TBM 22
Pauma's POV
Limang buwan ang makalipas sa pagtatrabaho ko sa mansyon ng mga Yaewhu. Inaapi pa rin ako ni Yumi. Sinasaktan. Pinahihiya sa harap ng maraming tao sa University. Lahat ng mga iyon ay natiis ko. Pinakilala niya pa ako sa harap ng kanyang pamilya at pinahiya dahil kuno sa inagaw ko ang fiance niya. Hindi ako lumaban sa mga pinanggagawa niya sa akin.Dahil ang karma parang sinehan lang 'yan. Pag hindi pa dumating, it's coming soon. Pag dumating na ang pinakahihintay ko, it's now showing.
"Pauma, paglutuan mo ako ng lugaw. Dali." Utos sa akin ni Yumi nang bigla siyang pumasok sa kusina at umupo sa dining table na may hawak-hawak na iPad.
"Pero, Yumi..."
"Ano ba? Mukha ba akong kaibigan mo? Amo mo ako, kaya ang itatawag mo sa akin ay 'Senyorita Yumi.'" Pagrereklamo niya sa akin.
"Pero, Senyorita Yumi. Wala na po tayong dahon ng sibuyas. Naubusan po tayo." Pagrarason ko sa kanya habang nakayuko.
"E, 'di bumili ka. Problema ba iyon?" Mataray niyang sinabi.
"Ikaw talagang babae ka, susunugin ko na talaga 'yang bangs mo, e. Mukha kang kambing..." Pag bubulong ko sa aking sarili habang hinahati sa chopping board ang karne ng manok.
"Senyorita Yumi, may bisita ka..." Pagsisigaw ni Manang habang papasok sa loob ng kusina.
"Sino ba ang bwisitang 'yan?" Na-iiritang sinabi ni Yumi.
"Si Sir Kevin po..." Sagot ni Manang.
Agad namang lumabas si Yumi ng kusina kaya lumabas na 'rin ako at iniwan ang manok na nilalangaw daw kuno. Joke lang. "Manang, ikaw muna ang magluto ng lugaw ni Yumi." Pakiusap ko kay Manang. Tumango na lang siya.
Dumeretso na ako sa sala upang makita si Kevin. Nakaupo lang siya sa sofa na kausap si Yumi. Mukhang ngumingiti siya habang nakikipag-usap sa bruha.
Dahan-dahan naman akong lumapit upang bigyan pansin nina Yumi at Kevin. "Kevin..." Nakangiti kong binanggit sa harap nilang dalawa. Napa-lingon naman sila sa akin.
Napamulagat si Kevin, "Pauma, kasambahay ka ba dito?" untag ni Kevin sa akin.
"Oo..." Tumango ako.
Humarap naman si Kevin kay Yumi. "Ba't ngayon ko lang nalaman 'to?" Untag niya kay Yumi.
Hindi umimik si Yumi na parang walang ka emo-emosyon ang kanyang mukha. Parang kinakabahan yata siya sa kanyang sasabihin. Habang ako naman dito, hindi 'din ako umimik at kinakabahan naman ako sa aking sasabihin.
"Pauma, saan na ba 'yung lugaw ko?" Pag-iiba ng usapan ni Yumi.
"Ay, nang 'dun s-sa kusina. Si Manang na ang nagluto para sa inyo." Sagot ko.
"Well, Kevin. Ano bang pag-uusapan natin dito? Mukhang nasasayang na 'yung oras ko, e." Bumalik sa pagharap si Yumi kay Kevin.
"'Yung pagpunta ko sa America, n-next year." Alanganing sagot ni Kevin.
"At sa kanya mo pa pinaalam, Kevin?" Hindi ko makapaniwalang sinabi. "Sa kanya mo pa pinaalam?"
"Ipapaalam ko naman 'din sa'yo, e. Pumunta ako kanina sa condo niyo. Wala ka 'raw." Paliwanag ni Kevin.
"Kevin, deretsuhang tanong..." Napalunok ako ng aking laway bago ko itutuloy ang aking sasabihin. "Ma-"
"Nang dito na po 'yung lugaw niyo." Binigyan ko ng daan si Manang upang ilapag sa lamesa ang nilutong lugaw.
"Thank you, Manang." Plastik ang ngiti ni Yumi habang nakaharap kay Manang.
"Walang problema, Yumi." Umalis na sa harap nila si Manang at dumeretso sa kusina. Susundan ko sana siya nang biglang nagsalita si Yumi.
"Mabuti pa si Manang, masunurin. Hindi katulad sa iba diyan." May halong pang-aasar ang boses ni Yumi. At 'dun ako tuluyang umalis upang sundan si Manang sa kusina at tutulungan.
Nang makapasok ako sa loob ng kusina, nakita ko si Manang na humuhugas ng plato. "Manang, tulungan ko na kayo." Lumapit ako kay Manang.
"Sige, Pauma. Mag wawalis pa ako dito, e. Gusto ko lang naman makatulong sa mga kasambahay dito kahit mayordoma ako." Inalis ni Manang ang kanyang kamay sa hugasan at nagpaalam na sa akin.
Sinimulan ko namang sinawsaw ang aking kamay sa hugasan at kumuha ng plato. Kinuha ko naman ang sponge at pumatak ng joy dish washer. Na-aalala ko pa ito dati. Ito ang ginagamit kong shampoo noon no'ng na sa condo pa ako kasama ang rich kong friend. Speaking of kabayo, siguro buong gabi 'yun nakasandal sa gilid ng pinto para hintayin ako. Nakaka-miss ang ugali niyang ganon. Ginigising niya ako tuwing umaga para pumunta ng school. Naalala ko pa nga dati na tinutudyo ako ni bakla dahil sa relasyon namin ni Kevin.
"'Yung pagpunta ko sa America, next year."
Busit. Naalala ko na naman ang sinabi ni Kevin kay Yumi kanina. Parang may napapansin na ako kay Yumi at Kevin. May relasyon ba silang dalawa? May tinatago ba silang lihim o sikreto sa akin?
"Aray!" Hindi ko na pala namalayan na kutsilyo na pala ang hinahawakan ko habang nag huhugas ako ng plato.
"Pauma, bakit?" Narinig kong papalapit ang boses ni Manang.
"Wala, Manang. Sugat lang po 'to." Hinawakan ko pa ang hinlalaki ko sa kaliwang kamay ko habang lumalabas ang maliit na dugo.
"Pauma, sa susunod. Mag-ingat ka sa hinahawakan mong bagay. Ayan tuloy, nasugatan ka." Hinawakan ni Manang ang hinlalaki ko at binuhusan niya ito ng tubig. "Parang pag-ibig lang, Pauma. Mag-ingat ka sa bagay na hinahawakan mo at baka masaktan ka pa."
Nagtataka naman ako sa sinabi ni Manang. May koneksyon nga ang sinasabi niya sa akin. But not really. Hindi ko pa naman nasubukang nasaktan sa pag-ibig, e. Napag-kakamalan ko lang naman.
Nang matapos nang hugasan ni Manang ang hinlalaki ko, may binigay siya sa aking payo. "Huwag na huwag mong ibibigay sa iba si Kevin. Nang diyan na 'yan. Itali mo siya sa puso mo upang hindi makawala. At least, nang diyan siya sa puso't isip mo. Hinding-hindi mo siya makakalimutang MAHALIN." Nakangiting sinabi sa akin ni Manang. "O, siya sige. Ako na lang ang mag huhugas diyan. Liligpitin mo na lang ang pinagkainan nilang lugaw 'don sa sala."
Sinunod ko naman ang utos ni Manang. Lumabas ako ng kusina para iligpit ang pinagkaninang lugaw nina Yumi at Kevin. Pero, umalis na pala si Kevin sa sala at nakita ko na lang si Yumi ang lumiligpit sa kanilang pagkainan nila kanina.
"Yumi, ako na ang liligpit." Bigla kong sinabi.
Umangat naman siya. "Mabuti na lang at nang dito ka na. Kanina pa ako nag liligpit dito." Nakataas pa 'yung isa niyang kilay.
"Mabuti nga, e. Na matututo kang lumigpit at hindi lang umasa sa ibang tao." Sabi ko naman.
"Are you telling me na paasa lang ako?" Naging seryoso na 'yung boses ni Yumi.
"Sorry, Senyorita." Simple kong sinabi na walang ka sincere ang aking boses.
Lumapit na ako sa lamesa kung saan nakalapag ang kanilang pinagkainan kanina. Habang si Yumi naman ay nakatayo pa 'rin at tumutingin sa akin na nakataas pa ang kanyang kilay. Kinuha ko naman 'yung dalawang plate bowl at dumeretso sa kusina.
Unti-unti nang nagbabago ang buhay ko.

BINABASA MO ANG
The Breakup Mission
Teen FictionNagsimula ang lahat nang dahil sa maling pagturo ni Kevin sa isang babaeng hindi kilala upang maniwala ang kanyang fans na may girlfriend na nga siya at hindi na sila magkakagulo sa kanya. His friends found out na peke ang kanilang relasyon at may...