CHAPTER 41

18 1 0
                                    

“Where is he? Did he do something on you?” -may pag-aalalang tanong ni Ethan nang makauwi siya. Sinuyod niya pa ng tingin ang buong katawan at mukha ko para tingnan kung may galos, pasa or something like that.

“I'm fine, Ethan! No need to worry about me. At si Nicko naman, nasa storage room. Doon ko siya iginapos para hindi na makatakas. Nag text na rin ako kay tito na nandito si Nicko kaya papunta na rin siya ngayon dito sa bahay.” -sabi ko at tila nakahinga naman siya ng maluwag dahil don.

“Mabuti kung ganon dahil hindi ko alam kung anong magagawa ko sa kaniya kung may ginawa siyang hindi maganda sayo!” -sabi niya na inismiran ko lang.

“As if naman hahayaan kong gawan niya ako ng hindi maganda.” -sabi ko dahil kahit makipag-pisikalan pa ako kay Nicko ay makakaya kong gawin. I know how to protect and defend my self. Hindi ko lang talaga hinayaan na magkaroon ng pisikilan sa pagitan namin ni Nicko kanina dahil baka bigla na lang may gumamit ng CR at maabutan kami. Kaya sinigurado kong makakatulog siya sa pag suntok ko sa kaniya. Less hirap din diba!

“Tungkol nga pala kay Jessa...” -nabalik kay Ethan ang atensiyon ko nang magsalita siya. “Wala siya sa company nang dumating ako doon. Pero sabi naman ng ilang empleyado ay pumasok si Jessa. Bigla nga lang daw umuwi at masama daw ang pakiramdam.” -sabi niya.

“Do you think it's true?” -tanong ko dahil hindi ako kumbinsidong masama lang ang pakiramdam niya kaya siya umuwi.

“I don't know. Pero kung hindi siya makakapasok bukas, iisipin ko nang kasabwat siya ni Nicko at nagtatago na rin. At hahanapin ko siya pag nagkatotoo ang iniisip ko. Hindi sila puwedeng makatakas sa ginawa nila at hindi rin sila puwedeng mawala hangga't hindi nalilinis ang pangalan namin ni Ms. Quijano.” -seryosong sabi ni Ethan.

Napagpasyahan naming hintayin si tito bago puntahan sa storage room si Nicko. Saglit lang din naman kaming naghintay at dumating na rin agad si tito. “Pamangkin!” -masaya niyang sambit matapos siyang pagbuksan ni Ethan ng pinto. Mabilis ang kaniyang naging lakad palapit sakin at agad akong niyakap na ginantihan ko naman. “Ang tagal nating hindi nagkita! May paglayo ka pa ba naman kasing nalalaman eh!.” -sambit niya bago kumalas sa yakap.

“Tito, may rason naman ako kung bakit ako umalis! And you know what it is.” -sabi ko.

“Yeah! Yeah, I know!” -sambit niya habang tuma-tango-tango pa bago lumingon kay Ethan. “After this, I wanna have a......man-to-man talk with you.” -seryosong sabi ni tito kay Ethan na tila kinakabahan na bago lumingon sakin. “Pamangkin, did I use the right word?” -tanong ni tito na tinanguhan ko lang habang na kay Ethan ang tingin at nagpipigil ng tawa. Hindi na kasi maipinta ang mukha niya at kitang-kita ko na natatakot siya kay tito. I didn't know na marunong matakot ang isang Ethan Grey Parker! Nawala lang sa kaniya ang atensiyon ko nang muling magsalita si tito. “So, nasaan na ang lalaking yon?! At paano mo nga pala siya nahuli, pamangkin?” -tanong niya.

Itinuro ko muna kay tito ang daan papunta sa storage room bago nagsalita. “I was in a cafè with my friends when I saw him. Tapos sinundan ko siya nang pumunta siya sa CR. And———”

“Don't tell me na hanggang sa loob ay sinundan mo siya?!” -pag putol ni Ethan sa sinasabi ko.

“Sinundan ko nga hanggang loob." -simple kong sabi at bigla na lang siyang tumigil sa paglalakad at hinawakan ako sa magkabila kong braso. Medyo nagulat naman ako sa ginawa niya.

“Hon, bakit naman hanggang loob sinundan mo!? CR yon ng mga lalaki diba!” -sabi niya na para bang sobrang mali na pumasok ako sa CR ng mga lalaki.

Villafuerte Series #1: Melting Her Frozen HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon