CHAPTER 63

23 0 0
                                    

Days have passed... At sa mga nakalipas na araw na iyon, hindi ko nagawang sabihin kay Ethan ang tungkol sa nalaman ko. Hindi ako makahanap ng tamang tiyempo. Hindi ako nagkakaroon ng lakas na loob para masabi sa kaniya. Natatakot kasi ako. Alam kong hindi katulad ng kaniyang ama si Ethan... Alam kong importante kami ni Nathan sa kaniya. Pero kahit na gan'on, nagdadalawang isip pa rin ako.

“Hon!” -boses ni Ethan na siyang pumukaw sa aking atensiyon kaya agad akong napalingon sa kaniya.

“Bakit?” -tanong ko.

Hindi agad siya sumagot at tumabi muna sakin bago nagsalita. “Nitong mga nakaraang araw, pansin ko na parang lagi kang tahimik. Parang ang lalim lagi ng iniisip mo...” -napapansin niya pala ako. Hindi lang siya nagsasalita. “... Hindi ko lang pinapansin kasi naisip ko na baka pagod ka lang. Pero mukhang may ibang dahilan eh.” -sagot niya.

Is this the right time? Dapat ko na bang sabihin sa kaniya? Hindi ko alam kung ilang minutong nakatulala lang ako sa kaniya habang iniisip ang dalawang tanong na iyon. Habang pinagdedesisyunan kung anong gagawin ko. At sa huli, napagdesisyunan kong sabihin na sa kaniya. Para na rin dalawa kaming makapag-isip ng kung anong gagawin. “Your father is planning to kidnap our child...” -doon ko sinimulan ang pagsasabi sa kaniya ng nalaman ko. Sumunod ay ang dahilan ng kaniyang ama kung bakit niya gagawin ang bagay na iyon...At kung paano ko nalaman ang tungkol doon.

Pinakita at ipinarinig ko rin sa kaniya ang voice record na galing kay Arie bilang pruweba na totoo ang sinabi ko. Ayoko naman kasing isipin niya na sinisiraan ko lang ang kaniyang mga magulang.

And just like me...kumuyom ang kamao ni Ethan matapos ng aking mga sinabi. “Hindi na talaga sila nagbago! Pati si Nathan idadamay nila sa kasakiman nila!” -galit niyang sambit.

“I'm sorry kung ngayon ko lang sinabi sayo ang bagay na iyon. Napapa-isip kasi ako na baka...” -hindi ko ma-ituloy ang aking sasabihin at napayuko.

“Baka ano?” -tanong ni Ethan. Tumingin lang ako sa kaniya at hindi ko pa rin nadugtungan ang aking sinabi kanina. Baka ika-galit niya 'yon. “Iniisip mo ba na papayag ako sa plano nila? Na baka ako pa mismo ang magbigay kay Nathan sa kanila?... Shanaia, sa tingin mo ba ipapahamak ko ang anak natin at ipagpapalit sa pera?” - sunod-sunod niyang tanong.

“I-i'm sorry... It's just that...”

“Wala ka bang tiwala sakin, hon?”

Mabilis akong umiling sa kaniyang itinanong. “No! It's not like that!” -sabi ko.

Akala ko ay magagalit na siya sakin pero imbes na gawin 'yon ay hinawakan niya ang kamay ko at ngumiti sakin. “I understand.” -tanging sambit niya.

“You're not mad?”

“Ahm...medyo. Kasi pinag-isipan mo ako ng gan'on eh. Pero katulad ng sinabi ko, naiintindihan kita. Alam kong inaalala mo lang ang anak natin.” -sabi niya.

“Sorry!”

“Stop saying sorry, hon! It's okay!”

“Pero anong gagawin natin tungkol sa plano ng dad mo?” -tanong ko.

“I'll talk to him. Kokomprontahin ko siya tungkol d'on. And I'll do everything para mapigilan siya. Para wag na niyang ituloy pa ang plano niya.” -sagot niya.

“Do you think makikinig siya sayo?”

“Hindi ko alam. Pero susubukan ko pa rin.” -he pulled me into a hug and kissed my head. “H'wag kang mag-alala. Walang mangyayaring masama kay Nathan. Hindi ko 'yon hahayaan.” -sabi niya pa.

Villafuerte Series #1: Melting Her Frozen HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon