CHAPTER 27

16 0 0
                                    

“Ate!” -pag tawag sakin ni Shally pagkalabas niya ng gate at halos tumakbo na palapit sakin. Bata lang ang peg! Pero hindi naman isip-bata si Shally. Ganiyan lang talaga siya lalo na sakin. “Kanina ka pa?” -tanong niya.

“Nah! Kararating ko lang. Shall we?” -aya ko sa kaniya at umayos na ng tayo. Naka-sandal kasi ako sa bintana ng kotse eh.

“Ahm ate, puwede ba nating isabay si Camille?” -tanong niya at ngayon ko lang napansin na may kasama pala siya.

“Naku! Wag na, Shally! Mag kaiba naman ang way natin pauwi. Mag ta-taxi na lang ako.” -pag tanggi ni Camille.

“Are you sure?”

“Oo naman! Sige, uwi na ako! See you na lang sa christmas party.” -paalam ni Camille kay Shally bago lumingon sakin. Tinanguan ko lang siya bago ako umikot sa driver seat. Si Shally naman ay sumakay na sa passenger seat.

“May gagawin ka ba sa Linggo?” -tanong ko habang nagda-drive.

“Wala naman, ate? Bakit?”

“Inaya ako nina Yuri sa celebration nila ng christmas party. Baka gusto mo ding sumama. Besides wala ka na rin namang pasok.” -sagot ko at tinapunan siya saglit ng tingin.

“Yuri? Ka-trabaho mo?”

“Yeah! Employee under finance department.”

Napa-tango tango si Shally bago sumandal sa kaniyang kinauupuan. Saglit siyang natahimik na para bang nag-iisip kung sasama or hindi. “Magpapa-alam muna ako kay dad.” -pagka kuwan ay sabi niya.

Napa-ismid na lang ako dahil don. Alam ko naman na kasi ang kalalabasan ng pagpapa-alam niya. For sure, hindi siya papayagan ni dad. Daig pa ni Shally and menor de edad kung paghigpitan siya. “Ako na ang magsasabi mamaya kay dad.” -prisinta ko para siguradong mai-sasama ko si Shally. Para kahit papaano ay makapag enjoy siya.

“Pero baka magka-sagutan na naman kayo ni dad.” -nag aalalang sambit ni Shally.

“Just don't mind us if ever man na magka-sagutan nga kami.” -sabi ko at um-oo na lang siya.

Naging tahimik na ang biyahe namin hanggang sa makarating kami sa mansiyon. Hindi ko na ipinasok ang kotse ko sa loob at ipinarada na lang sa tapat ng gate dahil uuwi rin naman ako mamaya.

“Shanaia, you're here! Sakto! May niluto akong meryenda. Saglit lang, ipaghahanda ko kayo ni Shally.” -masayang salubong ni mom saming dalawa pagka-pasok namin sa mansiyon.

“Nasaan si dad?” -malamig kong tanong sa kaniya kaya hindi natuloy ang pagpunta niya sa kusina at muli akong hinarap.

“Nasa office niya. Bakit?” -tanong ni mom pero hindi na ako nag-abalang sagutin siya at pinuntahan agad si dad sa office niya dito sa mansiyon.

Kumatok muna ako sa pinto ng kaniyang opisina at nang sabihin niyang come in ay pumasok na ako at deretsong lumapit sa kaniya. “What brings you here?” -seryosong tanong ni dad na tinapunan lang ako ng saglit na tingin.

“I'm going to attend a christmas party this coming Sunday and Shally will come with me.” -sagot ko.

Ibinaba niya ang papel na hawak at sumandal sa swivel chair bago ako tiningnan. “Are you asking for my permission?” -medyo sarkastiko niyang tanong.

“Obviously, I am not. At dahil nasabi ko na naman, aalis na ako.” -sabi ko at tinalikuran na siya.

Pero wala pa man ako sa pinto  nang magsalita siya kaya napa-tigil ako. “I've heard that you are now the CFO of E&G. And you are also a shareholder with 10% share.” -sabi niya.

Villafuerte Series #1: Melting Her Frozen HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon