CHAPTER 48

19 0 0
                                    

[WARNING: Slight SPG]

“What are you doing here?” -walang emosyon kong tanong kay Mrs. Parker nang maabutan ko siyang nakatayo sa harapan ng pinto ng bahay.

“Is that how you welcome your mother-in-law, Shanaia? Hindi mo man lang ba muna ako papapasukin?” -sarkastiko niyang tanong.

Tiningnan ko lang siya at tinungo ang pinto para buksan ito bago dere-deretsong pumasok sa loob nang hindi siya nililingon. Naupo ako sa pang-isahang sofa at saka ko lamang siya tiningnan.

Nawala ang pagiging sarkastiko niya at masama akong tiningnan. “Have a seat, mother-in-law.” -sabi ko bago ngumiti sa kaniya. Hindi lang ikaw ang puwedeng maging sarcastic!

Huminga siya ng malalim na para bang nagtitimpi sakin bago naglakad palapit sa sofa at naupo. “Usually, kapag may bisita, inaalok sila ng inumin.” -sambit niya.

“Ayokong mang-alok. Tinatamad akong pumunta sa kusina. If you want, alukin mo ang sarili mo. Tapos punta ka sa kusina, kumuha ka sa ref. Self service sa bahay na ito, mother-in-law.”

Unti-unting nagtagis ang kaniyang panga. “Wala kang galang!” -galit niyang sambit.

“Marunong akong gumalang pero sa piling tao lang. And sorry to say dahil hindi ka kabilang sa mga taong dapat kong igalang...” -I trailed off. “...Kaya sabihin mo na kung anong ipinunta mo dito dahil maglilinis pa ako ng bahay.”

Ilang segundo bago siya nagsalita at tila ba pinakalma muna ang sarili.  “I'm taking back the 10% shares you have. Give it back. It's not yours’, anyway” -seryoso niyang sabi habang deretsong nakatingin sakin.

“As far as I can remember, your husband told me that Ethan's wife will aqcuire 10% shares in E&G as stated in his father's last will and testament. And I'm Ethan's wife. So, it's mine...” -walang emosyon kong sambit. “And I won't give it back to you.” -dagdag ko pa.

Sumama ang ekspresyon ng kaniyang mukha at alam kong dahil 'yon sa hindi niya nagustuhan ang sinabi ko. But I don't care! Wala naman talaga akong balak na ibalik sa kanila ang shares na 'yon eh! Binigay na nila sakin...Wala nang bawian.

“Ano bang silbe ng shares na 'yon sayo?! Bakit ayaw mong ibalik? May kompaniya ka na naman, hindi ba!” -napataas ako ng isang kilay sa kaniyang sinabi. Nagpapanggap ba siyang walang alam? Hindi kasi kapani-paniwala.

Alam kong alam niya na ang tungkol sa kompaniya ko sa London. Imposibleng hindi 'yon sinabi sa kaniya ng asawa niya. Pero kung iyan ang gusto niya—ang magpanggap—eh di pagbigyan. “Yeah! I have my own company. Pero nasa ibang bansa naman kasi 'yon. Kaya hindi ko na ibabalik pa ang shares ko. At malay mo someday, I can use that to have my own company here in the Philippines.” -nakangisi kong sambit.

Ang masamang ekspresyon sa kaniyang mukha kanina ay napalitan ng pagtataka na pilit niyang itinatago pero malinaw kong nakikita. See? Kung wala talaga siyang alam sa kompaniya ko, hindi dapat siya magtataka sa aking sinabi.

“What..are you trying to say?” -she asked and I just shrugged my shoulders. “Build your own company if that's what you want. Pero wag kang magkakamaling galawin ang kompaniya ng asawa ko!”

“Bakit? Wala naman akong sinabing ganiyan ah!”

“Wala nga pero iyon ang pinupunto ng sinasabi mo! Kaya binabalaan kita, Shanaia! Huwag ang kompaniya ng asawa ko!” -galit niyang sabi.

“Why so threatened, mother-in-law? Hindi ba nasabi sayo ng asawa mo na kaya ko lang tinanggap ang shares na 'yon at ang posisyon ng CFO ay dahil gusto kong tumulong? That's my only intention. Kahit ngayong share holder na lang ako ay tanging iyon pa rin ang intensiyon ko... Pero kung bibigyan niyo ako ng dahilan, hindi ako magdadalawang isip na kunin ang kompaniya niyo.”

Villafuerte Series #1: Melting Her Frozen HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon