EPILOGUE (last part)

36 0 0
                                    

Sa paglipas ng araw, kahit papaano ay umaayos ang lagay ni Shanaia ayon sa doctor. Matapos nga ng mahigit isang buwan ay inilipat na siya sa VIP room. Akala ko sa private room lang dahil iyon ang nirequest ko pero yung doctor na nagpakilalang kaibigan ni Shanaia ay nag insist na sa VIP siya ilalagay. Ayos lang naman sakin kaya hinayaan ko na lang.

“Kailan kaya siya magigising, doc?” -tanong ko habang hawak-hawak ang kamay ni Shanaia.

“Hindi ko alam ang exact date pero sa tingin ko ay hindi na tatagal ng sobra bago siya magising. All we can do now is to wait.” -sagot niya at tumango na lang ako.

Maya-maya ay nagpaalam na rin siyang aalis na. Hinatid siya ni Shally sa labas at nang bumalik ito ay hindi ko inaasahan ang taong nakasunod sa kaniya. Anong ginagawa niya dito?

Madali akong napatayo at inayos ang sarili. Nagtatanong ang mga matang nilingon ko si Shally pero nagkibit balikat lang siya. “M-magandang araw po...s-sir.” -nauutal kong bati.

“Is that how you greet your father-in-law?” -seryoso niyang sambit na aking ikinatigil. Anong ibig niyang sabihin?

“M-magandang araw po.....dad.” -ulit ko kahit naguguluhan sa kaniyang sinabi.

Hindi na siya nagsalita at nagtungo sa kabilang side ng kamang hinihigaan ni Shanaia. “How is she?” - tanong niya nang may...pag-aalala?!

“Stable na raw ang lagay ni ate, dad. Iyon ang sabi ng doctor.” -si Shally ang sumagot. Dahil hindi pa rin ma-process ng utak ko ang nagyayari.

Diba hindi sila magkasundo? Ang alam ko ay may galit sila sa isa't isa pero anong ginagawa niya dito? At bakit may nahihimigan akong pag-aalala sa kaniyang pagsasalita?

Hindi naman sa ayoko siyang nandito. Pero kasi nagtataka ako. Ibig bang sabihin ng kaniyang pagbisita ay dahil napatawad na niya si Shanaia?

“Kailan siya magigising?”

“Hindi pa rin po namin alam.”

Bumuntong hininga ang daddy ni Shanaia. “Gusto ko siyang kausapin... Puwede bang iwan niyo muna ako dito?” -walang tono ng nag-uutos sa kaniyang boses. Bagay na mas lalong nakakapagtaka.

“Sige po, dad. Sa labas muna kami.” -sabi ni Shally bago ako nilapitan. Kung hindi niya pa ako bahagyang higitin ay hindi ako aalis sa aking puwesto. “Alam kong nakakagulat ang kilos ni dad. Pero umayos ka naman, kuya Ethan! Para kang ewan eh!” -asik ni Shally sakin pagkalabas namin.

“Kailan pa nagsimulang magbago ang ihip ng hangin?” -wala sa sariling tanong ko.

“Ewan ko rin.” -sabi niya.

Pareho kaming sumilip sa maliit na glass window ng pinto at pinanood ang bawat galaw niya. Nakaupo na siya ngayon sa silya. Hawak niya ang kamay ni Shanaia at kinakausap ito.

Ito ang unang araw na nagpunta siya dito para bisitahin ang anak. Nang nasa ICU pa si Shanaia ay hindi naman siya nagpakita kahit isang beses.

Akala ko ito na ang una at huli. Pero muling nasundan ang pagpunta ng daddy ni Shanaia dito. Twice a week siya kung pumunta. Minsan umaga, minsan naman ay hapon. Palagi siyang may dalang bulaklak para sa anak. At siya rin mismo ang nag-aayos n'on sa vase.

Kung noong una ay nagtaka at nabigla kami, sa paglipas ng araw ay nakasanayan na namin ang kaniyang pagpunta. At sa bawat pagpunta niya, palagi siyang nagpapa-iwan mag-isa sa loob. Bagay na hindi naman namin tinututulan.

LUMIPAS pa ang isang buwan... Sa wakas ay nagising na si Shanaia. We're so happy that time. Lalong-lalo na ako. Yung pagod at puyat na tiniis ko mabantayan lang siya, lahat 'yon nawala nang magmulat ang kaniyang mata. Pero kailangan niya pa rin daw mag stay pa sa hospital ng ilang araw. Oobserbahan hanggang sa puwede nang madischarge. Gayonman ay panatag na ang kalooban namin.

“Wag mo nang ipaalam sa kaniya na bumisita ako.” -sabi ni daddy Sebastian.

“Pero bakit po? She'll be happy kapag nalaman niya.” - sambit ko. Kahit pa nga nagsinungaling na ako sa kaniya kanina at sinabing hindi siya binisita ng kaniyang ama.

“I'm not sure about that. Gawin mo na lang ang sinabi ko, Ethan. Mas maganda nang hindi niya alam.” -gustuhin ko mang sabihin ang totoo kay Shanaia ay hindi ko magagawa dahil salungat ang gusto ng kaniyang ama. Siguro nga mas okay na 'to.

Matapos ng aming usapan ay umalis na siya. Pumasok ako sa silid at naupo sa sofa. Mula sa aking kinauupuan ay minasdan ko ang payapang pagtulog ng aking asawa. I'm sorry if I lied, hon.

DUMATING ang araw na pinakahihintay namin. Na-discharge na sa hospital si Shanaia.

Mula nang araw na iyon, mas naging maingat ako pagdating sa kaniya. Kung puwede nga lang ay hindi na ako aalis ng bahay para lagi ko siyang mabantayan. Pero hindi naman puwede dahil kailangan kong magtrabaho para sa kanila ng anak namin. Kaya todo paalala na lang ako sa kaniya.

Ngunit sa pangalawang pagkakataon, hindi pa nagtatagal mula nang ma-discharge siya, panibagong aksidente na naman ang nangyari.

Sobrang galit ang naramdam ko para kay Yuri nang mga oras na 'yon. At sa unang pagkakataon mula nang mahalin ko si Shanaia, nakaramdam din ako ng galit para sa kaniya.

Oo, nagalit ako. Dahil iyon na ang pangalawang beses na nahospital siya. Iyon ang pangalawang beses na dinugo siya. I was just scared to lose my child. Hindi ko pa nga siya nakikita o nahahawakan, tapos mawawala na agad. Hindi ko kakayanin 'yon.

Kaya nang magising siya...nang ma-discharge siya...I became distant to her. Gusto ko ng space para mag-isip at para pahupain ng tuluyan ang galit na naramdaman ko. Pero hindi ko naman siya hinayaan na lang. After all, she's still my wife and she's pregnant with my child. I just want space but I still love her. And I'm glad that she gave me the space I needed.

SEPTEMBER 10, 2023... Shanaia gave birth to a healthy baby boy. We named him SHAN NATHAN V. PARKER. Our first born.

My life was complete. Me, my wife and my son. I'm living with my happiness... Or so I thought.

On my way to the company, I've recieved a voice record from Shanaia. Sa pag-iisip na baka iyon yung binigay niyang copy sakin ay hindi ko pinansin. Hanggang sa makarating ako sa company. Doon ko naisipang buksan ang sinend niya dahil unti-unti akong nakakaramdam ng kaba sa hindi malamang dahilan. And that's when I knew...she's leaving with our son.

Madali akong umalis ng kompaniya at sinundan si Shanaia. I was dumb not opening that voice record immediately. Kung alam ko lang! Kung alam ko lang na narecord ang naging usapan namin ni dad kanina at sinend kay Shanaia, sa kaniya na sana ako dumeretso. Hindi na sana ako pumunta sa company. Kaya kapag hindi ko sila naabutan ngayon, hindi ko mapapatawad ang sarili ko. Hon, sana hayaan mo muna akong magpaliwanag!

But she didn't... Naabutan ko pa sila pero hindi na niya ako pinakinggan pa. She wants me to come with them but I can't. Hindi ako puwedeng umalis. Hindi ako puwedeng mag quit as CFO. Hindi pa puwede!.. Hindi pa sa ngayon!..

So, I let her. Even if it hurts, I let them go...without me.

But I promise to myself that I'll find them someday. Kapag okay na! Kapag puwede na!

                                           
MS. A: Maraming-maraming salamat sa mga nagbasa nitong story nina SHANAIA AT ETHAN kahit matagal ako mag update!!! (Hehehh!✌️) Pero hindi pa po ito tapos dahil may Special Chapter pa! Matatagalan nga lang kasi busy. Sana po mahintay niyo. Salamat!🥰

Villafuerte Series #1: Melting Her Frozen HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon