to.

"Hindi ba na sisira ang dalawang mata mo sa katutok mo diyan sa iPhone 5s na niregalo ko sa'yo?" Pagpansin ko kay Ric.

"Ako ba kausap mo si Sic?" Banggit ni Ric habang nakatutok pa 'rin sa cellphone niya.

Kinuha ko agad ang cellphone niya at hinagis ito sa pader. Nabasag naman ang cellphone. Tumayo naman ako at tinakpak-tapakan pa ang cellphone niya, na binigay ko.

"WHAT THE FUCK! BA'T MO GINAWA 'YAN SA AKIN, KEVIN?! DON'T YOU KNOW THAT PHONE IS IMPORTANT TO ME?!" Napatayo at napasigaw si Ric.

Kinuha ko naman sa sahig ang basag na iPhone 5s niya at lumapit sa kanya. Pinakita ko pa kung paano ko pinutol ang mahaba niyang phone. Humagulgol lang si Ric at mangiyak-iyak sa pinangagawa ko.

"Sawang-sawa na akong makita kang nakatutok lang sa iPhone 5s na 'yun." Seryoso kong sambit sa kanya.

"Anong pumasok sa utak mo, Kevin?" Napatakang tanong si Ced.

Anong nakain ko? Anong pumasok sa utak ko? Bakit naging affected ang isip ko sa problema?

Tumingin lang sa akin si Ric ng masama habang umiiyak.

"Sorry..." Paumanhin ko sa kanya. "Papalitan ko na lang ng bago ang phone mo. Reregaluhan ulit kita sa birthday mo."

"Talaga?" Sabi niya habang umiiyak ba 'rin.

"Oo. iPhone 5s gold na ang ibibigay ko sa'yo. Hehe. Sorry." Nag peace sign pa ako sa harap niya.

"Promise 'yan, ha?" Sabi niya pa.

"Oo. Promise 'yan."

"Tara na nga, lumabas na tayo." Ani Ced.

Lumabas na kami ng basement. Kahit kailan talaga, parang bata 'tong si Ric. Kung ano 'yun pinaka-importante sa kanya, iniiyakan niya pag ito ay nasira o nawala. Tsk.

Pauma's POV
Habang kumakain kami ni Sandra sa canteen, maraming nakatitig sa akin na ngumingiti. Pinagtsi-tsismisan pa nila ako. Siguro, kinilig 'din ang mga estudyante sa ginawa sa akin ni Kevin.

"Friend, unti-unti ka nang na-iinlove sa Kevin na 'yan, ah? Ang swerte mo talaga diyan sa kanya. Nakajowa mo ang sikat. Matalino na, gwapo pa." Pag-bibiro sa akin ni Sandra saka niya sinubo ang burger na binili niya.

"Pero, friend. May kulang siya..." Sabi ko.

"Ano?"

"Ugali. 'Yun lang naman ang gusto ko sa isang lalaki. Kahit mahirap man siya o hindi kagwapuhan, basta ugali lang at talino ang hinahabol ko sa kanya." Pinatuloy lang kaming kumakain ni Sandra. Ngayon lang kami nag bonding ni Sandra.

May narinig akong yapak ng takong sa aking likuran. Lumingon ako sa likod at nakita si Yumi na tumitig sa akin ng masama.

"Oh my gosh. Dito pala nag re-recess ang isang hampaslupa?" Sarkastiko niyang sinabi sa akin. Tumawa pa siya ng konti. "I hope you like this." Agad niyang kinuha ang juice sa harap ko at binuhos sa'kin.

Ano ba 'tong babaeng 'to, mahilig mambubos ng juice. Gumagawa na naman siya ng iskandalo na ikakagulat lahat ng mga estudyante.

Wala na akong magawa kung 'di ay yumuko lang ako sa kina-uupuan ko.

"Pauma, are you okay?" Nag-alala sa akin si Sandra.

Pinigilan kong umiyak dahil pag umiyak ako ibig-sabihin, affected ako sa ginagawa niya sa akin. Yumuko lang ako at pinilit kong ngumiti saka humarap sa kanya. Hindi gumana ang pag-bubully niya sa akin.

Kinuha ko agad ang juice na hinahawakan niya at binuhos ko naman ito sa kanya. Nagulat siya dahil ginawa ko kung ano ang ginawa niya sa akin. Sinampal ko siya left and right cheeks.

"You should never do that to me, Yumi. Akala mo umipekto ang pambubully mo sa akin? Well, I'm here in front of you and you just waste my juice na iinumin ko sana pero binuhos mo ito sa akin at binubos ko ito sa'yo. I'm not weak like you, Yumi. Nag-iisa ka lang ngayon at ako 'rin, nag-iisa. Ba't hindi ako nagpapatalo?" Seryoso kong sinabi sa kanya.

"Ha! Magpapatalo ka 'rin pag naging maid ka namin sa aming mansyon. Your just pretending that your not affected but deep inside your affected you want to cry. I'm not weak like you too, Ms. Axes. Your just—"

"Tara na, Sandra. Umalis na tayo dito, baka kainin pa tayo ng buhay nitong gagang 'to." Tumayo naman kaming dalawa ni Sandra at iniwan siyang galit.

Lumabas na kami ng canteen at lumalakad papuntang classroom.

"Pauma, okay ka lang ba kanina?" Tanong ni Sandra.

Nagsimula naman akong umiyak. "Kinabahan nga ako sa away, e. Akala ko matatalo na ako. Walang pumasok sa isip ko hanggang sa nagawa ko 'yun sa kanya, ang buhusan 'din siya ng juice." I wipe my tears.

"Sorry kanina, ha? Gindi kita niligtas kasi natatakot ako baka may gawing plano sa akin ang pamilyang Yaewhu."

"Okay lang 'yun. At least lumalaban pa 'rin ako kahit walang lumiligtas sa akin." Bigla akong natawa sa nasabi.

"Hindi ka talaga nagpapatalo kahit kailan. Nakikita ko nga kayong nag-aaway, e. Ginagantihan mo talaga siya." Tumawa ng matipid si Sandra.

"Ako pa, go lang ng go. Hindi nagpapatalo. Aja!" Sabi ko. Tumigil ako sa pag-iyak at tumatawa na kami ngayon ni Sandra.

Hindi ako nagpapatalo sa mga laban. Kaya ko 'to.

The Breakup MissionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon