CHAPTER 60

25 0 0
                                    

SHANAIA ISABELLE

Puting kisame... Silid na nababalot ng puting pintura... Sa pangalawang pagkakataon ay iyon muli ang aking nabungaran nang magmulat ako ng mata.

Ngunit hindi katulad noong una, agad na akong napabalikwas ng bangon kahit hindi pa nakakapag-adjust sa liwanag ang aking mata.

Hindi ko tiningnan ang aking paligid at kaagad na hinawakan ang aking tiyan.

Tila parang bula na nawala ang takot at kabang nararamdaman ko nang makapa ang aking baby bump. My baby is alive! Thank god!

“You're awake.” -boses ni Ethan mula sa aking gilid.

Medyo nagitla pa ako nang mapagtantong nasa tabi ko lang talaga siya at mukhang kagigising lang. Hindi ko siya napansin kanina dahil ang anak ko ang una kong naisip matapos kong magmulat ng mga mata.

Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa silya. “Gusto mo ng tubig?” -tanong niya. “Ikukuha lang kita.” -sabi niya kahit hindi pa man ako nakakasagot. Pero bago pa siya makalayo ay agad kong hinawakan ang kaniyang pulsuhan. “May iba ka pa bang kailangan?” -tanong niya sa walang emosyong pananalita katulad kanina.

Hindi ako nakasagot. Nanatili lamang akong nakatingin sa kaniya habang ang isip ay nagtataka at naninibago... Naninibago sa kaniyang tono ng pananalita. Hindi siya ganito. Hindi niya ako kinausap sa ganiyang paraan noong unang beses na na-hospital ako. “Are you mad?” -mahina kong tanong pero sapat lang para marinig niya.

“May karapatan naman siguro ako diba?” -kaniya ring tanong dahilan para mapabitaw ako sa pagkakahawak sa kaniyang pulsuhan at napayuko.

“I'm sorry.” -tanging sambit ko.

“Oo, galit ako... Nagalit ako...kasi anak ko rin naman 'yang nasa sinapupunan mo. Anak natin 'yan.” -mga salita niya na mas lalong nagpadagdag sa konsensiyang nararamdaman ko. “Asawa kita at ayokong sumbatan ka. Pero baka pag hindi ko 'to ginawa, baka maulit na naman ang nangyari sayo. At ayoko nang mangyari 'yon.” -sabi niya.

Hindi ako nakapagsalita. Nanatili akong nakayuko habang magkasalikop ang kamay. Hinintay ko siyang magsalita muli at sumbatan ako katulad ng sinabi niya. Hindi ako magagalit dahil wala rin naman akong karapatan. Deserve ko ang kung ano mang isusumbat niya.

“Wala pang ilang araw na nakakalabas ka ng hospital, tapos nandito ka na naman... Alam mo ba kung anong pakiramdam nang dalawang beses mong isinugod sa hospital ang asawa mo habang dinudugo?... Sobrang takot yung nararamdaman ko, Shanaia. Sobrang pag-aalala...sobrang kaba.” -pumatak ang isang butil ng luha sa aking palad. Kalmado ang kaniyang boses ngunit ramdam ko ang galit niya. At alam kong pinipigilan niya lang ang sarili na pagtaasan ako ng boses. “Noong una, sinisi ko ang sarili ko kung bakit dinugo at na-hospital ka. Pero ngayon...hindi ko alam kung sinong sisisihin ko. Sarili ko ba kasi hindi kita nabantayan ng mabuti? Si Yuri ba kasi siya ang dahilan kung bakit nagpunta ka sa company? O ikaw...dahil hindi mo man lang naisip na buntis ka bago mo tinakbo at sinagip si Yuri.”

“It's my fault. Kasalanan ko kaya ako ang sisihin mo.”

“Oo, tama ka. Choice mo 'yon eh...” -sa sinabing 'yon ni Ethan ay napa-angat ako ng tingin sa kaniya. “... Pero puwede namang hindi mo na lang ginawa diba? Marami namang tao ang nandon, hindi lang ikaw.”

“I just want to save him.”

“Nang hindi iniisip ang anak natin?...” -tanong niya na aking ikinatigil. “Alam ko na parang kapatid mo na si Yuri. Pero diba buntis ka? Kalalabas mo lang ng hospital. Hindi ka na lang nag-iisa ngayon, Shanaia. May bata na diyan sa sinapupunan mo...dalawa na kayo. Sana naman naisip mo 'yon.” -tuluyan nang bumuhos ang luha mula sa aking mata at masaganang dumaloy sa aking pisnge.

Villafuerte Series #1: Melting Her Frozen HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon