CHAPTER 16

21 0 0
                                    

SHALLY MARIE

Matapos naming ayusin ni ate ang mga gifts sa kasal niya at ubusin ang pagkaing pina-deliver niya ay nag-aya siyang pumunta ng grocery. Ayaw niya naman daw kasing araw-araw magpa-deliver ng pagkain lalo na at marunong naman siyang magluto. Kaya nagpasama siya sakin sa grocery para bumili ng pang isang linggong stock.

Wala ka bang bibilhin na iba bukod diyan sa dalawang snacks na yan?” -tanong ni ate sakin habang naturo dun sa dalawang snacks na inilagay ko sa push cart.

Ngumiti ako kay ate at tumango. “Okay na sakin yan!” -sabi ko at itutulak na sana ulit ang push cart pero hinawakan ako ni atr sa braso.

“Pang midnight snacks mo lang yan mamaya. Kumuha ka pa ng iba.” -sabi ni ate.

“Okay na talaga yan, ate. Wag na nating dagdagan.” -pag tanggi ko.

“Okay, fine. Pero babalik tayo dito bukas para maka-pamili ng mga yan bago kita ihatid sa mansiyon.”

“Ate, hindi! Wag na!” -muli kong pag tanggi kaya ang kaninang seryoso na mukha ni ate ay mas lalong sumeryoso.

Hanggang ngayon ba, pinagbabawalan ka pa rin niya?” -seryoso niyang tanong.

Hindi ako naka-sagot sa tanong ni ate at automatic na napa-yuko. Magmu-mukha kasi akong sumbungera kung sasabihin ko sa kaniya ang totoo pero magsisinungaling naman ako kung sasabihin kong hindi at alam kong hindi ako makakapag-sinungaling kay ate.

Actually, noon pa naman ako pinagbabawalan ni dad. Kaming dalawa ni ate. Mga bata pa lang kami ang dami na niyang pinagbabawal samin, mas madami nga lang sakin. At mas lalong humigpit si dad nang umalis si ate. Para akong naging preso at ang mansiyon ang nagsilbing kulungan ko. Lahat ng kilos ko, napapansin ni dad. Kaya takot na takot akong magkamali. Takot na takot akong may masuway sa mga ipinagbabawal niya. Sa ilang taon na wala si ate, nagmistula akong puppet sa mansiyon. Kontrolado ni dad ang buhay ko. Ang kilos ko. Sunod-sunuran ako sa mga gusto niya.

Napa-angat ako ng tingin nang magsalita si ate. Kunin mo lahat ng gusto mo. Sasamahan kita sa mansiyon bukas. Kakausapin ko na din si dad.” -desididong sambit ni ate at bago pa man ako makapag salita ay itinulak na niya ang isa pang push cart kung saan nakalagay ang mga pang stock niya sa bahay. Hihintayin kita sa counter.” -sabi pa niya bago ako tuluyang iniwan dito.

Bumuntonb hininga na lang ako at kumuha ng mga snacks sa shelf. Magsisinungaling ako kung sasabihin kong napipilitan lang akong kumuha dahil ang totoo, kanina ko pa talaga gustong ilagay sa push cart ang mga snacks na 'to.

Nang ma-satisfied na ako sa aking nakuha, sumunod na ako kay ate sa counter. Sakto namang siya na ang nasa unahan.

Natagalan kami sa counter dahil sa dami ng pinamili namin ni ate. Hindi ko alam kung magkano ang nagastos niya pero sigurado akong malaking halaga ang kaniyang pinag-bayaran.

Inilagay namin sa push cart ang mga paper bags at itinulak muli yon palabas ng grocery hanggang sa parking lot. Pinag-tulungan naman namin ni ate na ilagay ang mga pinamili sa compartment ng kotse at nang matapos ay binalik ang pusch cart sa pinaglalagyan nito kanina.

Pagbalik sa kotse ay sasakay na sana kami nang may tumawag kay ate. “Ate Shanaia?!” -gulat at hindi maka-paniwalang sambit ng babae mula sa gilid namin. I looked at the girl who called my sister and saw that it was Claire. Ikaw nga, ate!” -masaya niyang sambit at niyakap si ate Shanaia. I'm glad you're back! I thought you would never come back.” -may bahid ng lungkot at pangungulila sa bawat salitang binitawan ni Claire. Akala ko din hindi na siya babalik at papa-bantayan na lang ako sa tauhan niya. Now I know na hindi lang pala ako ang naghihintay kay ate. Hindi lang ako ang nakaka-miss ng sobra sa kaniya. At hindi lang ako ang nangungulila.

Villafuerte Series #1: Melting Her Frozen HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon