CHAPTER 11

25 1 0
                                    

SHANAIA ISABELLE

Dalawang araw ang lumipas mula nang huli naming pag-uusap ni Clayton, at kahit isang text o tawag ay wala akong natanggap sa kaniya. Tanging si Arie lang ang tumawag sakin para ipaalam na aalis na sila.

In the past two days, simple lang ang naging routine ko. Sa umaga, ihahatid si Shally sa school. Tapos magkukulong dito sa kuwarto pagbalik at kung may mga tanong man si mom tungkol sa kasal ay agad kong sinasagot para hindi na magtagal ang usapan naming dalawa. Sila ng mommy ni Ethan ang nag aasikaso sa kasal tutal wala rin naman akong balak na asikasuhin yon. Lalo na at hindi lang basta simpleng kasal ang gusto nila. Well, sila naman ang gagastos eh kaya bahala na sila. At sa hapon naman ay susunduin ko si Shally tapos dadaan kami ng mall o kahit saan bago kami dumiretso ng uwi dito sa bahay. Kapag natapos ang kasal, kailangan naming tumira sa iisang bahay ni Ethan at baka minsan minsan ko na lang makasama si Shally. Buti sana kung private ang kasal kado hindi. I'm sure puro business man ang iimbitahan ng mga Parker para mas lalong tumaas ang chance na magkaroon agad sila ng investor. It's a good idea, though.

“Ate, ikaliwa mo diyan.” -sabi ni Shally sakin habang nakaturo sa daan. Agad ko namang sinunod ang sinabi niya at nang matanaw ko ang isang sign board kung saan may nakasulat na MJ Boutique sa isang gusali na medyo may kalakihan ay itinigil ko ang kotse sa parking space katapat lang nito.

Bumaba kami ng kotse ni Shally at hinila niya agad ako papunta sa boutique. Shally, puwede bang magdahan dahan ka naman. Excited na excited ka eh.” -reklamo ko sa kaniya dahil mula pa kanina sa mansiyon ay panay hila na siya sakin.

Hinarap niya ako at pinameywangan. “Ate, kung hindi kita hihilahin baka abutin tayo ng siyam siyam bago makapasok dito sa boutique. Ang bagal bagal mo kaya maglakad.” -sermon naman niya kaya tinaasan ko siya ng isang kilay pero nginitian lang ako.

“Baka nakakalimutan mong may hindi ka pa naipapaliwanag sakin.” -sabi ko at napakamot naman siya sa kaniyang batok. Naalala ko kasi kanina yung tungkol sa pera niya. Nang tanungin ko siya ay wala namang mai-sagot.

“I'll explain later.” -sabi niya at hinila na naman ako papasok sa boutique kaya wala na akong nagawa kundi ang magpa-tangay sa kaniya.

Shally!!” -salubong samin ng isang babae na sa tingin ko ay ka-edad lang ni Shally. Sakto lang ang dating niyo. Katatapos ko lang ayusin yung mga wedding gown sa show room.” -sabi ng babae kay Shally. And yeah! Bibili ako ngayon ng wedding gown kahit wala naman talaga akong balak at bahala na lang sana sina mommy kung anong bilhin nila. Pero masyadong mapilit si Shally at hindi ako tinantanan hangga't hindi ako napayag sa gusto niya.

“That's great!” -masayang sambit ni Shally bago sila humarap sakin. “Anyway, this is my ate Shanaia.” -pagpapakilala niya sakin. “And ate, this is Camille. Kaibigan at classmates ko!” -pagpapakilala naman niya dun sa babae.

“Nice to meet you po!” -sabi ni Camille sakin at nakipag kamay naman ako. “So, dun na tayo sa show room para makapili na kayo.” -aya niya matapos naming mag kamay at naunang maglakad samin.

Katulad ng kaniyang sinabi, pumasok kami sa show room at sumalubong samin ang mahigit sampung wedding gowns na nakasuot sa tag iisang mannequin. “Wow! Ang gaganda!” -manghang sambit ni Shally. Kung hindi lang sana arranged marriage ang kasal ko at kung mahal ko lang sana ang pakakasalan ko, baka kasing excited din ako ni Shally. Baka katulad niya, may kinang din sa mata ko habang nakatingin sa mga gown na 'to. Pero wala eh. Kahit ata yung sobrang gandang gown ang makita ko ngayon, wala pa rin akong excitement na mararamdaman.

Villafuerte Series #1: Melting Her Frozen HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon