PROLOGUE

136 4 0
                                    

LONDON

     "F*CK THAT MARRIAGE! She's still studying! Are they going to ruin my sister's life?!" -galit na sigaw ni Shanaia nang makarating sa kaniya ang balita na ipapakasal ng kaniyang mga magulang ang nag iisang kapatid na si Shally.

      "After pa naman daw po maka-graduate ni Shally sa college tsaka gaganapin ang kasal." -sabi ni Arie, ang pinaka tapat at pinagkaka-tiwalaan niyang tauhan.

     "I don't care. Hindi pa rin ako papayag sa gusto nila. Buti sana kung mahal ng kapatid ko ang mapapangasawa niya kaso hindi eh. It's just a fixed marriage which means, hindi nila mahal ang isa't isa. Or worst, baka hindi pa magka-kilala." -sabi ni Shanaia at nag dial ng number sa kaniyang phone. Isang ring lang ay nasagot agad ito.

     (Hey, baby! Napatawag ka?) -bungad ni Clayton mula sa kabilang linya.

     "Ready yourself, also your private plane. I need you."

     (And where are we going?)

     "Philippines."

•on the other hand•
AT THE PHILIPPINES

     Prenteng-prente ang pagkaka-upo ni Ethan sa kama niya habang ini-stalk si Shally sa instagram nang bumukas ang pinto ng kaniyang kuwarto.

     "Hi, son. May ginagawa ka ba?" -tanong ng mommy niya habang papalapit sa kaniya.

     "What brings you here, mom?" -deretso niyang tanong dito. Ngumiti sa kaniya ng malapad ang ina at ini-abot ang isang paper bag na bitbit nito pag-pasok sa kaniyang kuwarto. I wonder what it is.

     "Nakalimutan mo na ba ha, Ethan? Ngayon ang punta natin sa mansiyon ng mga Villafuerte para pag-usapan ang kasal niyo ng anak nila. That's why, binilhan kita ng suit." -sagot ng mommy niya. Tiningnan niya pa ang laman ng paper bag kung suit nga ba o nagsisinungaling lang ang ina.

     "Bakit niyo pa ako binilhan? I have lots of suit in my closet. At karamihan sa mga yon ay bago pa."

     "Wag ka na ngang ma-reklamo. Mas mabuti pa, kumilos ka na diyan because I'll just give you 30 minutes to get ready." -sabi ng mommy niya at iniwan na siya sa kuwarto. Napa-buntong hininga pa siya bago tumayo at inihagis sa kama ang cellphone.

     Iniwan niya lang ang paper bag sa ibabaw ng kama at walang ganang pumasok sa CR para maligo. 30 minutes lang ang binigay na oras sa kaniya ng kaniyang ina kaya deretso shower na siya at hindi na nagbabad sa bathtub. Pag nagbigay ng oras ang ina niya, hindi siya dapat lumagpas don ng mahigit sampung minuto dahil kahit hindi pa siya tapos mag-ayos o maligo, palalabasin na siya nito sa kuwarto. Hindi alintana ni Ethan ang malamig na tubig na nanggagaling sa shower at umaagos sa kaniyang katawan. He did his shower routine and it takes 15 minutes hanggang sa matapos siya. Suot ang itim na bathrobe ay lumabas siya ng CR at kinuha sa ibabaw ng kama ang suit bago pumasok sa walk-in closet para mag bihis.

     Lagpas na ba ako ng 30 minutes? Tanong niya sa sarili dahil tumagal siya sa pamimili ng neck tie na babagay sa suit. Nang ma-satisfy na siya sa kaniyang ayos ay lumabas na siya ng kuwarto.

Villafuerte Series #1: Melting Her Frozen HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon