TBM 31
Pauma's POV
Kinuha ko ang itak sa loob ng bahay at lumabas dala-dala iyon. Si Kevin naman ay hinahawakan ang kanyang dalawang paa dahil sa pagod niya kanina sa kaka-akyat sa puno ng niyog.Hinati ko naman ang buko at bumuhos ang katas nito at agad kong ibinuhos ito sa pitsel. "Ikaw naman kasi, Kevin, e. Hindi ka nagpapaalam sa amin na kukuha ka pala ng buko. Ba't hindi ka pa kasi kumain kanina? Sayang 'yung biyaya ng Diyos sa atin..." sabi ko at humarap naman kay Kevin.
"Hindi kaya 'yun biyaya ng Diyos at isa pa, kailan pa kayo nagdarasal sa harap ng pagkain sa loob ng isang oras? Kaya tuloy nagsitumpukan ang mga langaw." sagot niya habang minamasahe ang sariling paa.
"Ganun talaga kami dumadasal sa harap ng pagkain kasama ang mga magulang at isang kapatid ko."
"Tapos, naririnig ko pa kanina na nagpapari-parian na naman ang kapatid mo. Ano 'to? Misa?" anito.
"Sige na nga, sasabihin ko sa mga parents ko na... liliitan na namin ang prayer sa harap ng pagkain upang hindi malalangaw ang pagkain." kinuha ko naman ang isang buko at hinati na naman ito at ginawa ulit ang pagsahod kanina.
Pasulyap ang aking pagtingin kay Kevin habang minamasahe nito ang paa. Habang ako naman ang naglalagay ng katas ng niyog sa loob ng pitsel. Hindi na kami muling umimik. Ang tanging naririnig namin ay mga huni ng ibon at tahol ng mga aso sa kabilang bahay.
Nabasag na lang ang katahimikan nang nagsalita ako. "Kevin, tungkol kapahon. Totoo ba 'yung sinasabi mong may nararamdaman ka na sa akin?" patuloy pa 'rin ako sa aking ginagawa.
Napapigil naman sa pagmamasahe si Kevin ng kanyang dalawang paa at humarap sa akin na nakangiti. "Oo. Sa pag papanggap natin nahulog tuloy 'yung loob ko sa 'yo at mukhang nagugustuhan ka na ng puso ko."
"Sige, drama pa..." pang-aasar ko.
Tumawa naman siya ng konti at pagkatapos nun ay may kaunting katahimikan ulit. Nang matapos ako sa pagsasahod ng katas ng niyog ay pumasok ako sa loob ng bahay at lumabas ulit na may dala-dalang dalawang baso at ibinigay ang isang baso kay Kevin. Binuhos ko naman sa kanyang baso ang katas ng niyog na nasa loob nito ng pitsel. Sinimulan na naming inumin ito.
"Alam mo ba na ang tawag nito sa amin?" tanong ko kay Kevin.
"Hindi." matipid niyang sagot.
"Butong ang tawag nito sa amin." banggit ko.
"Butong?" natatawa niyang sinabi. "Ba't butong ang tawag nito sa inyo?" hinawakan niya pa ang balat niyog at hinarap sa akin.
"Butong... Kasi buto na siya. Basta... Ewan ko ba." sabay kamot ko sa ulo.
Napailing na lang na natatawa ng kaunti si Kevin saka ininom ang tubig ng niyog.
~
"'Nay, 'tay, mag-papaalam lang po kami dahil pupunta kami sa mall. Magde-date po kami ni Pauma." sabay akbay ni Kevin sa akin na nagpapaalam kay Inay at Itay. Nagulat na lang ako nang tinawag niya ng ganun sina Inay at Itay. Ambisyosong frog, akala niya mag-asawa kami.
"Saan ba kayo magde-date, ha?" ani Inay.
"Sa Mall po." sagot ni Kevin.
"Mag-iingat kayo, ha?" ani Itay.
Lumapit naman sa akin si bunso. "Ate, bibilhan mo ba ako ng laruang robot?" nakangiti niyang tanong.
Lumuhod naman ako ng dahan-dahan sa harap niya at hinawakan ang dalawang balikat niya. "Hindi muna makakabili ang Ate—"
"Bibili kami ng kahilingan mo." biglang sagot ni Kevin. "Ako na ang bahala sa babayaran."
"E, ang bait pala nitong si Kevin, e." natutuwang banggit ni Itay. "Anak, botong boto na ako sa nobyo mong 'to."
Pagkatapos namin magpaalam ay lumabas na kami ng bahay at pumara ng taxi. Nang makasakay na kami sa loob ng taxi, sinabi naman namin kung saan kami patungo. Ilang oras 'din ay nakababa na kami ng taxi.
Pumasok na kami sa loob ng mall. "Saan tayo?" untag ni Kevin sa akin na nakangiti.
"Siguro manonood na lang muna tayo ng movies tapos maglalaro tayo sa Timezone." sagot ko.
Tumango naman si Kevin at naglakad na kami. Tahimik kaming naglalakad ni Kevin habang hawak-hawak niya ang aking kamay at ako naman ay nakayuko lang. Shet, kinikilig ako. Wait lang, Pauma. Remember, nagkukunwari lang kayo ni Kevin na mag syota lang kayo.
"OUCH!"
Tumingin ako sa babae na nasa gilid ko na may dala-dalang coffee na mukhang nabuhos yata ang laman nito sa kanyang damit. Hindi ko namalayan na nabangga ko siya dahil ako ay nakayuko kanina habang naglalakad.
"Sorry, Miss." paumanhin ko sa kanya.
"Tingnan mo kung ano ang ginawa mo sa'kin!" tinuro niya pa ang kanyang jacket.
"Sorry po talaga, Miss."
"How much money that we can pay for?" untag ni Kevin sa babae. Nagulat naman ako sa kanyang tanong.
"Hindi madaling natatanggal ang kape sa aking jacket kailangan sex— I mean, twenty thousand pesos ang kailangan." sagot niya kay Kevin.
"Kapal talaga ng mukha mo pagdating sa pera." bulong ko sa aking sarili.
"Hi I'm Eumi Yeawhu." pagpapakilala niya sa kanyang sarili sa harap ni Kevin at nakipag shake hands pa ang gaga sa syota ko. Ano daw? Yumi Yeawhu? Tama ba 'yung narinig ko?
"Kapal talaga ng mukha mo para landiin ang syota ko, 'no?" naging seryoso ang aking boses.
Humarap naman sa akin ang gaga na nakataas pa ang isang kilay nito. "Syota mo 'to? Ba't siya gwapo tapos, ikaw naman medyo... maganda?"
"Are you saying na pangit ako?" mukhang sasabog na yata ang ulo ko dahil sa galit ko sa kanya. " Akin na nga 'yan!" inagaw ko sa kanya ang coffee na hawak-hawak nito at itinapon ko ito sa kanyang damit.
"AHHHHH!! OH MY GOD! ANG INIT NG COFFEE!" pagsisigaw niya at mukhang naagaw niya ang atensyon ng mga tao sa kanya.
"Tara na, Kevin. Baka landiin ka pa ng gaga dito." banggit ko kay Kevin at pinatuloy namin ang aming paglalakad.
"HUMANDA KA NOT SO BEAUTIFUL CREATURE!" sigaw niya sa akin.
Umirap na lang ako at pinatuloy namin ang paglalakad namin ni Kevin. Ang harot ng mga babae sa panahon ngayon, but honestly isa na ako 'dun. Haha. Hindi naman ako masyadong maharot, slight lang. Haha.
"Sana hindi mo na lang ginawa iyon sa harap niya." ani Kevin.
"So kinakampihan mo pa siya?"
"Ikaw naman ang dali mong magselos." pinisil pisil niya pa ang aking dalawang pisngi.
"E, ikaw naman kasi, e. Pinapalandi mo pa 'yung babae sa 'yo." pagrereklamo ko.
"Sorry na." may halong sincere ang kanyang boses.
Kung dito sa Davao may Eumi Yeawhu, sa Maynila naman ay may Yumi Yaewhu. Pronounce as E-YUMI YE-WU. Letseng buhay naman 'to, o. Kahit saan talaga sinusundan ka pa 'rin ng pangalan ni Yumi.
Eumi Yeawhu, poor version. Haha.

BINABASA MO ANG
The Breakup Mission
Novela JuvenilNagsimula ang lahat nang dahil sa maling pagturo ni Kevin sa isang babaeng hindi kilala upang maniwala ang kanyang fans na may girlfriend na nga siya at hindi na sila magkakagulo sa kanya. His friends found out na peke ang kanilang relasyon at may...