CHAPTER 37

22 1 0
                                    

Last night was fun. Ethan and I, we enjoyed each other's company. Mas nadagdagan pa ang saya nang bigla na lang magsi-datingan sina France. At katulad noong pasko, hindi nila kasama sina Leon, Nerine at Yuri. Pero may nadagdag naman which is si Shally. Medyo nagulat pa ako nang makita siya dahil wala akong sinabi sa kaniya o kay dad na pumunta siya dito sa bahay. Akala ko tumakas siya sa mansiyon pero nag explain naman siya agad kaya hindi ko na kinailangang tumawag sa mansiyon para ipaalam na nandito siya.

For the past few years, si Clayton ang kasama kong sumalubong sa bagong taon. Masaya ako sa mga oras na yon. Pero kung pagkukumparahin ko ang bagong taong kasama si Clayton at ang bagong taon na kasama ko sina Ethan, mas masaya ako ngayon... Mas masaya ang naging bagong taon ko ngayon kasama si Ethan, Shally at sina France.

Nabalik ako sa huwisyo nang may humalik sa aking temple which is si Ethan na nakayakap sakin ang isang braso habang ang isa naman ay nagsisilbi kong unan. “Mukhang ang lalim ng iniisip mo ah. Care to share?” -sabi niya.

“It's just nothing.” -sambit ko.

“Nothing pero kanina ka pa tahimik at nakatulala. Simula nang gumising ka, tahimik ka na. Ni hindi mo ako pinapansin. Ayokong isipin na pinagsisisihan mo yung nangyari satin kasi hindi mo naman ako tinulak o sinigawan pagkagising mo. Pero hindi naman yon mawala sa isip ko.” -sabi niya at mas lalong dumikit sakin. Ramdam na ramdam ko na yung pagkalalaki niya pero hindi ko na lang pinapansin. Baka mabuhay ng tuluyan!

“Eh di pilitin mong maalis. Because I don't regret what happened last night. I'm just quiet here because I am remembering our New year's celebration. Hindi natin inaasahan ang pagdating nina France. But I'm thankful that they came. Kasi mas naging masaya at memorable ang naging New year ko       natin.”

“Sorry, hon. Daig ko pa babae kung mag overthink.”

“Sanay na naman ako kaya ayos lang. Simula pa naman noon, sobra-sobra ka na kung mag-isip. Ang dami mong alam eh!" -asik ko sa kaniya.

Magsasalita na sana siya nang may kumatok sa pinto mula sa labas na sinundan ng pagtawag. “Ate! Puwede bang pumasok?” -boses ni Shally.

“NO!!” -mabilis kong sigaw at agad napabangon habang nakahawak sa kumot na tanging tumatakip sa hubad naming katawan. “Hintayin mo na lang ako diyan! Lalabas na rin ako! Just a minute!” -sabi ko at pinulot yung T-shirt ni Ethan nasa sahig.

“Okay!” -sambit ni Shally.

Pagkatapos kong isuot ang T-shirt ay umalis na ako sa kama at pumasok ng CR. “Hon, maliligo ka ba?! Sabay na tayo!” -boses ni Ethan na hindi ko na lang pinansin.

Mabilis akong naghubad ng T-shirt at nagpalit ng bathrobe bago lumabas ng CR. “Doon ako maliligo sa kuwarto ko! At hindi ka puwedeng sumabay!" -sabi ko sa kaniya.

“Makakatipid tayo sa tubig kung magsasabay tayo!"

“Hindi natin kailangang magtipid!” -huling salita ko bago lumabas ng kaniyang kuwarto. Agad namang sumalubong si Shally sakin. “Bakit? May sasabihin ka ba sakin?” -tanong ko sa kaniya.

Pero imbes na sagutin ako ay pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. “May ginawa kayo 'no?” -tanong niya at alam ko kung anong ibig niyang sabihin.

“Tinawag mo ba ako para malaman kung may ginawa kami o wala?” -sarkastiko kong tanong.

“Hehe! Hindi naman dahil don, ate! Napansin ko lang talaga!”

“Oh eh ano ngang sasabihin mo?”

“May bisita ka.” -napakunot ang noo ko sa sinabi ni Shally dahil wala naman akong inaasahang bisita ngayon. Nandito pa naman sina France kaya sigurado akong iba ang tinutukoy niya. Sina France lang kasi ang kilala kong bigla na lang napunta dito.

Villafuerte Series #1: Melting Her Frozen HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon