CHAPTER 24

18 0 0
                                    


Days had passed and everyone is all busy at their work. Paroo't parito ang mga empleyado at kapuwa may mga inaasikaso. It's now December 15 and among all of the departments, the Operation, Sales and Marketing department were the most busy. Lalo pa at nadagdagan na yung mga branch na nabuksan. Hindi pa rin puwedeng malahat dahil kaka-simula pa lang. Hindi puwedeng biglain at baka hindi kayanin ng budget. We already made the budget plan at kailangan yung sundin. As of now, ilang branch pa lang dito sa Manila ang nabubuksan. Kailangan din kasing mabuksan ang ilang branch sa ibang city at province. And base on that, sa tingin ko maayos ang naging sales nitong kalahating buwan ng December. Kasi hindi naman nila bubuksan ang ibang branch kung bagsak pa din ang sales at walang naging development.

As the CFO, my department controls the income and expenditure of E&G. It is our job to manage cash flows, prepare budgets, analyzation of transaction & investment accounts and evaluation of expenses. And I can say na kahit papaano, may nagiging development sa sales.

I'm currently examining the financial statement made by Lemuel then another examination of other documents. Tapos gagawa din ng report. Isang mahabang araw na naman para sakin or should I say, sa aming lahat. Sana lang matapos ko ang mga 'to ng maaga.

“Ma'am Shanaia." -boses ni Nerine na nasa pintuan.

“Come in." -sabi ko at isinara muna ang folder na ginagawa ko.

Inabot niya sakin ang isang folder pagkalapit sa table ko. “Na-audit ko na po yan." -binuklat ko ang folder na kaniyang ibinigay at pinasadahan ng tingin ang laman nitong mga papeles. Pagkatapos ay isinara na ulit ang folder at inilapag sa kabilang gilid ng table ko.

"Okay na. Bumalik ka na sa trabaho mo." -sabi ko at ngumiti pa muna bago ako tinalikuran. "Ahm Nerine!" -pag tawag ko sa kaniya nang may maalala ako.

"Bakit po?" -tanong niya.

"Pakisabi kay Leon na kailangan ko na yung Income Statement for this half month of December. Dalhin niya kamo sakin mamayang hapon."

"Sige po, ma'am." -pagkasabi non ay tuluyan na siyang lumabas ng aking office. Ako naman ay nagtuloy na sa ginagawa ko.

Papers after papers. Documents after documents. Sulat dito, sulat doon. Sa ganiyan umikot ang oras ko. Sumasakit na nga ang puwet ko kaka-upo eh. Kaya may time na tumatayo ako at nagpapalakad-lakad habang nagbabasa ng ilang report. Tapos mag i-stretch ng leeg at braso dahil sumasakit na rin at nangangalay.

Nang sumapit ang lunch ay inaya pa ako nina Yuri na sumabay sa kanila katulad ng palagi nilang ginagawa—ang ayain ako tuwing lunch—pero hindi ako sumama dahil may gagawin pa ako na kailangang matapos ngayon. Sinabi ko ding wag na akong hintayin dahil baka hindi na ako makapag lunch. Ginugol ko ang buong tanghalian sa trabaho at hindi alintana ang paminsan-minsan na pagkulo ng tiyan ko.

Then suddenly while I was busy reading some papers, someone dropped a paper bag on my table. Katulad nang una, isang black and white paper bag yon. Two plain colors without any design. Pero kahit na ganon, alam kong pagkain ang laman non. Hindi naman kasi ito ang unang beses na dinalhan niya ako nito. Pangalawang beses na to be exact. Nung nakaraang araw lang yung unang beses. At kahit yung paper bag pa lang ang tinitingnan ko ay alam ko na agad kung sino ang may dala. Isang tao lang naman kasi ang bigla-bigla na lang pumapasok dito sa office ko nang hindi man lang kumakatok. "I'm busy." -sambit ko nang hindi siya tinatapunan ng tingin at patuloy lang sa ginagawa.

Pero bigla na lang niyang kinuha ang ballpen sakin at isinara ang folder. Nag-angat ako ng mukha at masama siyang tiningnan. "Kumain ka muna bago mo ipag-patuloy 'to. Lagpas nang ala-una at nalilipasan ka na ng gutom." -seryoso niyang sambit at inilapag ang folder sa isang gilid bago inilabas ang pagkaing laman ng paper bag.

Villafuerte Series #1: Melting Her Frozen HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon