CHAPTER 45

25 0 0
                                    

Katulad ng gusto kong mangyari, ginawa ko ang aking mga gawaing natambak. Mula umaga hanggang gabi ay nasa opisina ako para matapos din ito agad. Si Ethan naman ay nasa upuan pa rin ng CEO dahil malilipat lang siya dito sa posisyon ko kapag tuluyan na akong nag quit. At si Mr. Parker, hindi ko pa siya nakikita ulit mula nang araw na magka-sagutan kami sa labas ng CEO office. Nagpapasalamat nga ako na walang empleyadong nakakita sa tagpong iyon. Dahil kung nagkataon, magiging usapan 'yon dito sa buong kompaniya.

Ng mga sumunod na araw ay naging busy kaming pareho ni Ethan dahil pareho lang naman kaming hindi nakapasok ng ilang araw. Ganon pa man, hindi pa rin niya nakakaligtaan na dalhan ako ng lunch katulad ng ginagawa niya noon. Ang pinagkaiba lang ay para sa aming pareho na ang dinadala niyang pagkain at magkasabay kaming nakain sa opisina ko. Hindi na kami makapunta sa cafeteria dahil nga sa trabaho. Kaya hindi ko na nakakasama pa sina Yuri.

And speaking of him, siya na ang secretary ngayon ng CEO. Si Ethan lang muna ang pinagsisilbihan niya ngayon at after lang ng ilang araw, si Mr. Parker na talaga ang boss niya.

At ngayong araw ng Linggo, January 08, after three days of busy working, this will going to be my last day in the company as the CFO.

“Perfect!” -I exclaimed when I look at myself in the mirror. I'm wearing an all black outfit. From my heels, formal attire, hand bag, accesories to my make-up. Even my nail polish is black. I smiled once again at my reflection before turning my back on the mirror. Lumabas na ako ng kuwarto at bumaba sa sala kung saan naghihintay si Ethan.

Shock was evident on Ethan's face when he saw me. Well, I have already expected that. Nakita na kasi niya akong nagsuot ng all black before pero ngayon niya lang ako nakitang naka-make up na black.

“How do I look?” -tanong ko sa kaniya.

Napa-kurap kurap siya ng mata na tila ba n'on lang natauhan. “You look like~...” -napataas ako ng isang kilay nang bitinin niya ang kaniyang sinasabi. Pagka-kuwan ay ngumiti sakin. “You look like the mother of my future children!” -malawak ang pagkaka-ngiti niyang sabi.

I stilled after he said that statement. I am look like the mother of his future children? Does it mean that he wants to build a family with me? With that thought, I felt my heart started beating fast. It throbs not because of pain...but because of happiness. And now, I am 100% sure...that this happiness...it is true. It is genuine.

“Luma na yang pick-up line na yan!” -sabi ko bago siya tinalikuran at naunang naglakad. Tsaka ko lamang pinakawalan ang aking ngiti. Gosh! Feeling ko namumula ako!

“Oo, luma na 'yon. But it's not just a pick-up line, hon. Because I meant it.” -napatigil ako sa paglalakad at napalingon sa kaniya. “Kung yung ibang lalaki nagsasabi lang ng pick-up line sa kanilang partner para pakiligin ito, puwes ako hindi. Because I meant it... I want it... I want you to be the mother of my future children. Then, we will build a big happy family.” -nakangiti niyang sambit.

Wala akong nasabi at napatitig na lang sa kaniya. Iniisip ko lang 'yon kanina eh! Tapos ngayon sinasabi na niya ng harapan. I don't know how to react. Ang bilis ng tibok ng puso ko. And I know I'm happy. I just don't know how to show it. May gusto akong gawin pero hindi ko alam kung ano ba 'yon.

“Tara na. Baka ma-late na tayo.” -tanging mga salita na lumabas sa aking bibig bago ko siya muling tinalikuran at nagpatuloy sa paglalakad. Katulad kanina, palihim na naman akong napa-ngiti. Nakakainis lang dahil hindi ko iyon maipakita sa kaniya.

“Gusto kong isipin na kinilig ka sa sinabi ko pero dahil ikaw si Shanaia, hindi ko na itinuloy.” -natatawa niyang sambit na inismiran ko lang. Binuksan ko na ang aking kotse at pasakay na sana sa driver seat nang muli siyang magsalita. “May isa pa akong sagot sa tanong mo kanina.” -sabi niya at ngumiti sakin. “How do you look?..... You look so gorgeous, hon. Ang ganda-ganda mo.” -dagdag niya pa.

Villafuerte Series #1: Melting Her Frozen HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon