CHAPTER 51

26 1 0
                                    

“Hon, gising na! Kakain na!” -boses ni Ethan na alam kong nasa tabi ko lang dahil ramdam na ramdam ko ang paghinga niya sa aking tenga.

“Inaantok pa ako, Ethan!” -balak ko pa sanang magtaklob ng kumot sa mukha pero hinigit niya ang kumot paalis sa katawan ko.

“Pero tanghali na, hon! Kain ka muna tapos tsaka ka na lang matulog ulit.” -pilit niya at siya na mismo ang nagbangon sakin.

“Ethan~!” -inis akong nagmulat ng mata at masamang tumingin sa kaniya.

“I love you!” -nakangiti niyang sambit. “Halika na! Maghilamos ka na at mag tooth brush para makakain na tayo.”

Wala na akong nagawa kundi tumayo dahil baka maisipan niya pang buhatin ako.

Tamad na tamad akong naglakad papasok sa CR para mag hilamos. Pagkatapos ay nag mouth wash na lang ako imbes na mag tooth brush.

“Bakit nandito ka pa? Anong oras na ah! Dapat nasa company ka na!” -sabi ko kay Ethan habang naglalakad kami papunta sa kusina.

“Ayokong umalis nang natutulog ka pa. Baka sumama bigla ang pakiramdam mo pagka-gising tapos wala ako, eh di walang aasikaso sayo.”

“Eh paano kung may importante kayong meeting?” -tanong ko.

“Then, kukuha na lang ako ng puwede kong maging representative para siya ang umattend sa meeting.” -sagot niya bago ako pinaghila ng upuan.

Katulad kagabi ay ipinag-sandok niya ulit ako ng pagkain  at sa tabi ko na rin naupo. Napansin ko ring gatas ang itinimpla niya para sakin at hindi kape. “Kailan ka bumili ng gatas?” -tanong ko bago uminom n'on.

“Last week pa. Wala na kasi akong nakita sa ref nang magbisita ako noong pupunta ako sa grocery kaya bumili na ako.” -sagot niya at tumango na lang ako bago nagsimulang kumain.

Asikasong-asikaso niya ako habang nakain kami na hindi ko naman tinutulan.

Pagkatapos ay inunahan ko na siyang mag volunteer sa paghuhugas ng pinggan dahil baka ma-late na siya ng sobra sa trabaho niya.

Ayaw pang pumayag sa umpisa pero napilit ko naman siya sa huli. Pinaligo ko na siya nang makapasok na sa trabaho.

“Hon, tumawag nga pala sayo si Shally kanina. Ang sabi niya, mamayang hapon pa daw siya makakapunta dito dahil may klase siya ngayon. Tapos may message naman galing kay Jhade at ang sabi niya, pupunta siya ngayong umaga.” -imporma ni Ethan sakin nang pumasok ako sa kuwarto namin.

Nagbu-butones siya ng kaniyang polo nang pumasok ako kaya deretso kong kinuha ang kaniyang neck tie na nasa kama bago iyon isinuot sa kaniya. “I want to tell them personally that I'm pregnant. Kaya ko sila pinapupunta.” -I trailed off. “Ikaw? May pagsasabihan ka ba?.. I mean—mga parents mo...Sasabihin mo ba sa kanila?” -tanong ko.

“Kahit naman hindi ko sabihin, malalaman at malalaman pa rin nila 'yon. Pero wala naman akong balak na itago sa kanila. I just don't think that they have the rights to know.” -sagot niya sakin.

“It's up to you.” -sabi ko bago lumayo ng kaunti sa kaniya dahil tapos ko nang ayusin ang kaniyang neck tie.

“Alis na ako!” -paalam niya at kinuha na ang attache case na nakalapag sa kama bago tiningnan saglit ang sarili sa salamin. Pagkatapos ay lumapit sakin. “Wag ka masyadong magkikilos ah! Bawal kang mapagod! I love you!” -hinalikan niya ako sa noo bago umuklo paupo sa harapan ko. “Bye, baby! Papasok na sa trabaho si daddy! I love you!” -maging ang aking tiyan ay hinalikan niya.

Villafuerte Series #1: Melting Her Frozen HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon