CHAPTER 39

18 0 0
                                    

“I can't believe this, Mr. Ethan! Katatapos lang ng bagong taon tapos ito na akaagad ang sasalubong satin! Problema?! At hindi lang basta problema ha! Talagang scandal pa! At sa lahat naman ng babae, kay Ms. Quijano ka pa talaga nakipag landian! Kay Ms. Quijano na endorser ng Parker!” -galit na sigaw ng isa sa mga investor na kasama namin ngayon dito sa meeting room.

Pagpasok pa lang namin ni Ethan dito kanina ay nandito na silang lahat maging si Mr. Parker. Katulad ng inaasahan ay puro galit na mukha ng mga share holders at investors ang sumalubong samin. Hindi pa nga nakaka-upo si Ethan sa upuan niya ay sandamakmak na katanungan agad ang binato sa kaniya. Lahat sila ay galit at katulad lang din ng ibang tao, naniwala rin dila sa kumakalat na picture ni Ethan at Jhade.

“It's not true! There's nothing going on between me and Ms. Quijano! That picture is just fake!” -inis na sambit ni Ethan na mukhang napupuno na rin sa mga investors na 'to.

“And how are we going to believe in you huh?! Do you have a proof that it's fake?.. Mr. Ethan, sobrang linaw ng litrato na yon! Kitang-kita that you're having an affair with your wife's best friend! Hindi ka na nahiya! Ang pamilyang Villafuerte ang dahilan kung bakit hindi tuluyang na-bankrupt ang kompaniyang 'to tapos ganiyan pa ang isusukli mo!” -muli niyang paratang kay Ethan.

Kita ko ang pagtiim ng bagang ni Ethan na para bang ubos na talaga ang pasensiya niya. Ang kaniya namang kamao ay naka-kuyom na. Mas lalong lalaki ang problema kung magkakasagutan sila at baka mapunta pa sa pisikalan. Kaya bago pa man makapag salita si Ethan ay mabilis kong hinawakan ang kaniyang nakakuyom na kamao na nakapatong lang sa kaniyang lap. Bahagya akong umiling nang tingnan niya ako at mukhang naintindihan naman niya ang ibig kong sabihin.

Hindi ko binitawan ang kamay ni Ethan kahit nang tumingin ako sa investor. “Enough with this.” -seryoso kong sambit. “Kaysa magsisigaw ka diyan, bakit hindi ka na lang tumulong sa pag-iisip ng solusyon? Bakit hindi ka na lang tumulong sa pagreresolba ng problem? Tutal yon naman talaga dapat ang pag-uusapan natin dito diba.” -sabi ko bago naramdaman ang pagsalikop ng kamay ni Ethan sa kamay ko. Saglit ko yong tinapunan ng tingin at hinayaan lang bago muling tumingin sa investor.

“Bakit kung maka-asta ka ay parang wala kang pakialam? Parang wala lang sayo ang issue ng asawa at kaibigan mo. Hindi ka man lang ba magagalit? Your husband cheated on you.———

“He's not.”

———Your best friend betrayed you. Wala lang ba 'yon sayo?”

Agad napahigpit ang hawak ko kay Ethan dahil sa pagpipigil ng galit. Naramdaman ko naman na ipinatong niya ang isa pa niyang kamay sa kamay ko. At kahit papaano ay medyo napakalma naman ako non pero hinfi nabawasan ang galit na nararamdaman ko.

Anong karapatan niyang paratangan si Ethan nang dahil sa isang litrato? Anong karapatan niya para sabihing tinraydor ako ni Jhade? “Siguro nga tama ka. Wala lang sakin yon dahil alam kong hindi yon totoo. At wag kang mag-alala. Sa oras na mapatunayan naming peke ang picture na yon, ikaw ang kauna-unahang papakitaan ko ng pruweba.” -isasampal ko pa yon sayo at ipapalunok!

“Then, we'll wait for it. I'm going to wait for your proof. Pero mainipin akong tao. Kaya sa oras na matapos ang linggong ito at hindi niyo pa rin naaayos ang iskandalong yon, I'm going to withraw my investment.” -seryoso niyang sambit na sinegundahan ng ibang investor bago isa-isang nagsilabasan hanggang sa kaming tatlo na lang nina Ethan at ng kaniyang ama ang natira dito sa loob ng meeting room.

Napatingin ako kay Ethan nang marahan niyang pisilin ang kamay ko at ang kaniyang mata ay tila ba nagtatanong kung ayos lang ako. Ngumiti lang ako ng bahagya sa kaniya bago huminga ng malalim para pakalmahin ang sarili.

Villafuerte Series #1: Melting Her Frozen HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon