TBM 32
Pauma's POV
Alas-diyes ng gabi kami na nakauwi ni Kevin pagkatapos namin manood at maglaro sa Timezone. Nabili na 'rin ni Kevin ang kahilingang laruan ni Joshua.Ilang kilometro pa ang lalakarin namin ni Kevin patungo sa bahay. Hindi na pumasok ang taxi sa loob ng lugar namin, mukhang natatakot siya na pumasok. Ano ito? Baryo? Kailan pa ba naging extra ang tricycle drayber ni Nupper sa istorya niyang 'Baryo' sa istorya ko dito?
Malakas ang ihip ng hangin. Malakas ang mga kiskis ng mga dahon sa puno. May naririnig akong nakikisabay sa aming yapak.
May sumusunod yata sa amin.
"Kevin, may sumusunod yata sa atin." pagbasag ko ng katahimikan.
Lumingon naman si Kevin at napalingon na 'rin ako sa aming likuran. "Wala namang sumusunod, ah?" humarap sa akin si Kevin. "Baka guni-guni mo lang iyon." pinatuloy na ni Kevin ang kanyang paglalakad.
Tumingin muna ako sa aking likuran bago humarap at naglakad. Naririnig ko pa 'rin ang sumasabay na yapak. "Kevin, naririnig mo ba iyon?" mahinang tanong ko kay Kevin.
"Pauma, walang sumusunod sa atin." banggit ni Kevin habang hawak-hawak niya ang aking dalawang kamay na napahinto kami sa paglalakad.
"Seryously?"
Napalingon kami ni Kevin sa aming likuran kung sino ang bumanggit sa salitang iyon. "Ikaw na naman?" gulat na untag ko.
"Yes, it's me. The beautiful me." proud na proud niyang sinabi habang nakangiti.
"Ano bang kailangan mo at bakit mo ba kami sinusundan?" inis na giit ko sa kanya.
"Kaya ko lang kayo sinusundan dahil may tatanungin lang sana ako. Magkano ba 'yang kaibigan mo? Ang sarap niya, e." napakagat naman siya sa kanyang labi.
"Miss, nakita mo na nga na may girlfriend ako dito. Nambabastos ka pa?" ani Kevin. Nagulat ako dahil sa sinabi niya sa Eumi Yeawhu. Kanina ang bait-bait niya, ngayon naman umiba ang kanyang ugali. Ito ba 'yung epekto niya sa pinanood namin sa sinehan kanina?
"Ano ka ba naman... Hindi mo pa nababanggit ang pangalan ko." may halong malanding boses niyang sinabi.
"Ano ba talaga ang kailangan mo sa amin?" pag-iiba ko ng usapan.
"Magkano ba kasi 'yang kaibigan mo?" seryoso niyang tanong.
"Hindi ko siya kaibigan, boyfriend ko siya!"
"Miss, gusto mo pa bang patunayan namin na hindi kami mag kaibigan?" ani Kevin.
"Talagang magkaibigan lang talaga kayo, e. Hindi kayo bagay... Nung nakita ko nga kayong dalawa, e. Na inlove ako agad kay boy." pag-iiba ng usapan ni Eumi.
"Sinong boy? Boy Abunda?" pagtataka kong tanong.
"Gusto mo ba talaga, Miss na papatunayan ko na hindi nga kami magkaibigan?" ani Kevin.
Umirap na lang si Eumi. "Just a waste of time. Ma una na lang ako." bumalik naman siya sa kanyang dinaanan kanina.
"Awooo... May multo diyan..." pagtatakot ko sa kanya. Agad naman siyang sumigaw palabas ng aming lugar. Haha.
Nang makarating kami sa harap ng aming bahay, nakikita ko si Itay na nag kakape, nakita niya naman kami. "O, nang diyan na pala kayo." nakangiti niyang sinabi.
"Mano po, Itay." nag mano naman ako sa kanya.
"Mano po, Itay." akmang mamano na sana si Kevin nang hinila ni Itay ang sariling kamay nito.
"Iho, hindi pa kayo mag-asawa. Haha." nakangiting turan ni Itay.
Jona's POV
Naglilinis ako ng aking kwarto sa condo ngayong umaga nang biglang may kumatok sa pinto ng aking kwarto. Binuksan ko naman ang pinto at bumungad naman sa harapan ko si girl na hindi ko kilala kung sino siya."Sino po ba kayo?" magalang kong untag.
"Ako si Yumi Yaewhu, future fiance ni Kevin na inagaw ng kaibigan mong malandi." sagot niya.
Nanlaki naman ang aking dalawang mata dahil sa kanyang sagot. "Ano po ba ang ipaglilingkod ko sa inyo?"
"Saan na si Pauma? Ba't hindi siya nagpapakita?"
"Ano po ang kasalanan ni Pauma sa inyo?"
"Don't you know it? Hindi ba nasabi ng best friend mong malandi na binuntis ako ng kanyang boyfriend na magiging fiance ko sana?"
Umiling ako. "Hindi." simple kong sagot.
"After two years ay ikakasal na kami ni Kevin, ang future fiance ko dahil pananagutan niya ang aming anak. Binuntis niya ako. At dapat silang maghiwalay ni Pauma." nakataas pa ang kanyang kilay habang nagpapaliwanag siya. "Sabihan mo na ang malandi at maharot mong kaibigan na huwag na siyang dumikit-dikit kay Kevin."
"Aba't bastusan na pala ito, e." mukhang sasabog na ang aking ulo dahil sa mga masasamang salita ang binibitawan niya kay Pauma. "Hoy, excuse me! First of all, hindi maharot at mas lalong HINDI MALANDI ang aking kaibigan! Second of all, sa sobrang landi mo kasi kaya naagaw mo si Kevin kay Pauma o kaya ginayuma mo si Kevin kaya ka pumatol sa kanya! Third of all, ba't hindi mo pinigilan ang sarili mo nung may nangyari sa inyong dalawa ni Kevin? Aminin mo, sarap na sarap ka 'din, 'no?"
"Ang kapal pala ng mukha mo na sinisermunan mo ako?!" sinampal niya naman ako sa kabila kong pisngi.
"Mas makapal ang face mo!" sinuntok ko naman siya sa kabila niyang pisngi.
"AH!" nasaktan siya sa aking ginawa. "Don't you know na ako ang anak ng Mayor dito sa lugar natin?!"
"Nang 'dun sa labas ang pake ko. Kunin mo na lang!" at iyon ang huli kong sinabi saka sinarado ng malakas ang pinto.
Agad ko naman kinuha sa aking bulsa ang Samsung Phone ko at tinawagan agad si Pauma.
"Hello, Jona? O? Napatawag ka?" sagot niya sa kabilang linya.
"Friend, si Y-Yumi Yaewhu pumunta siya sa condo ko at hinahanap ka!" kinakabahan kong sinabi.
"Ha? Anong sinabi mo sa kanya? Sinabi mo ba na nang dito kami sa Davao?"
"Hindi. Hindi ko sinabi na nang diyan kayo ni Kevin sa Davao. Ayaw kong masira ang relasyon niyo!"
"Hindi ko nga alam, Jona kung nagkukunwari pa kami ni Kevin o totoong kami na talaga, e."
"Pauma, ipagpatuloy mo ang nararamdaman mo para kay Kevin. Ikakasal na siya sa ibang babae after two years. Pauma, ipaglaban niyo ang inyong relasyon. Alam kong may nararamdaman na kayo sa isa't-isa."
"Nagka-aminan na nga kami e."
"E, di mas mabuti na nagka-aminan na kayo. Kayo na ba talaga?"
"Hindi pa nga, e."
"Magtago na kayo diyan ni Kevin bago pa kayo mahanap ni Yumi."
"E, Jona. Hindi niya naman alam na nang dito kami sa Davao."
"Malay mo mahahanap niya kayo. Hindi kaya magpapatalo ang gagang 'yun."
"Jona, salamat, ha? Kahit na sali ka na sa problema, tinutulungan mo pa 'rin ako..." pagpapasalamat sa akin Pauma.
"Geh maglilinis na ako, ha? Bye." pinutol ko na ang tawag. Hindi ko alam kung ipagpapatuloy ko pa ba ang paglilinis ko. Kinakabahan na ako, e. Paano kung makukulong ako? Paano kung paparusahan ako ni Yumi?
My gosh.

BINABASA MO ANG
The Breakup Mission
Teen FictionNagsimula ang lahat nang dahil sa maling pagturo ni Kevin sa isang babaeng hindi kilala upang maniwala ang kanyang fans na may girlfriend na nga siya at hindi na sila magkakagulo sa kanya. His friends found out na peke ang kanilang relasyon at may...