CHAPTER 7

31 1 0
                                    

KYLER EZEKIEL

Sobrang sakit ng ulo ko pagka-gising bandang alas otso ng umaga. Hindi ko alam kung ilang oras ba ang itinulog ko o kung nakatulog ba talaga ako. Simula kasi nang umalis sina Shanaia at yung kasama niyang lalaki sa club, hindi na sila nawala sa isip ko hanggang sa mai-hatid ako ni Aaron dito sa bahay. Laging nag papa-ulit ulit sa utak ko ang sinabi ng lalaking yon at hindi ko alam kung anong iisipin ko. Kung totoo bang nanggaling sila sa kuwarto o baka naman mali lang ang pagkaka-intindi ko. Maybe, may pinag usapan sila, something na private kaya nasa kuwarto sila. Tsk! "Ano ba 'tong iniisip ko?" -sambit ko at pinilit bumangon. Hindi ko na inayos ang kama at dumeretso na sa CR para maligo. Mas mabuti pang bisitahin ko na lang ang anak ko kaysa mag mukmok dito maghapon. At least may mapapag kuwentuhan ako.

Pagkatapos maligo ay nagbihis lang ako ng simpleng damit-white T-shirt, black pants at rubber shoes.

"Kuya, san ka punta?" -tanong ni Claire ng magkasalubong kami sa hagdanan.

"Bibisitahin ko si Sky." -sagot ko at nilagpasan na siya.

"Sama ako." -sabi ni Claire na sumunod sakin.

"Wag na. Next time na lang." -pag tanggi ko at lumabas na ng bahay. Sumakay agad ako sa kotse pagka labas at umalis. Pag kasi hindi ko pa binilisan, baka mangulit pa ng mangulit si Claire. At kilala ko ang kapatid ko, hindi niya ako titigilan hangga't hindi napapag bigyan ang gusto niya.

Habang nasa biyahe ay may nadaanan akong tindahan ng bulaklak kaya bumili muna ako bago nagtuloy. Gusto kong tawagan si Shanaia ngayon pero wala naman akong number niya. Nakalimutan ko pa kasing hingin kahapon nang magkita kami sa mall. Tsk! At kahit gustuhin ko mang puntahan siya sa mansiyon, hindi ko naman magawa. After what happened three years ago, sinabi ko sa sarili ko na hinding hindi na ako tatapak sa mansiyon ng mga Villafuerte. Kahit nandon si Shanaia, hindi ko pa rin kayang harapin ang pamilya niya ng walang galit dito sa loob ko. Kung hindi dahil sa kanila, sana naayos ko pa ang relasyon namin ni Shanaia. Wala sanang nasayang na ilang taon. Buo sana kami ngayon.

Pagdating sa private cemetery ay ipinarada ko agad ng ayos ang kotse ko katabi ng isang black BMW M8 na kotse. "Nice car." -sambit ko pa bago kinuha ang basket ng bulaklak sa compartment ng kotse at isinara ito pagka-kuha.

" -sambit ko pa bago kinuha ang basket ng bulaklak sa compartment ng kotse at isinara ito pagka-kuha

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Note: This is the BMW M8

Isang beses ko pang sinulyapan ang kotse bago ako nagtuloy sa paglalakad papasok sa cemetery.

Agad napa-kunot ang noo ko ng may babae akong natanaw na nakaluhod sa harapan ng puntod ni Sky. Kaya binilisan ko ang aking lakad pero agad ding napahinto nang makilala ko kung sino siya. "Shanaia." -sambit ko at mukhang wala siyang narinig. Hindj ako puwedeng magkamali. Sa buhok pa lang niya, kilala ko na siya.

Villafuerte Series #1: Melting Her Frozen HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon