TBM 39
Pauma's POV
Huwag kayong mga shunga Koya at Ateng, hindi naman ako natamaan ng bala na galing sa baril niya. Inangat niya kaya ang kanyang baril sa itaas at naku, siguro may matatamaan na ligaw na bala mamaya. Charot lang. Actually, tinutok niya ang kanyang baril sa gilid ko kaya hindi ako natamaan."Oh my gosh. Trying hard ang desperada!" pang-aasar ko ulit sa kanya.
"SHUT UP YOU BULLSHIT!" sigaw niya saka binaril ulit ang baril sa gilid ko kaya na po-poker face ako dahil trying hard nga siya.
"Pakshet ka talaga, ano? Trying hard ka. Hindi mo talaga kinaya ang matamaan ako ng baril mo." napa-irap naman ako.
"Ba't ba ganyan ka kung makasalita? Ang manhid mo? Hindi mo ba na fe-feel ang paghihiganti ko?"
"Like 'duh' naman. Syempre, feel na feel ko ang paghihiganti mo. 'Di ba ganyan naman ang mga bida sa istorya 'di ba?" sagot ko.
"SHUT UP!" malakas na sigaw niya sa 'kin.
Napataas naman ako ng kilay. Aba, ako ang bida dito sa istorya na 'to kaya dapat chill lang pag nang diyan ang nga kontrabida. Charot. Dapat nga, e nagpapa-awa-awaan ako ngayon dahil sa mga pinang-gagawa sa akin ni Yumi. Parang hindi ko feel, e. Haha. Joke lang naman 'yung sinabi ko kay Yumi para mapaniwala ang gaga.
"Sige na, pakawalan niyo na iyang hampaslupang iyan." utos ni Yumi sa kasamahan niya. Dahan-dahan namang lumapit sa akin si Yumi habang dahan-dahan 'din ang pagtanggal ng kasamahan niya ang nakatali sa kamay at paa ko. "Basta, maghihiwalay pa 'rin kayo ni Kevin." seryoso niyang sinabi.
Akmang tatakbo na sana ako palabas ng isang hindi ko alam na bahay or something, may huli siyang sinabi. "Huwag ka nang tumawag pa ng mga pulis. Baka mapatay pa kita."
Umirap na lang ako saka lumabas ng pinto. My gosh. Trying hard talaga ang gaga. Papatayin niya 'daw ako? Patayin niya muna ang mukha niyang mukhang kuko. Ang dami kasing nagbago sa mukha niya, e. Kulang na lang ang cutix na pag hindi niya binasa ang instruction nito ay ilalagay niya ito sa kanyang mukha at mag mukha siyang tanga.
Takbo lang ako ng takbo sa daan at mukhang na sa Quezon City na ako. Parang nalibot ko na ang buong lugar. Chos! As if naman kung makakaya kong libutin ang buong Quezon City, ano.
Nakita ko naman ang condo ng friend kong rich kaya agad akong pumasok. Naku, bibili nga lang ako ng tsinelas, umabot pa ako sa Maynila. Ano, babalik ako sa Davao upang bibili naman ako ng tsinelas? Naalala ko tuloy ang kanang sapatos ko, kailan kaya iyon ibabalik ni Kevin sa akin?
Nang makarating ako sa harap ng pinto ng room namin ni kabayo, kumatok naman ako at agad iyon nagbukas.
Gulat na gulat ang kabayo nang makita niya ako. "PAUMAA!" lumapit pa siya sa 'kin at niyakap ng mahigpit. Matapos ay humiwalay siya sa akin sa pagyakap. "O, kamusta na ba kayo ni Kevin? S'an ba siya?" pagtataka niyang untag.
Dahan-dahan akong pumasok sa loob ng may dalang lungkot. "Ayun, na iwan sa Davao. Bibili lang sana ako ng tsinelas nang biglang..."
"Nang biglang?"
Huminga muna ako ng malalim bago itinuloy ang aking sasabihin. "Biglang kinidnap ako ng isang sindikato na may isang Dyosang Despereda ang nag li-lider-lider-an sa kanila."
"Char. Sosyal ang mga sindikato, ah. May Dyosa pa." natatawang banggit ni Jona. Umupo naman siya sa dining chair habang ako naman ay nagtitimpla ng kape sa kusina. "E, sino ba 'yan Dyosang iyan?"
"E, sino pa ba? E, 'di si Yumi, 'yung desperadang gaga at trying hard ang mukhang kuko."
Tawang-tawa si Jona nang sinabi ko ang mga salitang iyon. "Omaygash, friend. I can't believe na tinawag mo siyang desperada at mukhang kuko. HAHA!" mukhang mala-lock ang panga ng kabayo sa sobrang tawa nito.
"At ikaw naman..." lumapit muna ako sa dining table at umupo sa upuan nito habang may dala-dalang kape at ipinatong ito sa itaas ng lamesa bago tuluyang magsalita. "Sa sobrang laki ng bibig mo ay naririnig ni Yumi ang pagtawag mo sa 'kin no'ng binisita ka niya." kinuha ko naman ang kutsara sa baso at tinuro ito sa kanya na nakatitig ng masama.
Napatabon naman siya ng kanyang bibig. "Totoo, friend?" hindi makapaniwalang sinabi nito at tinapik-tapik pa ang bibig. "Sorry, friend, ha?"
"Sa susunod talaga, pepektusan na kita." inangat ko naman ang kutsara sa harap niya. "Pakshet ka talagang kabayo ka."
"Aray naman, friend. Ang sakit ng sinabi mo, ha?" hinawakan niya pa ang kanyang dibdib na kunwari'y nasasaktan.
"Nakaka-inis talaga ang Yumi na 'yun." Binalik ko naman ang kutsara sa loob ng baso na may kape.
"Bakit naman? Ano bang sinabi niya sa 'yo?"
"Maghihiwalay 'daw kami ni Kevin. In her face!" napa-irap na lamang ako. "Trying hard kasi ang gaga." dagdag ko pa.
"Kung ako ang na sa sitwasyon mo, siguro pinatay ko na 'yang Yumi na iyan." wika ni Jona.
Hinigop ko naman ang tinimpla kong kape habang patuloy pa 'rin sa pagsasalita si Jona tungkol kay Yumi Yeawhu na mukhang kuko. Pakshet ka talagang Yumi ka, pinapahirapan mo pa ako. Sinayang mo lang ang effort mo sa pagbabalita mo na nawawala ang fiance mo sa radyo. E, wala namang nakakakilala kay Mister Kevin Lee sa lugar namin. Ang shunga mo 'din talaga, dapat nga iba ang title ng story na 'to, e. Imbis na 'Mission: Break The Idiot's Heart' nagiging 'Mission: Break The Kuko's Heart,' shunga na nga mukhang kuko pa. Ang daming nagbago sa mukha mo, ang tulis ng baba mo na kasing tulis pa sa dulo ng kuko ko. Haha. Mas lalong pantay pa ang bangs mo kaya mukhang kuko ka talaga. Tago lang kami ng tago ni Kevin upang hindi mo kami makita pero nahanap mo naman kami. Ang desperada mo talaga, ano? Gagawin mo lang ang lahat upang makuha mo lang si Kevin. Pa-epal ka pa sa istorya pero lalo namang gumanda. Isa pa, ang baho pa ng pempem mo no'ng una, yuck hindi mo ba 'yan hinuhugasan? Sinabunan man lang? Eww, nakakaderder.
"Hoy, friend!" tinapik-tapik naman ni Jona ang kaliwang balikat ko.
Kaya naman ay nagising ako sa aking pagkatulala at inalis na sa bibig ko ang baso na kanina lang ay may laman pang kape pero ngayon ay ubos na. Ang dali ko talagang maubos ang kape pag ako ang uminom, pero si Jona isang lunok pa lang, umuubo na. Allergy yata ang mga kabayo sa kape.
"Kanina pa kita tinatanong, e hindi ka naman sumasagot." dagdag pa ni Jona.
"Sorry. Ano bang tanong mo?"
"Kayo na ba ni Kevin?" seryosong tanong niya.
Hindi ko pa alam ang sagot. Sarrey.
BINABASA MO ANG
The Breakup Mission
Teen FictionNagsimula ang lahat nang dahil sa maling pagturo ni Kevin sa isang babaeng hindi kilala upang maniwala ang kanyang fans na may girlfriend na nga siya at hindi na sila magkakagulo sa kanya. His friends found out na peke ang kanilang relasyon at may...