CHAPTER 57

22 0 0
                                    

Araw ng Miyerkules nang ma-discharge ako. At dahil weekday, sina Ethan, tito Christian, Jhade at si mommy ang kasama kong umalis ng hospital at umuwi sa bahay. Si Shally ay may pasok habang sina Yuri naman ay may trabaho. Pero nagtext naman sila at humingi ng paumanhin kahit ayos lang naman. Hindi naman sila obligadong pumunta dito.

“Hindi ka ba papasok sa kompaniya?” -tanong ko kay Ethan habang inaayos niya ang mga gamit na dinala sa hospital.

“Kalalabas mo lang ng hospital. Ayokong iwanan ka agad dito sa bahay nang mag-isa.” -sagot niya.

“Kailan ka papasok sa trabaho kung gan'on?”

“The day after tomorrow.” -pagkasabi niyon ay tumingin siya sakin bago tumayo at nilapitan ako. “Gusto mo bang i-extend ko ang leave ko?” -tanong niya bago naupo sa tabi ko.

Umiling naman ako. “Masyado nang mahaba ang naging leave mo. I'm sure tambak ka na ng gawain sa company. At isa pa, baka magalit na ang daddy mo.” -sabi ko.

Hinawakan niya ang aking kamay bago ngumiti sakin. “Wag mo nang alalahanin pa 'yon. Ako na rin ang bahala kay dad.”

“If you say so.” -tanging sambit ko bago isinampa ang paa sa kama at sumandal sa head board nito.

Kinumutan naman ni Ethan ang kalahati ng aking katawan. “Kuha ako ng grapes, gusto mo?” -tanong niya.

“Yes, please~!” -sagot ko na bahagya niyang tinawanan. Hinalikan niya muna ang aking noo bago lumabas na ng kuwarto.

Habang hinihintay na makabalik si Ethan ay kinuha ko muna ang aking cellphone sa night stand para pagka-abalahan. At habang nagi-scroll sa aking cellphone ay may kumatok sa pinto. “Bukas 'yan!” -sabi ko.

Nakaharap lang ako sa phone kahit nang bumukas ang pinto pero agad ding napa-angat ang aking tingin nang mapagtantong hindi lang isa kundi tatalo ang pumasok.

“Magpapa-alam na sana kami.” -sambit ni Jhade bago lumapit sa aking puwesto at naupo sa gilid ng kama. “Ayoko na ulit maka-recieve ng tawag na nasa hospital ka ah! Kaya lagi kang mag-iingat...kayo ni baby.” -sabi niya.

“Salamat!” -aniya ko bago siya niyakap.

Segundo ang itinagal no'n at pagkatapos ay si tito naman ang lumapit sakin. “Wag matigas ang ulo ah! Kapag may gusto kang puntahan at wala ang asawa mo, tawagan mo ang isa samin para may kasama ka.” -paalala niya rin. Nakangiti naman akong tumango. “Kapag pinabayaan ka ng asawa mo, tawagan mo ako agad. Ipapakulong ko talaga siya o kaya ipapa-salvage!”

“Grabe ka naman, tito! Salvage talaga!?” -natatawa kong sambit dahil alam ko namang nagbibiro lang siya.

“O sige! Ipapakulong ko na lang siya.” -sabi niya na pareho naming ikinatawa.

“Pero sa tingin ko, hindi mo siya maipapakulong...” -naalala ko ang araw na pinaalam ko kay Ethan na buntis ako. At ang mga sumunod pang araw. “...Sobra-sobra ang pag-aalaga niya sakin at sa anak namin. He's a good husband, tito. And I know that he'll be a good father also.” -buong puso at sinsero kong sambit.

“Mahal mo na?”

“Papunta na d'on... Malapit na.”

“Masaya ako para sayo.” -nagyakap kami ni tito at bago siya tumayo ay nagpasalamat din ako sa kaniya.

At panghuli, si mommy.

Huminga siya ng malalim bago tipid na ngumiti sakin. “Hindi ko alam kung ano pa ang paalalang ibibigay ko sayo. Parang nasabi na nina Elaina at Christian eh.” -sandali siyang yumuko. “Masaya akong nakalabas ka na ng hospital. Masaya akong maayos na ang lagay niyong dalawa ng ap——anak mo.” -sabi niya.

Villafuerte Series #1: Melting Her Frozen HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon