CHAPTER 32

21 0 0
                                    

Dalawang magkasunod na katok sa pinto ang nagpagising sakin na sinundan pa ng pagtawag niya mula sa labas. “Hon!” -boses ni Ethan.

Nag-unat muna ako ng braso at binti bago bumangon para buksan ang pintuan. “What? Nang-iistorbo ka ng tulog eh!” -medyo inis kong sabi sa kaniya habang nagkukusot pa ng mata. Anong oras na kasi ako nakatulog kagabi dahil sa pag-iisip kung anong gagawin ko. Magdamag ko ding inisip yung mga salita ni Jhade bago siya umalis sa company.

“Just let him. I-appreciate mo na lang yung mga gagawin niya for you. Like for example, ipinagluto ka niya. Eh di mag thank you at kumain ka. Wag mo na lang balewalain.”

Kung gagawin ko yung sinabi ni Jhade, hindi ba at parang paaasahin ko naman si Ethan? Kung tatanggapin ko na lang ng tatanggapin ang gagawin ni Ethan, baka naman bigyan niya yon ng ibang ibig sabihin. Baka umasa siya. Hindi ba puwedeng balewalain ko rin siya kahit minsan?

Nabalik ako sa huwisyo nang may humawi sa buhok ko at inilagay yon sa likod ng aking tainga. “Ang gulo ng buhok mo.” -sambit ni Ethan habang inaayos rin ang ilang hibla ko ng buhok. “Pasensiya kung naistorbo kita. Balik ka na sa pagtulog mo. Hintayin na lang kita sa dining hanggang sa magising ka. Tapos ipapainit ko na lang din yung mga pagkain.” -naka ngiti niyang sabi sa akin.

Hindi ako nagsalita at nakatingin lang sa kaniya. Hanggang sa umalis siya sa harapan ko ay nanatili akong walang imik. Paano pa ako babalik sa pagtulog, eh nawala na antok ko. Iiling-iling na isinara ko ang pinto at tiningnan ang oras sa aking cellphone. Alas sais na ng umaga. May pasok pa kaming pareho sa company kaya kung matutulog pa ako at maghihintay siya, baka mamayang tanghali pa kami makapasok. Hindi naman 'yon puwede! Kaya wala na akong nagawa kundi ang maghilamos sa CR bago saglit na inayos ang buhok at sumunod na kay Ethan sa baba.

“Hindi ka na ba makabalik sa pagtulog mo?” -tanong niya. Malamang! Kaya nga nandito ako sa harap mo diba?! Tumango na lang ako kaysa isagot ang nasa isip ko. “Sorry kung naistorbo kita... Puwede ka namang hindi pumasok kung puyat ka para makapagpahinga ka muna.” -sabi niya.

“Hindi na. Ayokong matambakan ng trabaho.” -sambit ko bago naupo sa silya.

“Nagtanong ako kay Shally kung anong hilig mong kainin sa umaga tapos iyon yung niluto ko.” -sabi niya kaya napatingin naman ako sa mga pagkaing nakahain. May kanin at may fried rice. Scrambled egg, bacon at chicken hotdog. May tinapay din at palaman na cheez whiz. Eksakto talaga sa paborito kong umagahan. Naiiba lang naman kasi umagahan ko kapag may nawalang isa sa mga yan. Like for example, walang bacon. Eh di mag-iiba na ako ng umagahan. Yun ang trip ko eh! Bakit ba?! “Ay saglit! May kulang pa pala!” -sabi niya at umalis sa harapan ko bago kumuha ng isang mug. Magtitimpla ng kape. Mukhang alam na naman niya kung anong klaseng timpla ang gusto ko at hindi na siya nagtangong. Baka naitanong na rin niya kay Shally. Itatapon ko na lang sa kaniya kapag hindi ko nagustuhan!... Joke!

“Ethan, hindi ba dapat ako ang gumagawa ng mga ginagawa mo ngayon dahil ako naman ang babae? I am the wife here.” -sabi ko habang hinihintay siyang matapos sa pagtitimpla ng kape.

“Do you consider yourself as my wife?” -tanong niya na nakapag patahimik sakin. “Alam kong hindi mo gagawin 'to para sakin kaya ako na lang ang gagawa para sayo... Because I consider myself as your husband.” -naka ngiti niyang sambit habang naglalakad pabalik dito sa mesa bitbit ang mug ng kape. “Tsaka puwede namang lalaki ang magluto para sa asawa niya diba. Ilang araw ko lang din naman magagawa 'to. Siguro walong araw kung tama ang pagkakabilang ko.” -kung magsalita siya ay parang wala lang. Parang normal na araw lang. Parang walang mangyayari pagkatapos nito. He's good at hiding his true emotion. Just like me. Ang pinagkaiba lang, itinatago niya ang totoong nararamdaman niya sa pamamagitan ng pag ngiti. But me, I chose to be emotionless just to hide my pain. “Kain na! Gusto kong ipag-sandok ka pero sabi ni Shally, ayaw mo daw ng ganon. Kasi kaya mo naman daw at hindi ka na bata.” -sabi niya at iniabot na lang sakin ang sandok. Ano pa kayang sinabi sa kaniya ni Shally?

Villafuerte Series #1: Melting Her Frozen HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon