CHAPTER 10

28 0 0
                                    

SHALLY MARIE

Six na ata ng umaga nang magising ako kaya kumpara sa mga nakaraang araw, mas mabilis ang ginawa kong pag kilos ngayon. 7:30 kasi ang simula ng unang klase ko at kung hindi ako nagkakamali, may exam kami sa first subject na yon. Kaya kailangan kong bilisan para makapag review pa ako sa library o kahit sa room na lang.

Thirty minutes talaga ako maligo pero naging twenty minutes na lang ngayon. Maging ang pagbibihis ko ng uniform ay hindi ata inabot ng limang minuto. Hindi na ako naglagay ng make up sa mukha pagkatapos mag bihis at lumabas na ng kuwarto bitbit ang bag ko.

Naka handa na ang breakfast mo.” -sabi sakin ni mom pagkababa ko ng hagdan.

Salamat, mommy!” -masigla kong sambit at pumunta sa dining para kumain. Hindi kasi ako papa-alisin ni mom kapag hindi ako kumain ng breakfast. Kahit pa sabihin kong sa school na ako kakain. Even if mommy is not my biological mother, she still take care of me. She treats me like her own daughter. Kahit nung nabubuhay pa si mama, inaalagaan na niya ako. Sabi kasi ni ate sakin noon, matapos ko daw mag one year old, dito na ako tumira sa mansiyon. Binibisita na lang ako ni mama every weekend. Pero sadyang malupit ang tadhana samin noon. My mama died when I was four years old because of her illness that she hid to me. Matagal na pala siyang may sakit pero hindi niya sinasabi. Siguro kung alam ko lang, baka napa-gamot pa siya. Baka hindi siya namatay. Hay naku! Shally Marie, tigilan mo na yang iniisip mo! Napaka habang panahon na ang lumipas! Yeah right! Ang bilis ko nga din naka recover eh. Siguro mahigit dalawang linggo ako nagluksa noon. Lagikasing nandiyan sina mommy at ate sa tabi ko. Nawalan ako ng mama pero nagkaroon naman ako ng mommy. Tapos may ate pang sobrang bait at protective.

Nawala lahat ng iniisip ko at napa balik ako sa huwisyo ng may kumaway-kaway sa mismong harapan ng mukha ko. Kukurap-kurap akong tumingin kay mommy. Bakit po, mommy?” -tanong ko.

Tulala ka diyan eh. Ano bang iniisip mo?” -tanong ni mommy at nginitian ko lang siya habang umiiling bago bumalik sa pagkain. Hindi na rin naman nagtanong si mom.

Maya-maya pa... Shally, ako na maghahatid sayo sa school. Hintayin kita sa kotse.” -dinig kong sabi ni ate. Hindi na ako sumagot at binilisan ang pagkain.

Shanaia, kumain ka muna.” -sabi ni mommy pero wala akong narinig na tugon mula kay ate at tanging pag bukas at pag sara ng pinto lang ang narinig ko.

Nilingon ko si mommy at nakatingin siya ngayon sa nakasarang pinto. Bumuntong hininga siya bago lumingon sa puwesto ko. At yung kaninang malungkot na mukha ay naka-ngiti na ngayon. Isang ngiti na pilit. Bilisan mong kumain. Baka mainip ang ate mo.” -sabi ni mommy at tumango na lang ako.

Nag tuloy ako sa pagkain at nang matapos ay nagpaalam agad ako kay mommy bago lumabas ng bahay. “Tara na, ate!” -masigla kong aya kay ate na naka-upo sa hood ng kotse niya at sabay kaming sumakay sa kotse.

Tahimik lang si ate habang nagmamaneho at pasulyap-sulyap naman ako sa kaniya. “If you have something to say then spill it, Shally. Hanggang wala pa tayo sa school mo.” -biglang sambit ni ate. Napansin niya pala ang ginagawa kong pasulyap-sulyap sa kaniya.

“Mag papakasal ka ba talaga sa kaniya? Final na ba yung decision mo?” -tanong ko sa kaniya at tumango lang siya bilang sagot. “Pero paano ka na kapag nai-kasal kayo?” -tanong ko pa.

Villafuerte Series #1: Melting Her Frozen HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon