CHAPTER 17

23 0 0
                                    

ETHAN GREY

Bandang alas kuwatro na nang makabalik ako sa kompaniya. Katatapos lang kasi ng meeting ko sa isang investor and thank god dahil huli na yon sa araw na ito. Pagon na pagod na ang katawan ko kakapabalik-balik sa kompaniya. Lahat kasi ng naging meeting ko ay sa restaurant. Tapos iba-iba pang place kaya doble hirap! Pasalamat na lang talaga at investor sila dahil kung hindi, malabong siputin ko silang lahat.

Hindi na ako nagulat nang makita ko si dad sa loob ng office pagpasok ko. Kanina ko pa rin naman alam dahil itinawag sakin ng secretary ko na nandito si dad. "Tired?" -tanong niya na naabutan kong nagbabasa ng newspaper sa loob ng office ko. Tiningnan ko lang siya pero hindi ako sumagot at dumeretso sa aking office table bago naupo sa swivel chair. Isinandal ko ang aking likod sa back rest ng upuan at ipinikit ang mata. I really need to take a rest! Wala pa rin akong kain mula kanina. "Nagpunta ako sa bahay niyo ng asawa mo." -biglang sambit ni dad kaya napa-mulat agad ako ng mata at tumingin sa kaniya. Nagbabasa pa rin siya ng newspaper at seryosong-seryoso ang mukha.

"Ano namang ginawa mo don?" -tanong ko.

Ibinaba niya muna ang newspaper bago tumingin sakin. "Remember the last will and testament of your grandfather? The shares in this company that your wife will acquire?" -tanong niya.

Napa-isip naman ako kung anong tinutukoy ni dad hanggang sa maalala ko yung tungkol sa huling habilin ni lolo. "Let me guess, tinanggap niya yung shares diba?" -tanong ko. Kasi imposible namang hindi niya tanggapin yon. Kahit nga 1% share lang, pinag-aagawan na eh. Yun pa kayang 10% shares.

Bumuntong hininga si dad bago nagsalita. "Unfortunately, she didn't accept the shares. Sayo na lang daw dahil hindi naman niya kailangan at wala din siyang pakialam sa kompaniya natin." -sagot ni dad.

"Unbelievable!" -hindi maka-paniwalang sambit ko at napa-sandal ulit sa backrest ng swivel chair. "Gaano ba kalaki ang kaniyang kompaniya para basta na lang niyang tanggihan ang shares na yon?! Yung iba nga halos magpatayan pa para lang magkaroon ng shares sa kompaniya eh! Tapos sa kaniya parang wala lang! Sasabihin niya pang hindi niya kailangan! Sumobra naman ata yabang niya!" -inis kong sambit.

"Baka naman kasi may maipagmamayabang talaga." -maka hulugang sambit ni dad. Napa-isip naman ako sa ibig niyang ipa-kahulugan. Hanggang sa tumayo siya at seryosong hinarap ako. "Bantayan mo si Shanaia. Alamin mo lahat ng tungkol sa kaniya lalong lalo na ang tungkol sa kaniyang kompaniya sa ibang bansa. Hindi natin alam kung anong tumatakbo sa isipan ng babaeng yon! Baka mamaya magising na lang tayo, nasa kaniya na ang lahat." -seryosong paalala ni dad sakin bago walang paalam na lumabas ng office ko.

Ilang minuto pa akong naka-tanga lang habang nasa naka-sarang pinto ang tingin bago ko naisipang umuwi. Inayos ko muna ang mga nakalagay sa aking office table bago ako lumabas ng opisina. Sinalubong naman ako ni Jessa, ang secretary ko. "Uuwi ka na, sir?" -tanong niya sakin.

"Yeah." -simple kong sagot.

"Ingat po kayo, sir!" -sabi niya bago bumukas ang pinto ng elevator.

Villafuerte Series #1: Melting Her Frozen HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon