CHAPTER 28

18 0 0
                                    

It was pass eleven in the evening nang matapos ang party. Nagka-inuman pero wala namang nalasing ng sobra. May trabaho pa kasi bukas kaya kaunti lang talaga ang ininom naming lahat.

Inihatid ko muna si Shally sa mansiyon bago ako umuwi sa bahay. Akala ko pa nga tulog na si Ethan pagdating ko dahil nakapatay na ang lahat ng ilaw sa buong bahay. Pero hindi naman ganon kadilim dahil sa liwanag ng buwan. Pagpasok ko ay saktong baba naman niya sa hagdan. Iisipin ko sanang nagising lang pero hindi naman siya mukhang nanggaling sa pagtulog. Para bang hinintay niya talaga ako.

"Where have you been?" -seryoso niyang tanong matapos i-on ang ilaw sa sala.

"I guess it's none of your business." -walang emosyon kong sagot bago siya lagpasan.

Pero agad din akong napatigil at lumingon sa kaniya nang magsalita siya. "Alam mo ba kung anong oras na?" -tila galit niyang tanong.

"Of course I know!" -inis kong sagot dahil hindi ko nagugustuhan ang paraan niya ng pagtatanong.

"Alam mo naman pala eh! Bakit ngayon ka lang umuwi?! Tapos hindi ka man lang nagsabi na gagabihin ka o kung nasaan ka!"

"Should I?!" -galit kong sambit. "Hindi ko obligasyon na ipaalam sayo kung nasaan ako at kung gagabihin ako ng uwi o hindi! Kaya puwede bang ayus-ayusin mo yang mga sinasabi mo!" -sabi ko pa.

"I'm just concern---"

"I don't need your concern!... I don't need your care." -putol ko sa kaniyang sasabihin.

"But I'm your husband, Shanaia... Asawa mo ako kaya natural lang na mag-aalala ako sayo."

Pagak akong napatawa dahil sa sinabi niya. "Can you here yourself, Ethan?" -tanong ko. Saglit siyang yumuko bago muling tumingin sakin pero wala siyang sinabi. "Nakalimutan mo na naman ba yung sinabi mo sakin dati?... Akala ko pa naman nagkaintindihan na tayo nung sinabi ko sayong 'don't break your own words'. Tapos 'yan ka na naman. May pa-husband-husband ka pang nalalaman." -mahinahon ko ng sambit. Nanatili namang nakatingin lang si Ethan sakin. I can see mixed emotions in his eyes but I don't care about it. "Ano bang nakain mo at nagkaka-ganiyan ka? Is it because of what happened last friday?" -tanong ko. "Ano? Feeling mo lumalapit na yung loob ko sayo... Kasi nga naman nagbabago na yung pakikitungo ko sayo eh... Pero Ethan, wala lang 'yon. Wala lang sakin 'yon." -sabi ko. He kept silent but his eyes are telling so much. Parang may gusto siyang sabihin pero hindi niya maisa-tinig. "Sana nagkaka-intindihan na tayo ngayon." -hindi ko na siya hinintay pang makapag salita at tumaas na sa aking kuwarto.

Napasandal na lang ako sa pinto at huminga ng malalim dahil sa inis na nararamdaman. Naiinis ako sa ikini-kilos at mga sinabi ni Ethan. Kasi kahit hindi pa man niya sinasabi ng direkta, alam ko na kung anong ibig sabihin ng mga 'yon. Alam ko na kung saan patutungo ang mga sinasabi niya. At ayokong dumating kami sa point na 'yon... Pero naiinis din ako sa sarili ko. Dapat pala hindi na lang ako kumilos ng ganon. Dapat hinayaan ko na lang siya that time. Hindi ko na dapat siya pinanood pa. Hindi na dapat kami nagsabay sa hapag.

Isang malalim na hininga muna ang pinakawalan ko bago ako nagdecide na mag half bath. Pagkatapos ay natulog na rin.

---

Naka-garahe pa ang kotse ni Ethan sa parking space nito nang lumabas ako ng bahay. Napa-tingin naman ako sa aking wrist watch at pasado alas sais trenta na ng umaga. May meeting kami mamayang alas-otso kaya kung mahimbing pa ang tulog niya hanggang ngayon, siguradong male-late siya sa meeting. Pero baka naka-ready na rin 'yon! Tsaka mahaba-haba pa naman ang oras. Ipinagsawalang bahala ko na lang iyon at tumuloy na ako sa aking kotse. Pina-init ko muna saglit ang makina bago nagmaneho papunta sa company.

Villafuerte Series #1: Melting Her Frozen HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon