CHAPTER 29

21 0 0
                                    

"Take care! And please lang ha! Bumalik ka agad! Baka abutin na naman ng ilang taon bago ka bumalik. Sasabunutan na talaga kita!" -sabi ni Jhade sakin.

We're here at the airport dahil nga ngayon din ang flight ko. She insisted na ihatid ako na hindi ko naman tinanggihan. "Gaga! Uuwi din ako bukas ng hapon." -sambit ko.

"Nagsasabi lang naman ako." -she said and rolled her eyes.

"Pero ate, mag-iingat ka talaga ha! Kahit saglit ka lang don. Gusto ko sanang sumama kasi diba sabi mo, sa susunod na pag-alis mo, isasama mo na ako. Pero yun nga, saglit ka lang naman kaya hindi na muna ako sasama." -nakangiting litaniya ni Shally. Sinabi ko kasi sa kaniyang may aasikusahin ako sa London at nag insist din na ihatid ako.

Saglit pa kaming nagpaalamanan bago ako tuluyang pumasok sa airport. Ang dami pa kasing pinagsasabi ni Jhade eh. Parang hindi na ako babalik. Eh saglit nga lang ako diba! Tapos kinulit pa ako kung ano daw gagawin ko sa London. Kung hindi lang talaga ako male-late sa flight, baka hanggang ngayon nasa harapan pa rin kami ng airport.

I made myself comfortable in my designated seat. Good thing na nasa tabi ako ng bintana dahil ito talaga ang gusto ko. Hindi ako masyado mabo-boring sa mahigit 14 hours na flight.

Nasa bintana lang ang tingin ko mula nang tumaas ang eroplano dahil mas maganda pa 'tong tingnan kaysa dito sa paligid ko. I'm not saying na hindi maganda ang loob nitong eroplano. Mas maganda lang talaga ang tanawin sa labas ng bintana. At isa pa, baka maka-sapak lang ako ng wala sa oras dahil sa lalaking katabi ko. Kahit naman kasi wala sa kaniyang ang aking mata, alam kong kanina pa niya ako pinapasadahan ng tingin. Hindi naman revealing ang suot ko. Kung tutuusin nga ay mukha, leeg at kamay ko lang ang nakikita niya. Nakasuot kasi ako ng blue jeans at kahit itim na sando lang ang terno nito ay may coat naman akong suot kaya hindi talaga kita ang braso ko.

Maya-maya ay tumikhim siya pero hindi ko naman pinansin. "Ahm...Hi!" -sambit niya na hindi ko pa rin pinansin. "Gusto ko lang naman makipag-kaibigan." -sabi niya pa.

"I already have and I don't need to add more." -sabi ko nang hindi siya tinitingnan.

"But maybe you need a boyfriend?" -tanong niya.

Ipinakita ko sa kaniya ang nakasuot na singsing sa daliri ko. "I'm married." -sambit ko at ibinaba ang kamay. Hindi ko pa rin siya nililingon at wala akong balak.

"It's an engagement ring not a wedding ring."

Napa-sulyap naman ako sa kamay ko at ngayon ko lang naalala. Hindi ko pala suot ang wedding ring ko. Iniwan ko 'yon sa bahay at tanging ang engagement ring lang ang sinuot ko. "Then, I'm engaged." -pagbabago ko sa aking sinabi kanina. Hindi na siya nagsalita pa at ipinagpapa-salamat ko 'yon.

Kaya naman naging matiwasay na ang naging flight ko.
---

"Miss Shanaia!" -salubong ni Arie sakin sa airport. Siya lang ang sinabihan kong pupunta ako dito sa London at wala ng iba.

"Where is he?" -tanong ko bago kami sumakay sa kotse.

"Nasa condo niya. Doon po ba tayo dederetso?" -tumango ako bilang sagot at pinaandar na niya ang kotse. "Hindi ho ba muna kayo magpapahinga? Sa haba ng biyahe niyo, I'm sure pagod kayo." -tanong niya pa habang nagmamaneho.

"Hindi na muna. I really need to talk to him." -sagot ko at wala nang nagsalita samin.

Mahigit 30 minutes din ang itinagal namin bago nakarating sa condominium na tinutuluyan ni Clayton. "Wag mo na akong hintayin. Gabing-gabi na rin at magpahinga ka na. Salamat sa pagsundo." -sabi ko kay Arie dahil malayo-layo pa mula dito ang pintayo kong bahay dito sa London kung saan siya tumutuloy.

Villafuerte Series #1: Melting Her Frozen HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon