SPECIAL CHAPTER 1

31 0 0
                                    

Tila tubig kung inumin ko ang alak na nasa bote. Naka-ilan na rin ako pero parang wala pa ring talab. Siguro dahil may high tolerance naman ako sa alcohol. O puwede ring dahil sa sobra-sobrang sakit at pagsisisi na nararamdaman ko ngayon. Sana hindi na lang ako nagsinungaling kay dad na ibibigay ko sa kaniya ang anak ko! Sana hindi ako naduwag! Napakawalang kuwenta mo, Ethan!!!

“Kuya Eth———” -napatingin ako sa bagong dating. Shally! “What's happening to you, kuya Ethan?!” -gulat niyang tanong.

“Just.....drinking.” -sagot ko.

“Yeah, I can see that! I'm asking kung anong nangyayari sayo?! Bakit naglalasing ka diyan?!” - sunod-sunod niyang tanong pero umiiling-iling lang ako na parang wala sa sarili. “By the way, nasaan ba si ate?... Ate Shanaia!!!” -tawag niya sa kapatid.

“Walang sasagot sayo, Shally.” -sabi ko.

“And what do you mean by that?!” -hindi ko siya sinagot at inubos ang laman ng bote. “Aaiishh! Ate!!! ATE!!!” - paulit-ulit niyang tinawag ang kapatid at tinungo pa ang ikalawang palapag pero bumalik siya dito sa sala nang tinatawag pa rin ang kapatid. “Kuya Ethan, nasaan ba si ate?! Bakit nag-iinom ka?! Nag-away ba kayo!? Si Nathan nasaan!?” - sunod-sunod niyang tanong.

“Wala na sila.” -mahina kong sambit pero sapat lang para marinig niya.

“What did you say?”

“She leave.”

“I don't get it.”

“I SAID SHE LEAVE!!! YOUR SISTER. LEAVE. ME.” -galit na sigaw ko bago tumayo. Bagay na ikinagulat niya. “Umalis na siya, sila! Mag-isa na lang ako dito! Kaya puwede ba!! Stop asking me where is she dahil hindi ko rin alam!!!” -pagkasabi non ay ibinagsak ko ang aking sarili sa sofa at nagbukas ng panibagong bote bago iyon tinungga.

“No... You're lying! She won't leave! She promised me!” - pagpupumilit niya.

“Then, go! Find her! If you can.” -sabi ko.

Hindi na siya nagsalita pa at patakbong lumabas ng bahay. And that's when I broke out. Yung luhang pinipigilan ko pa kanina ay nag-uunahan nang maglandas sa aking pisnge! I cried!

DAYS AFTER DAYS... Months after months... Malapit nang mag isang taon mula nang umalis si Shanaia kasama ang anak namin. At mula noon, wala akong naging balita sa kanila kahit na isa. Hindi ko alam kung paano ko nakayanan.

Araw-araw na parusa sakin ang paggising sa umaga nang hindi sila ang una kong makikita. Minsan nga parang ayoko na lang magising. Pero sa tuwing naiisip ko ang dahilan kung bakit ako mag-isa ngayon...kung bakit mas pinili kong maiwan at hayaan siyang umalis...ay kahit papaano, nabubuhay ang aking loob. Nagkakaroon ako ng lakas para magpatuloy. Oo, may dahilan ako at hindi lang 'yon basta dahilan. Hindi naman ako ganon katanga para hayaan na lang siyang umalis nang walang sapat na dahilan. Kaya sana...balang araw kapag nagkita na ulit kami...sana maintindihan niya ako at bigyan ng pangalawang pagkakataon para makasama ulit silang dalawa.

“DON'T YOU REALLY KNOW KUNG NASAAN SILA?” - tanong ni dad. Pang-ilang ulit na niya 'yan.

At paulit-ulit lang din naman ang sagot ko. “Hindi ko nga alam, dad.” -mahinahon kong sagot kahit naiinis na ako.

“Bullshit!!!” -mura niya sabay hampas sa ibabaw ng table. “Hindi puwedeng ganito na lang tayo! We need to find them as soon as possible!” -asik niya.

Hindi na lang ako nagsalita at hinayaan siyang magtatalak ng kung ano-ano. Wala rin namang mangyayari kapag nagsalita ako. Mas lalo lang siyang magagalit.

Villafuerte Series #1: Melting Her Frozen HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon