CHAPTER 14

19 0 0
                                    

ETHAN GREY

Sikat ng araw ang gumising sakin bandang alas siyete ng umaga. Expected ko ng hindi ko makikita si Shanaia pag gising ko dahil tanging ako lang naman ang natulog dito sa presidential suite. Mula nang iwan ko siya sa balcony kahapon para bumalik sa reception ay hindi ko na siya nakita ulit hanggang sa matulog na ko nang gabi. Tsaka wala rin naman akong pake kung nasan siya!

Nag hilamos at nag toothbrush lang muna ako bago lumabas ng kuwarto para sana pumunta sa kitchen pero hindi agad ako naka-diretso nang makita ko si Shanaia sa living area. Prenteng-prente ang kaniyang pagkaka-upo sa sofa habang naka-pikit ang dalawang mata, naka-cross arms at naka-patong ang dalawang paa sa center table. Don't tell me diyan siya natulog sa sofa?. At sa ganiyang puwesto!

Dahan dahan akong lumapit sa kaniya at iniwasang maka-gawa ng kahit anong ingay para hindi siya magising. Tulog talaga siya. Ang lalim ng pag hinga niya eh. “Ang bait mong tingnan pag tulog. Para ka namang alagad ni kamatayan pag gising dahil diyan sa mga mata mong parang papatay ng tao lagi. Tsk!” -mahina kong sambit.

Gusto ko nang pumunta sa mini kitchen at hayaan na lang siya pero tila may sariling buhay ang katawan ko at naupo sa kaharap niyang sofa. Mula kanina ay hindi na naalis sa kaniya ang aking paningin at kung bakit ay hindi ko alam.

I must admit it. Maganda siyang babae kahit pa light make up lang ang nakalagay sa kaniyang mukha. Kahit pa nga siguro walang make up eh. Yun bang natural beauty. Kaya si Shanaia yung tipo ng babaeng kayang-kaya makuha ang kung sino mang lalaking gustuhin niya. Ilan na kaya naging boyfriend nito?

Nanatili akong naka-titig sa kaniya at kulang na lang malaglag ako sa sofa nang bigla niyang idilat ang kaniyang mata. Anong tini-tingin tingin mo diyan?” -seryoso niyang tanong.

“A-ahm ano... Wala!” -nasabi ko na lang at agad na tumayo. Mabilis kong tinungo ang mini kitchen at kumuha agad ng tubig sa ref. Tuleg ka naman kasi, Ethan. May pag titig pa ba namang nalalaman!

Mauuna na ako sa kotse. Sumunod ka na lang.” -sambit ni Shanaia.

“At saan naman tayo pupunta?” -tanong ko pag lingon ko sa kaniya.

“Sa bahay na tutuluyan natin. Bakit? Dito mo ba gustong tumira?” -medyo sarkastiko niyang tanong bago ako tuluyang iniwan dito sa suite. So ano yon, hinintay niya lang akong magising para sabihin yon?

Hinugasan ko muna yung basong ginamit ko bago bumalik sa kuwarto at naligo. Pagkatapos ay nagbihis. May damit akong nakita sa closet na sa tingin ko ay para talaga sakin. Iisang pares lang naman kasi tapos pang lalaki pa. Eh alangan namang para kay Shanaia 'to diba.

Inayos ko din muna yung kama bago ako umalis ng suite. Paglabas ko naman ng hotel ay may naka-paradang itim na kotse sa harapan. Hindi ko alam kung kanino yon pero nakatayo sa tabi ng kotse si Jino na tauhan ni dad kaya dun ako dumeretso. At hindi pa man ako tuluyang nakakalapit ay binuksan na ni Jino ang pintuan sa passenger seat. Bakit sa passenger seat? Diba dapat sa driver seat o kaya sa likuran dahil kasama ko si Shanaia?

Villafuerte Series #1: Melting Her Frozen HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon