CHAPTER 1

99 3 1
                                    

ETHAN GREY

Naupo si Shanaia sa pang isahang sofa na nasa gitna at matamang tumingin kay Mr. and Mrs. Villafuerte na naka-upo na ulit ngayon. Hindi ba niya kami nakikita? Ni isang segundo hindi pa nagawi sa puwesto namin nina daddy ang paningin niya.

"Now... Speak." -seryoso niyang sambit.

"Shanaia, kagagaling mo lang sa biyahe, mas mabuti sigurong mag pahinga ka muna." -sabi ni Mrs. Villafuerte na parang kinakabahan pa.

"That's not what I want to hear, mom." -may pagbabanta sa tono ng boses ni Shanaia nang magsalita siya.

"Hayaan mo na kami dito, Shanaia." -sambit ni Mr. Villafuerte.

"Hayaan? It is about my sister, dad. So whether you like it or not, mangingialam ako dito. Now, if you don't want to tell me what I want to know. Then, I'll ask them instead." -sabi ni Shanaia at humarap sa puwesto namin nina dad at mom. Akala ko magkakasalubong kami ng tingin pero deretso kay daddy ang paningin niya. Seriously? Am I not existing in her eyes? "Mr. Erick Parker, am I right?" -tanong niya kay dad. Sasagot na sana si daddy nang magsalita si Mr. Villafuerte.

"Shanaia, stop----"

"Shut up, dad! I gave you the chance to tell me what I need to know but you didn't. So, just sit there and close your mouth." -sabi ni Shanaia na parang nauubusan na ng pasensiya. Bahagyang umubo si daddy ng lingunin siyang muli ni Shanaia bago nagsalita.

"Ahm, yes. You're right, Ms. Shanaia. I'm Erick Parker. This is my wife Vivian. And this man right here is Ethan Grey, my only son." -pagpapa kilala ni dad samin. Ngumiti siya ng bahagya kay mommy samantalang walang ekspresyon ang mukha niya nang lumingon sakin. Hindi pa tumagal ng kahit dalawang segundo man lang. Unfair yon ah! Wala pang tumitingin sakin ng ganiyan.

"Can you please tell me EVERYTHING, Mr. Parker." -sabi ni Shanaia at diniinan talaga ang pagkakasabi sa salitang 'everything'.

"Well, nag uusap kami kanina about sa kasal ng anak ko at ng kapatid mo..."

"Simula sa simula, Mr. Parker. Kung kailan niyo pa plinano ang kasal, kailan niyo balak ganapin ang seremonya at kung ano pang napag usapan niyo." -para siyang abogado sa korte o kaya imbestigador. At si daddy yung prime suspect. Grabe maka-kilatis.

"To be honest, nasa 1st year college pa lang si Shally, napag usapan na namin ng parents niyo na ipapakasal namin silang dalawa ni Ethan. Then last month, ipina-alam namin sa kanilang dalawa ang planong kasal. Kanina bago ka dumating, pinag uusapan namin kung kailan gaganapin ang kasal and we ask your sister about it." -mahabang litaniya ni dad.

"And her answer is?" -tanong ni Shanaia.

"She said na hintayin ka but your father said that you're busy in London." -sagot ni daddy. Tumaas ang isang kilay ni Shanaia at tumingin sa ama na ngayon ay parang hindi na mapakali sa inuupuan at kinakabahan.

Villafuerte Series #1: Melting Her Frozen HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon